"WHAT are you doing here?" nagtataka kong tanong ay Mr. Nishimoto. Day off niya ngayon kaya nakapagtataka lang na nandito siya ngayon.
"I'm just passing by," he replied.
Marahan naman akong tumango at saka napaisip.
"How about you?" he asked.
"I just finished work," I replied.
"I see. Are you heading home now? How about your plan?"
Hindi naman ako nakasagot. "It was cancelled," pagsisinungaling ko at saka tumawa. Wala naman kasi talaga akong plano ngayon. I didn't even accept Hiro's invitation, and he didn't ask me again after that.
"How about you?" pagbalik ko ng tanong sa kaniya.
Hindi naman siya sumagot. Tinitigan niya lang ako sa mukha. Mayamaya pa ay ngumiti siya. "It's also been canceled. You must be hungry. How about having dinner with me? There's a good restaurant close by that I know of."
Napaawang naman ang aking mga labi at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang imbitasyon niya. Lalo na't hindi ko tinanggap ang imbistayon ni Hiro.
Huminga muna ako nang malalim bago tanggihan ang alok niya. "Thank you for the invitation, but I need to reject it. I'm sorry," paghingi ko ng tawad sabay yuko ng aking ulo.
"You don't need to apologize. I understand." He smiled.
Nginitian ko rin siya.
"By the way, are you going to the station? Let's go together," he said.
"Sure," I agreed, and then we walked together.
"Are you not cold?" bigla niyang tanong. Mas lalo kasing lumalakas ang pag-ulan ng snow at halos mabalot na ng kulay puti ang buong paligid.
"I'm cold, but I can bear it," I replied. Pero sa totoo lang ay kanina pa ako nilalamig. Hindi ko lang maamin sa kaniya. Isang kamay ko lang kasi ang nakasilid sa aking bulsa. Habang ang isa naman ay bitbit ang maliit na kahon ng cake na ibinigay sa akin kanina. Hindi ko kasi ito puwedeng isilid sa aking bag dahil masisira ito.
Nang sumakit na ang aking kamay dahil sa sobrang lamig ay inilipat ko ang cake sa kabila kong kamay para maisilid ko ito sa aking bulsa.
"How about we eat before you go home?" he asked before we arrived at the station.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Umiling ako. "Thank you, but I will eat at home."
Marahan naman siyang tumango at saka ngumiti siya nang mapait. "Take care."
I bowed my head and said goodbye before I left. Pero bago pa man ako tuluyang nakapasok sa ticket gate ay may biglang humila sa akin papunta sa isang tabi. Laking gulat ko naman nang nakita kung sino ito.
BINABASA MO ANG
How Do You Say I Like You?
Roman d'amourWhile deciding what to eat, Lhea Chavez was asked by a man to teach him Tagalog. Yamada Hiro aims to learn Tagalog in order to speak with a Filipino he likes. Although it seemed odd, she agreed. What would happen if she starts to develop feelings fo...