Chapter 31: Emergency

129 4 1
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 31: Emergency

"OH God, Davina! Hindi mo pwedeng gawin iyang iniisip mo, mapapahamak ka kapag nagkamali ka lalo na nag-aapply ka palang para sa lisensya, ibig sabihin wala ka pang lisensya para magpaanak ng taong buntis." sabi ni Leigh na ikinailing ni Davina.

"Ate, emergency ito. Hindi ko pwedeng hayaan na lang ang babae, pareho silang mamatay mag-ina. At isa pa, kahit sino ay makakayahan o pwedeng magpaanak ng taong buntis kahit walang lisensya basta may alam kung paano magpaanak. Marunong akong magpaanak ng buntis dahil hindi ito ang unang beses na may pinaanak ako dahil may pinaanak na ako noong college pa lang ako at isa pa, kasama ito sa training namin as intern at naituro na sa amin sa medschool kung paano magpaanak kaya pwede ko na gamitin ang natutunan o pinag-aralan ko sa ilang taon ko sa medschool." paliwanag ni Davina bago napatingin sa buntis na babae ng mahigpit na humawak ito sa kanya habang namimilipit sa sakit dahil sa paghilab ng tiyan nito.

"Ahhh! M-Miss, huwag na kayo m-magtalo, g-gawin n'yo na kung ano ang d-apat n'yong gawin k-kahit na gusto kong m-manganak sa h-hospital o clinic ay h-hindi ko na tataasan ang pride ko, l-lumabas lang na b-buhay at ligtas ang anak ko." hinihingal na sa sabi ni Zara kay Davina habang mahigpit nakahawak siya rito dahil sobrang sakit ng tiyan niya sa paghihilab at naramdaman niya na rin ang pagbaba ng ulo ng sanggol sa pw*rta niya.

“Ohh! H-Hindi ko na talaga kaya. Pakiramdam ko, lalabas na, Miss. Oh god! Pakiramdam ko, lalabas na. Ahhhh!” sigaw ni Zara na ikinataranta ng mga tao sa loob ng naturang cafe na iyon.

"Chriz, buhatin mo siya at dalhin sa staff room, doon ko siya paanakin." sabi ni Davina sa nobyo na mabilis na sumunod sa kanya.

Binuhat ni Chriz ang babaeng buntis at agad na tumayo si Davina para sundan ang nobyo. Sinenyasan pa ni Davina ang mga katrabaho na linisin ang panubigang may dugo ng babae na nasa sahig.

"Ate, tawagan mo si Kuya Enver or Ate Kelly gamit mo itong cellphone ko at sabihin mong magpadala sila ng ambulansya rito habang pinapaanak ko ang babae para pagdating ng ambulansya rito ay madala na agad ang babae sa hospital." mabilis pero malinaw na sabi ni Davina kay Leigh na napatango bago niya binigay ang cellphone niya sa amo.

"April, kuhanan mo ako ng planggang may maligamgam na tubig na gagamitin ko sa paglinis ng sanggol at kuhanan mo rin ako ng malinis na mga tela gagamitin ko sa pagbalot sa sanggol para hindi ito lamigin." sabi ni Davina sa katrabahong si April na tumango at umalis para kunin ang pinapakuha niya.

Pagpasok nina Davina at Chriz na may buhat sa buntis na babae ay mabilis na kinuha ni Davina ang telang nakita niya sa isang sulok para ilatag sa sahig.

"Pahigain mo siya rito, Chriz." sabi ni Davina at tinuro ang sahig na nilagyan niya ng tela para roon pahigain ang babae dahil hindi nila pwedeng ilagay ang babae sa sofa dahil mahihirapan itong manganak doon.

Agad na sinunod ni Chriz ang sinabi ni Davina, pinahiga niya ang buhat na babae sa sahig. Samantalang kinuha ni Davina ang bag nito sa kinalalagyan na locker.

“Oh Sh*t! Lalabas na talaga siya! Ahh!” sigaw ni Zara nang tumindi ang contraction niya kaya mabilis na lumapit si Davina sa babae dala ang bag niya.

Mabilis na kinuha at sinuot ni Davina ang rubber gloves na nakalagay sa bag niya na palagi niyang dala kung saan may ilang gamit siya roon katulad ng rubber gloves, gunting, lampin at iba na pwede niyang magamit kapag may ganitong klase ng pangyayari kung saan kailangan na paanakin ang buntis na pasyente at hindi agad madadala sa hospital.

Mas lalong makaramdam ng pagkahilab ng tiyan si Zara dahilan para mas lalo itong mapasigaw.

"Relax... Kailangan kitang i-cervical dilation para malaman ko kung ilang cm ka na." sabi ni Davina sa babae at iniangat ang mga hita nito na ikinatango ni Zara habang naluluha ang mga mata at hindi maipinta ang mukha sa sakit na nararamdaman.

The Doctor's True Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon