Chapter 35: Rebelasyon

173 3 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 35: Rebelasyon

"ANG sabi ko, huwag mong hahayaan na saktan ka niya." seryosong sabi ni Tyler kay Davina habang naglalakad palapit kay Davina na lalong umiyak.

"Ano ba, Tyler!? Lalo mo lang pinapaiyak ang kaibigan namin. Umalis ka dito kung wala kang gagawing maganda. Nakunan si Davina, huwag mo ng palalain ang sakit na nararamdaman niya." inis na sabi ni Frida kay Tyler na napatayo at akmang susugurin ang lalaki nang hawakan ni Davina ang kamay ng kaibigan para pigilan.

Lumingon si Frida kay Davina, napakalma siya nang makita ang malungkot nitong mata at ang pag-iling nito kaya umatras siya pero masamang tinignan si Tyler. Napatingin si Davina kay Tyler bago pilit na ngumiti sa lalaki.

"Pwede mo ba akong yakapin para maibsan ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ng anak ko?" pilit ang ngiti at naluluhang sabi ni Davina kay Tyler na napatiim bagang ng makita ang lungkot sa mata ng babaeng mahal.

Mabilis na lumapit si Tyler kay Davina at umupo sa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga si Davina bago niyakap ang dalaga na mahigpit na yumakap sa kanya.

"I'm sorry. Sorry, Hon. Nagkamali ako. Sana noon pa lang tinanggap ko na at hindi pinagdudahan ang pagmamahal mo dahil ngayon ko lang napagtanto na iyon pala ang tunay na pagmamahal." umiiyak na sabi ni Davina kay Tyler na ikinayakap ng mahigpit ni Tyler sa babae ng marinig niyang inusal ni Davina ang tawagan nila.

"Shhh, tahan na. Don't cry. Never cry for that person who doesn't know the value of your tears." pagpapatahan ni Tyler kay Davina bago hinalikan ito sa tuktok ng ulo kasabay ng paghagod ng palad ni Tyler sa likod ni Davina.

"Wala na. Wala na ang baby ko, Hon. P*tay na siya." parang batang sabi ni Davina at lalong ikinabuhos ng mga luha nito.

"Hon, tama na. Hindi nawala ang baby mo. Angel na siya. Angel mo na siya. Nasa tabi mo lang siya at palagi kang babantayan." napalunok na sabi ni Tyler kasabay ng pagtulo ng mga luha niya na agad niyang pinunasan dahil hindi niya matanggap na magkakaanak ang babaeng mahal niya sa iba na ngayon ay p*tay na.

Ilang minutong nagyakapan sina Davina at Tyler hanggang sa kumalma si Davina. Nang maramdaman ni Tyler na kumalma na si Davina ay unti-unti niya itong inilayo sa kanya at tinignan ang mukha ng dalaga. Pinunasan ni Tyler ang mukha ni Davina habang nakatingin ito sa kanya.

"Uwi na tayo. Sunduin natin si Draven sa coffee shop ni Ate Leigh tapos uwi na tayo." napahikbi pang sabi ni Davina kay Tyler na ikinatingin ng lalaki kay Davina na halata ang pamumutla sa mukha dala ng maraming dugo ang nawala dito dahil sa nakunan ito kahit na namumula ang mata at ilong nito sa pag-iyak.

"Pero kailangan mong magpahinga dahil baka mapaano ka. Namumutla ka, oh." nag-aalalang sabi ni Tyler na napahaplos ng marahan sa namumutlang makinis na mukha ni Davina na ikinailing ng dalaga.

"Uwi na tayo. Sa mansion ako magpapahinga dahil kapag nandito ako, pakiramdam ko ay mas lalo akong nanghihina." pamimilit ni Davina kay Tyler.

"Kaira, huwag ka munang matigas ang ulo. Kailangan mo munang magpahinga dito kahit isang gabi lang." sabi ni Tyler na ikinailing ni Davina bago hinawakan ang kamay ng lalaki.

"Please, Hon, uwi na tayo. Ayoko dito. At least kapag nasa mansion ako, napapaligiran ako ng mga taong nagmamahal sa akin na tutulong sa akin para makapag-move on sa pagkawala ng baby ko. Miss ko na rin si Bree." pamimilit ni Davina kay Tyler na napabuntong-hininga nang maalala ang dalagitang tinutukoy ni Davina.

"Okay, kakausapin ko si Kelly kung pwede ka ng i-discharge." napabuntong-hiningang sabi ni Tyler na ikinangiti ni Davina.

"Wait lang, ha. Kayong dalawa, anong meron sa inyo? At kanina pa ako nagtataka kung bakit Kaira ang tawag mo kay Davina, Tyler? At anong uuwi sa mansion?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ni Frida.

The Doctor's True Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon