Chapter 60: Ang Tunay na Pagmamahal

115 3 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 60: Ang Tunay na Pagmamahal

"KAIRA, Hon." sabi ng tinig na ikinalingon ng lahat at ikinawala ng ngiti ni Kaira nang marinig ang boses ng asawang si Tyler.

Naluluhang lumingon si Kaira sa asawa na tumawag sa kanya at nakita niya itong nakangiti sa kanya na mas lalong ikinaluha niya nang makita ang maputla nitong mukha. At higit na nagpatulo ng luha niya ang hawak nitong cake na sigurado siya na ito ang may gawa dahil kahit may sakit ito, hindi pwedeng hindi siya nito gawan ng cake sa araw ng kaarawan niya at iba pang okasyon.

"Happy birthday, Hon." nakangiting sabi muli ni Tyler sa asawa na naluluhang nakatingin sa kanya.

Ito ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi kay Kaira ang tungkol sa sakit niya, malulungkot ito tuwing makikita siya tulad ngayon, umiiyak ito habang nakatingin sa cake na gawa niya para sa kaarawan nito ngayon.

"Hon, naman. Bakit nag-bake ka pa? Nakakainis!" naluluha at naiinis na sabi ni Kaira sa asawang si Tyler bago siya tumayo at lumapit dito.

"Kaya ko pang mag-bake ng cake para sa kaarawan ng pinakamamahal kong asawa. At isa pa, baka ito na ang huling cake na maibi-bake ko." nakangiting sabi ni Tyler kay Kaira na ikinabagsak ng mga luha ng asawa niya. Kinuha ni Kaira ang cake na hawak ni Tyler at nilapag iyon sa lamesa bago napapadyak na yumakap sa asawa bago umiyak sa malapad na dibdib nito.

Naluluhang napayakap ng mahigpit si Tyler sa asawa nang umiiyak ito sa dibdib niya at sa loob ng mga bisig niya. Gustuhin man niyang huwag iwan ito at makasama habang-buhay pero hindi na pwede dahil tuluyan ng kumalat sa katawan niya ang cancer niya at ilang buwan na lang taning na binigay ng doctor niya sa kanya.

"Sorry, Hon. Gusto ko mang huwag kang iwan pero hindi ko magawa dahil sa sakit ko, hindi na kaya ng katawan ko. I'm sorry." naluluhang mahinang sabi ni Tyler sa asawa habang mahigpit niyang yakap si Kaira na mahinang umiiyak at humihikbi sa dibdib niya.

Humiwalay si Kaira sa pagkakayakap nila ng asawa at pinahid ang mga luha niya. Pilit ang ngiting tumingin siya kay Tyler na nakatingin sa kanya.

"No, huwag kang magsalita ng ganyan. Gagaling ka pa. Magsasama pa tayo habang-buhay kasama ang mga anak natin. At itutuloy natin ang plano natin...susulitin natin ang bawat oras na magkasama tayo. Gagawa tayo ng magagandang memories kasama ang mga anak natin." umiiyak na sabi ni Kaira habang nakatingin sa asawa. Hinawakan niya ang gwapong mukha ng asawa na kahit mamumutla iyon dahil sa sakit nito ay gwapo pa rin ito. Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa pisngi ng asawa gamit ang hinlalaki niya.

"Mahal kita. Mahal na mahal." napahikbing sabi ni Tyler kay Kaira na ikinahawak nito sa magkabilang pisngi niya at ramdam niya ang paghaplos ng mga hinlalaki ng asawa sa pisngi niya na masarap sa pakiramdam ang mga haplos nito.

"Mahal na mahal kita, Tyler. Mahal na mahal na mahal kita." umiiyak na sabi ni Kaira habang hawak ang mukha ng asawa na naluluhang nakatingin sa kanya.

"Nagpapasalamat ako dahil ikaw ang first love ko kasi pinaramdam mo sa akin kung paano mahalin ng tamang tao. Paulit-ulit mo akong tinanggap sa dami nang pagkakamali o kasalanan ko sa'yo na kahit na masasaktan ka na, tinanggap at patuloy mo pa rin akong minamahal. Kahit ang mga anak ko sa iba ay inako mo at itinuring mo silang parang tunay mong mga anak. Binigay mo sa kanila ang lahat ng pagmamahal mo bilang isang ama kahit hindi mo sila tunay na mga anak." umiiyak na nakangiting sabi ni Kaira pero ang huling dalawang pangungusap na sinabi niya sa mahinang tono na tanging sila lang ni Tyler ang makakarinig.

"Mahal kita kaya paulit-ulit kitang tinatanggap at pinapatawad sa mga kasalanan mo. Lahat kaya kong isakripisyo dahil mahal kita at kahit na nasasaktan ako basta nasa tabi lang kita. Ayokong mawala ka dahil mahal na mahal kita." nakangiting sabi ni Tyler sa asawa kahit na may luhang namumuo sa mga mata niya.

The Doctor's True Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon