EPISODE FOUR

0 0 0
                                    

Ep. 04 엪피슫 플



nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha,



"asan ako..?" mahinang turan ko sa sarili ko habang nililibot ang paningin sa paligid. Nasa isang kama ako sa loob ng di ko sure kung kwarto ba basta



"aray.." nakaramdam ako ng medyo napitik na sakit ng ulo kaya agad akong napahawak.




maya maya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto at isang babaeng kasing edad ko ang pumasok na may dalang mga pagkain. Sa tansiya ko ay magka edad kami dahil sa itsura nya





"hello, gising ka na pala, tamang tama may dala akong pagkain" paglapag nya ng dalang pagkain sa isang lamesa. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, hindi ko rin kasi alam kung anong itatanong ko medyo magulo ang isip ko





"ah siguro hindi mo maalala yung nangyari sayo" pag upo nya




"s-sino ka..? tsaka asan ako..?" tumawa sya kaya napakunot naman ang noo ko





"haha tama nga, limot mo nga"



"pwede ba pakisabi nalang kung asan ako?" medyo naiinis kong tanong



"sorry haha, nakita kita sa kakahuyan kagabi kaya inuwi kita dito kamusta pakiramdam mo?" agad akong napaisip




kakahuyan? kagabi? so anong oras na ngayon? ibig sabihin inumaga na ako sa gubat nung nalaglag ako??



"ano palang nangyari sayo ba't nandon ka sa kakahuyan?"



di ko rin alam ang isasagot ko, bakit nga ba?



ang alam ko lang ay nasa isang bangin ako at nalaglag sa ibaba, so asan ako ngayon? panaginip lang ba ang lahat?






"p-pero nahulog ako sa bangin..?" turan ko sa sarili na ikinatawa naman nya. Mukha ba'kong nagbibiro??





"anong bangin ang sinasabi mo? walang kahit anong bangin dito sa mundo ng monaco!" halos matumba sya sa kakatawa





"Monaco? anong monaco?" agad naman syang napatigil sa pagtawa at takhang tumingin sa akin




"hoy taga san ka ba ha? kung umasta ka naman para kang di taga rito ah" tumingin ako sa labas ng bintana at puro kakahuyan rin ang nasa paligid nito





"wala akong time makipag lokohan miss, pwede ba ituro mo nalang sa akin ang daan pauwi babalik ako sa bahay namin" pagtayo ko sa kama at lumabas ng kwarto na agad naman nyang sinundan




"eh kung ganun taga saan ka ba?"




hindi ko pinansin ang tanong nya, lumabas ako ng bahay at nag lakad sa kakahuyan na tila may hinahanap




"hoy ano bang hinahanap mo?" puro tanong sya sa likuran ko pero di ko sya pinapansin




"carly! hazen! sam! claire! guyss! si nikkie ito!" patuloy kong pag tawag pero walang sumasagot




"sino sila?" tanong ng babae sa likuran ko, di ako sumagot at paulit ulit lang na tumatawag pero walang kahit isang sumasagot. Nasa gitna ako ng isang kagubatan kasama ang babaeng kanina pa sunod ng sunod sa akin





"asan na ba kayo guys! nandito ako! si nikkie ito oh! sumagot naman kayo!" 




"wag kang sumigaw baka may makarinig s—"



"so kailangan bumulong ako ganun ba?!" i'm starting to lose my patience dagdag mo pa ang kasama ko na sobrang kulit! parang langaw na sunod ng sunod





"pero kasi baka may maka—" lalo kong nilaksan ang sigaw ko hanggang sa may biglang dumaan na bow ng arrow sa harapan ko na muntik na akong tamaan sa ulo. Tumama ito sa puno na nasa di kalayuan.




"shit, this is what i'm talking about! quick! hide behind me!" mabilis akong tinulak ng babae sa likuran nya, ilang segundo pa ay may lumabas na mga kung anong nilalang na nakatago sa puno. May dala silang mga pana, nakasuot ng kung anong kalasag at may takip sa mukha na mata lang ang kita.





para silang ninja, kelan pa nag ka ninja sa mundo?




"what do you want!" sigaw ng babaeng nasa harap ko. Walang nagsalita ni isa sa mga ninja, maya maya pa unti unti na silang sumusugod, napakabilis ng pangyayari. Basta nakita ko nalang nakahilata na ang mga ito at naiwang nakatayo sa gitna ang babaeng kasama ko.





what just happened??




napakabilis ng galaw nya na hindi ko man lang namalayan na natalo na pala ang mga kalaban.




agad kaming naalerto pagkatapos makarinig ng papalapit na yabag na tila isang hukbo ang paparating, habang ako'y mabilis na kinabahan. Lumapit agad ang babae sa akin saka ako hinawakan sa braso, pagkatapos nun naging parang puting usok ang paligid at halos wala na akong makita.




maya maya pa ay unti unti nang luminaw ang paligid at nasa loob na ulit kami ng isang kubo





"a-anong nangyari..?" tanong ko habang lumilinga linga sa paligid. Nag teleport ba kami?





inabutan nya ako ng isang basong tubig na agad ko namang ininom saka sya nagsimulang magkwento.






"taga saan ka ba talaga at anong ngalan mo?" turan nya habang nakaupo rin sa di kalayuan




"nikkie, nikkie ang pangalan ko at galing ako sa lugar na maraming gusali, mga tao na hindi nakasuot ng wierdong kalasag tulad kanina. Lugar na puro sasakyan at maingay, walang superpowers na eme eme tulad ng nangyari kanina, ano ba talagang nangyari? asan ba ako?"





"wt? so galing ka sa mundo ng mga tao??" bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha






"m-mundo ng mga tao? what do you mean?"






"eh paano ka nakapasok dito?"






"yun nga rin ang tanong ko tapos tatanong mo pa sa akin??" pag irap ko sa hangin. Natawa naman sya sa sinabi ko





"hiraya ang ngalan ko at ito ang mundo na kung tawagin ay Monaco, hinahati sa apat na dimensyon ang Adeliya, Amisiya, Kartiya at Palidiya" medyo natawa naman ako





"anong klaseng mga pangalan yan?!" paghagalpak ko ng tawa. Ilang segundo pa ay hindi na ako makahinga ng maayos habang nakangiti naman si hiraya.







The Long Lost Princess of the Water GodWhere stories live. Discover now