Chapter 52: The Mother's Love

87 1 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 52: The Mother's Love

"KAIRA, nasabi mo na ba kanila Tito Azarious, Tita Maeve at sa mga kapatid mo ang tungkol sa kasal n'yo ni Tyler that will be held in two weeks?" tanong ni Enver kay Kaira na napatigil sa akmang pagsubo ng gulay na nakatusok sa tinidor nito.

"Not yet, but I already contacted one of the fashion designers of AEEFI to come here tomorrow para masukatan sila ng damit na susuotin nila sa kasal." sabi ni Kaira bago isinubo ang gulay na nasa tinidor niya.

"How about you...your wedding gown? Bakit hindi kita nakikitang nag-aasikaso ng gown mo?" nakakunot ang noong tanong ni Enver kay Kaira.

"You know how much I love your best friend, Kuya. Hindi pa iyan nagpro-propose sa akin, may wedding gown na ako. And that wedding gown has a sentimental value to me dahil binili ko iyon noon kasama si Ate Kirsi at siya ang pumili ng gown na babagay sa akin kaya pina-remake ko sa fashion designer ng AEEFI to make it more elegant." nakangiting sabi ni Kaira na ikinangisi ni Enver nang makita ang palihim na pagngiti ng matalik na kaibigan na si Tyler kahit malayo siya rito.

"What are your plans, Kaira and Tyler, after the wedding?" tanong ni August kay Kaira.

"Before, I plan na sumama kay Tyler sa Spain para roon tumira pagkatapos ng kasal namin pero dahil gusto kong makasama sina Papa ay rito na muna kami sa bansa hanggang sa matapos ang residency ko dahil dito ko talaga sa bansa gustong mag-residency...sa Agravante Medical Hospital." sabi ni Kaira na ikinatango ni August.

"So, sina Tito Azarious at Tita Maeve na ang maghahatid sa'yo sa altar, Ate?" tanong ni Trixie na ikinatigil ni Kaira sa pagnguya ng pagkain na nasa kanyang bibig bago napatingin sa kinikilalang magulang na sina August at Elvira na napangiti sa kanya.

"Anak, okay lang kung ang Papa at Tita Maeve mo ang maghahatid sa'yo sa altar sa araw ng kasal mo, maiintindihan namin ng Dad mo." napangiting sabi ni Elvira na ikinatango ni August bilang pagsang-ayon sa asawa na ikinabuntong-hininga ni Kaira.

"Yes, si Papa ang gusto ko maghatid sa akin sa lalaking mahal ko na nag-aabang sa akin sa kabilang dulo ng aisle. Gusto ko rin sana na ihatid ako ni Mama kaso wala na siya pero ang swerte ko kasi kahit wala na ang tunay na ina ko, binigyan naman ako ng dalawang ina na pupunan sa nawala sa akin." nakangiting sabi ni Kaira bago napatingin kay Maeve.

"Tita Maeve, can I call you Tita Mom? Bawal kita tawagin na Mama kasi magseselos ang tunay na mama ko baka pagalitan niya ako sa panaginip ko. Bawal din ang Mom kasi reserved na iyon kay Elvira Agravante." sabi ni Kaira na ikinangiti ni Elvira sa sinabi ng kinikilalang anak.

"Oo naman, you can call me anything you want, Kaira. And don't worry, mamahalin din kita na para kong tunay na anak." nakangiting sabi ni Maeve na ikinangiti ni Kaira.

"Hindi ba magseselos sina Aryanna kapag minahal mo ako? Okay lang din ba sa'yo at kay Aryanna na ihatid mo ako sa altar...sa lalaking mahal ko?" tanong ni Kaira na napatingin  kay Aryanna na napangiti sa kanya.

"Okay lang, Ate, hindi ka na iba sa amin nina Favian at Maisie dahil anak ka ni Dad. Kapatid ka namin. Okay lang hatian mo kami sa pagmamahal nina Mom at Dad basta huwag ka lang namin makitang malungkot at para na rin hindi ka makaramdam ng pagkukulang. Tignan mo ang mga anak mo, oh...inagawan na tayo ng magulang. Tahimik, eh." sabi ni Aryanna bago pinanggigigilang hinawakan ang maliit na kamay ni Chase na nakaupo sa kandungan ng ina niyang si Maeve na ikinangiti ni Kaira.

"Thank you, Aryanna. May tinatago  ka rin palang kabaitan." napangising sabi ni Kaira sa huling sinabi niya.

"Grabe siya! Mabait ako. Nagiging war freak lang minsan." napangusong sabi ni Aryanna na ikinangisi ni Kaira at ikinatawa ng iba sa lamessang iyon.

The Doctor's True Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon