Ep.05 엪피슫 파입
"h-hiraya-i-i can't b-bre-athe!" i was thriving for air while hiraya is smirking back at me, hindi na ako makahinga at alam ko na may kinalaman sya
she sighed before snapping her fingers, maya maya pa unti unti nang lumuluwag ang paghinga ko. Agad kong binawi ang nawalang hangin sa katawan ko
"oh ngayon naniniwala ka na ba?" di ako nagsalita at nanatili pa rin na nag babawi ng hangin
"ano bang n-nangyari? a-anong ginawa mo sakin?"
"nagmula ako sa kaharian ng amisiya"
"amisiya? ano yon?"
"kaharian ng elemento ng hangin"
"hangin? katulad ba nung ginawa mo kanina? kaya mong kontrolin ang hangin?" sunod sunod rin ang pag tango nya sa mga tanong ko
"kaya kong pumatay gamit ang pagputol ng hangin na dumadaloy sa katawan ng isang kalaban"
"ah may ganun pala, eh ako ano bang powers ko?" nagtakha naman sya sa tanong ko
"diba't di hamak na normal na tao ka lamang?"
"s-sabi ko nga" sakit nun ha
"tumakbo ako mula sa amisiya at nagtago, nanatili akong nagtago dito sa loob ng kagubatan kung saan walang makakakilala sa akin"
"lumayas ka mula sa kaharian nyo? pero bakit?"
"nag kakagulo na sa apat na dimensyon pagkatapos mabalitaan ang utay utay na pagkasira ng adeliya"
"adeliya?"
"ang kaharian ng elemento ng tubig"
"kanina may amisiya tapos ngayon may adeliya, what's next? but by the way, bakit nasisira ang adeliya?"
"mula nang mamatay si King Adam ay ipinatapon ang anak nitong si Princess Lily sa mundong walang may alam, dahil sa pagkawala ng dalawang pinuno ay nawalan na rin ng sigla ang Adeliya at nag kakagulo gulo na rin ang tatlo pang dimensyon"
Princess Lily? King Adam? ba't parang familiar?
"k-kelan ba ito nangyari?" tanong ko at natahimik naman sya bago sumagot
"900 years ag—"
"900 YEARS AGO?! ARE YOU FREAKING KIDDING ME!" nagulat sya sa biglaang pagtaas ko ng boses. Sa mundo nga ng mga tao pahirapan pa makaabot ng 100 years old e
"ang panahon sa mundo ng monaco ay di hamak na mas mabilis ng sampung beses sa panahon ng mga tao, kaya hindi na nakakapag takha kung hanggang ngayon ay buhay at mahahanap pa si Princess Lily"
"so sinasabi mo na may possibility na nasa mundo ng mga tao si Lily?" tanong ko
"meron, posibleng nasa mundo sya ng mga tao, posible rin na wala"
"malay mo diba, mamaya pala nakakasalubong ko na yon sa araw araw pero wala akong kaalam alam" i laughed
"minsan na akong napunta sa mundo ng mga tao upang hanapin ang mahal na prinsesa pero ilang beses akong nabibigo at bumabalik na walang dalang kahit sino, kaya ngayon nagpasya naman si prince kiero na sya na ang gagalugad sa mundong iyon"
"prince kiero? sino naman yon?"
"ang prinsipe ng amisiya, ang nag iisang anak ng hari at reyna ng hangin"
"ahh, eh ikaw anong role mo?"
"isa sa mga mandirigma ng amisiya, araw araw akong binabagabag ni prinsipe kiero ukol sa paghahanap ko kay prinsesa lily kaya ako lumisan at nagtago"
"binabagabag?" lalim naman! grabe ba
"sya ang nag uudyok na magpunta ako sa mundo ng mga tao at suyurin ito upang mahanap si prinsesa lily"
"bakit ano bang meron sa kanila? lovers ba sila?"
"magkababata silang dalawa, labis ang pangungulila ni prinsipe kiero nang mabalitaan na biglang naglaho sa monaco si princess lily" may naramdaman akong parang biglang kumirot sa puso ko na para bang nasasaktan ako sa mga kinukwento nya
sus pake ko ba dun, malay mo natouch lang ako sa pagkakaibigan nung dalawa diba? ang wierd!
YOU ARE READING
The Long Lost Princess of the Water God
FantasyNikkie, an ordinary high school girl living in the modern human world found a mysterious flower beside the cliff. She tried to grab it but ended up falling in the dark and deep cliff that made her unconscious. Woke up and finds herself in a new dif...