"HAVE you decided what to eat?" Mr. Nishimoto asked.
Umiling-iling ako at saka napaisip habang pinagmamasdan ang tablet menu. Hindi ako makapili dahil mukhang masarap ang lahat ng pagkain nila. Gusto kong kumain ng kanin pero nigiri lang ang meron sila. Kaya naman ay pinili ko ang ramen at saka fried sushi.
Habang naghihintay na tumunog ang tablet menu at dumaan sa conveyor ang in-order namin ay biglang may lumapit sa amin. Nanlaki naman ang aking mga mata nang iangat ko ang aking mukha at nakita kung sino ito.
"Hiro? Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong. Sunday ngayon at wala kaming tutoring class.
Hindi siya sumagot. Pagkatapos ay tiningnan niya lang nang masama si Mr. Nishimoto.
"What are you doing here? You don't have a tutoring class," Mr. Nishimoto said.
"I think he's here to eat," I answered. "Right?" tanong ko kay Hiro.
Ibinaling naman ni Hiro ang kaniyang tingin sa akin. "Yeah," he answered.
"Why don't you eat with us?" I asked while smiling. Parang wala kasi siyang kasamang pumasok rito. At saka ayoko rin kasing kumain na kami lang ni Mr. Nishimoto.
Marahan naman siyang tumango. Akmang uupo na sana siya sa tabi ko nang bigla siyang hilahin ni Mr. Nishimoto paupo sa tabi nito. Nabigla naman ako sa ginawa nito.
Mayamaya ay iniabot ko kay Hiro ang tablet menu na agad naman niyang kinuha mula sa akin.
"What did you order?" tanong niya na ipinagtaka ko.
"Ramen and fried sushi," I answered. "Why you're asking?" tanong ko.
Hindi siya sumagot na mas lalo kong ipinagtaka. Pinagmasdan ko siya habang pumipili ito ng pagkain sa tablet menu. Pero laking gulat ko nang order-in din niya ang mga pagkaing in-order ko. "What are you doing?" kunot-noo kong tanong.
"Ordering," pilosopo niyang sagot.
"Yes, I am aware of it. However, why are you placing the same order as mine?" I asked again.
Marami namang pagpipilian kaya bakit pinili niya ang mga pagkaing in-order ko?
"It's nothing. I just wanted to eat the foods that you are going to eat."
Napaawang naman ang aking mga labi dahil sa sagot nito. Kaya pala tinanong niya ako kung ano ang mga in-order ko dahil ganoon din pala ang o-order-in niya.
Napabuntonghininga na lamang ako.
Mayamaya ay isa-isang dumating ang mga in-order namin ni Mr. Nishimoto.
"I humbly receive," we said before eating. Akmang isusubo ko na sana sa aking bibig ang isang piraso ng fried sushi sa aking bibig nang nakita ko si Hiro na nakakatitig sa pagkain ko. Kaya naman ay natigilan ako. We ordered the same thing, so I offered it to him, which surprised him. But as soon as his face flushed, I quickly took the food back and stuck it in my mouth. Then I bowed my head and ate the ramen I ordered.
BINABASA MO ANG
How Do You Say I Like You?
RomanceWhile deciding what to eat, Lhea Chavez was asked by a man to teach him Tagalog. Yamada Hiro aims to learn Tagalog in order to speak with a Filipino he likes. Although it seemed odd, she agreed. What would happen if she starts to develop feelings fo...