EPISODE ONE

1 1 0
                                    

Ep.01 엎피슫 완
 



nagising ako sa malakas na sermon ni mama mula sa labas ng kwarto ko na nakapag pabangon kaagad sa akin mula sa kinahihigaan.



"ano na mga tamad?? tanghali na mga nakahilata pa rin kayo? nakapag linis na ako ng buong bahay tulog pa rin kayo!" and the rap song goes on and on and on.



minsan pag hindi sermon ni mama, away naman sa kapitbahay ang nagiging alarm clock ko. Di ko na nga ata kailangan bumili ng alarm clock eh




"ano na nikkie nikko! kain tulog nalang ah" binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at nakita ko naman na nag tutupi sya ng mga damit sa sala habang nag rarap.





"aba'y nagising pa kayo ah?" nagkatinginan kami ni nikko na kakalabas lang rin ng kwarto nya.





"grabe si mama, wala pa ngang 7am oh!" turo ko sa wall clock.




"tanghali na yan, gayahin nyo ung ibang mga bata dyan ang aagap magising!"




sabado naman kasi at walang pasok tsaka ang agap pa for god's sake!!



"naku noong panahon namin alas kwatro palang ng madaling araw gising na kami, nasa bukid na kami para tumulong sa pagsasaka" wow ma ha! wow!




"ma, noong panahon nyo po yon, overtime people changed and environment also does" turan ko habang nag to-toothbrush





"tsaka nasa kalagitnaan tayo ng edsa, saan naman kami magsasaka dito ma?" singit naman ni nikko na kumakain sa lamesa.



"mga kabataan talaga ngayon, sumasagot na" nikko and i looked at each other and rolled our eyes. Si mama talaga kahit kailan. Sinong relate?



We did our morning routines bago ako nagpunta sa grocery store para mamili ng mga nakalistang grocery ni mama. While si nikko ay nasa practice ng varisty nila.



I parked my car before heading inside, we're not rich, not poor either, just had some nice things and enough things to survive.





mom worked as a hotel manager and dad is a pilot, but sadly he passed away two years ago dahil narin sa masamang panahon noong bumabyahe sila sa himpapawid.




nikko and i are both fourth year high school, we're both athletes too pero magkaiba ng sports. I took swimming and he took basketball.





I don't know why, pero pag nasa tubig ako pakiramdam ko ang gaan ng lahat, everything is so easy and flowy for me. I felt like i am born for waters.





Charot, ang weird diba



"nikkie!!" nagulat ako ng biglang sumalubong si carly sa gawi ko, may dala rin syang cart




"hi carly, mag go-grocery ka rin?"




"of course, ganyan talaga pag sabado pag hindi laba day, grocery day naman" she complained and I laughed





"oo nga pala, since andito ka na lang rin naman aabot ko na rin sayo 'to" may dinukot sya sa handbag nya, papel ito at mukhang invitation card





"para saan?"





"ano ka ba? limot mo na ba kung anong ganap bukas??"





sandali akong napaisip bago nagsalita






"bukas ba yung birthday mo??" gulat kong tanong.




"yup!"





"akala ko next week pa? hala wala akong naihandang regalo!"





"sus di ko need yon, mahalaga dumalo ang circle of friends ko okay na'ko dun, punta ka ah" binasa ko ang invitation at nabigla






"HIKING?!" pagtaas ko ng boses na dahilan para pag tinginan kami ng mga tao sa loob ng store





tumingin ako sa kanya at ngiting ngiti naman sya.





"ayoko ayoko, i changed my mind" pagbalik ko ng invitation, agad naman syang nalungkot




pero ano bang magagawa ko? i'm not into hiking, pakiramdam ko ang boring kapag puro kagubatan at kalupaan ang nakikita ko.





"why naman beshy.. birthday ko naman"




"hindi ba pwedeng dagat nalang? beach party nalang"




"please nikkie, dumalo ka na, ngayon lang naman eh.."




"i hate those kind of activities carly, at alam mo naman yon na hindi talaga ako mahilig sa ganyan"




" please? birthday ko naman pag bigyan mo na, dali na sumama ka naa!"




maarte na sa maarte pero hindi talaga ako nag eenjoy sa ganyan, tsaka ayokong nag aakyat ng mga bundok





"mas sasama pa ako kung anything na sa dagat yan eh, basta may tubig, pero pag ganyan ayoko talaga pag masyadong dry ang paligid para akong sinasakal"




"beshy naman, dali na para sakin, tsaka ba't ba attach na attach ka dyan sa anyong tubig, dati ka bang kanal?" turan nya





mukha ba'kong kanal? ha?




"basta sasama ka nikkie ah, walang atrasan!" isiningit muna nya ang invitation sa kamay ko bago tumawa at mabilis na umalis.






hayss, babaeng yon talaga!





i turned around para kumuha ng cereal sa katabi kong cabinet nang may mabangga akong lalaki dahilan para malaglag ang hawak kong cereal box





he's wearing vintage clothes na parang out of this world, di ko lang makita yung mukha nya kasi naka sombrero sya at halatang nag tatakip ng mukha.







"sorry..." gwapo ng boses shet kaso ang weird ng accent at language nya. Pinulot nya ang nalaglag kong box at doon ko napansin ang butterfly logo sa likod ng kanang kamay nya.





inabot nya sa akin ang box saka dali daling umalis. I stood there out of curiosity, sino kaya yon?




I decided to ignore that incident at dumeretso na sa ginagawa ko para na rin matapos na'ko dine, mamaya pag uwi ko baka sermon na naman ang tanghalian ko jusmeyo



















The Long Lost Princess of the Water GodWhere stories live. Discover now