Epilogue: Letting Go

316 4 2
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Epilogue: Letting Go

HOURS LATER...

KAIRA'S MANSION

"ANAK, ang mahalaga sa kaunting panahon nakasama mo siya at may iniwan siya sa'yo... ang mga anak ninyo." sabi ni Azarious sa anak na si Kaira na umiiyak sa kwarto nito nang puntahan nila ng asawa niyang si Maeve.

Ilang oras ang nakalipas matapos ng bumalik ang malay ni Kaira matapos nitong mahimatay habang nakayakap sa kamamatay lang nitong asawa na si Tyler dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman nito.

"Iwan niyo muna ako." malungkot na sabi ni Kaira na ikinatingin ng mag-asawa dito.

"Anak, hindi puwede. Aalis na tayo pupunta tayo sa..." udlot na sabi ni Azarious nang putulin ni Kaira ang sinasabi niya.

Nasa memorial home na ang katawan ni Tyler dahil agad na inasikaso ng panganay na anak nito na si Bree at ina ni Tyler na si Teresa ang burol nito dahil alam nilang hindi maasikaso ni Kaira ang burol ng asawa dahil sa nangyari pagkahimatay nito at alam nilang hindi pa nito matanggap ang pagkawala ni Tyler.

"Ayoko pa, hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang makita siyang nakahiga roon. Gusto ko muna mapag-isa ngayon, Papa." lumuluhang sabi ni Kaira saka ito yumuko habang yakap ang polo ng asawa nitong kamam*tay lang at humagolhol ng malakas.

"Anak." malungkot na tawag ni Azarious.

"Iwan muna natin siya." sabi ni Maeve kay Azarious saka nito iginiya palabas ang asawa.

*****

MINUTES LATER...

"MAMA!" tawag ng tinig matapos kumatok ng tatlong beses at buksan ang pinto ng kwarto ng ina bago pumasok.

Bumungad sa binatilyo ang madilim at tahimik na kwarto ng ina at nakita niya itong nakaupo sa kama. Nakatulala itong nakatingin sa isang direksyon habang lumuluha ang mga mata at nakayakap ang mga kamay nito sa mga tuhod.

"Mama!" tawag ng binatilyo sa ina nang makalapit siya rito at umupo sa kama kaharap nito.

Mabilis na pinunasan ni Kaira ang mga luha niya bago napatingin sa taong nasa harapan niya...walang iba kundi ang panganay na anak niyang lalaki na si Draven kaya pilit siyang ngumiti.

"I know you're not okay, Mama, please stop pretending because I know you... I know how hurting you are because of what happened to Dad. Ngayon, ilabas mo po lahat ng bigat na nararamdaman mo hanggang sa mapagod ka at gumaan ang pakiramdam mo. I'm always here for you, Mama, always remember that." sabi ni Draven na ikinatitig ni Kaira sa anak habang naluluha ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.

"What are you doing here, Anak?" napapiyok na sabi ni Kaira kay Draven.

"Nag-aalala po ako para sa'yo, Mama. Nabalitaan ko kay Lolo ang nangyari kay Dad. And I'm here to comfort you because I know you need someone who comforts you." sabi ni Draven sa ina habang nakatingin sa malungkot na mukha nito at ang magagandang abong mga mata ng inaa ay puno ng luha.

"I'm sorry, kung nakikita mo akong mahina ngayon, malayo sa mama mong matapang at palaban. Hindi ko na kasi kayang ipakita na malakas ako kasi ang Daddy niyo ang lakas ko kaya ngayon na wala na siya, pakiramdam ko ang hina-hina ko." umiiyak na sabi ni Kaira na ikinailing ni Draven bago pinunasan ang mga luha ng ina.

"Hindi, Mama. Hindi ka mahina dahil ikaw ang pinakamatapang at malakas na taong kilala ko. Hindi ibig sabihin na kapag umiiyak ka ay mahina ka na dahil ang tunay na taong matapang at malakas ay umiiyak." sabi ni Draven bago ngumiti habang nakatingin sa kanya ang inang si Kaira.

The Doctor's True Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon