Chapter 46

615 10 0
                                    

Kira's pov

Tulad ng sinabi ni Sean kagabi ay nag date nga kami, kakatapos lang ng office work naming dalawa kaya eto kami ngayon nag de-date.

Yong kotse nya ay pinakuha nya sa driver nya dahil gusto nya daw mag lakad-lakad.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong nito sa akin. Biglang kumalam ang sikmura ko kaya natawa sya ng mahina.

"Gusto ko sa fast food kumain, okay lang ba?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Hinawakan nito ang kamay ko at ngumiti sa akin.

"Oo naman, may alam akong lugar na pwede nating pagkainan ngayon. Gusto mo talaga ng simpleng date lang ah" tumango ako sa kanya. Di ko naman kasi kailangan ng magarbo, ang akin lang ay yong makasama sya ngayong araw ay masaya na ako.

H-hala ano ba yan!!!

Napakagat ako ng labi na'ng palihim. May gusto na ba talaga ako sa kanya? Kakaiba talaga ang pintig ng puso ko.

Kung dati ay kinaiinisan ko sya pero ngayon.... Pero ngayon, hahhhh di ko alam!!!

Nakakabaliw para akong masisiraan ng bait. Pero napaisip ako. M-may gusto rin kaya sya sa akin? Mahirap kasing umamin kung ang lalaking gusto mo ay may mahal pa rin palang iba.

Bigla ko naalala ang sinabi ni Devion, si Jonna ang naging first girlfriend nya. Mahal nya pa rn ba iyon?

Bakit ako nakakaramdam ng sakit? Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.

"Kira" nabalik ako sa pag iisip ng bigla nalang hawakan ni Sean ang pisngi ko. "Why you cyring?" Nagulat ako sa sinabi nya kaya nahawakan ko rin ang pisngi ko.

Di ko namalayan na lumuha ako, napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"S-sorry haha di ko alam na u-umiiyak ako" mahinang pagkakasabi ko. "Bakit ka ba umiiyak? Tell me wife do you have a problem?" Nag aakalang tanong nya sa akin. Napakagat na naman ako ng labi, di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

"W-wala ito, g-gutom lang siguro" yon nalang ang dinahilan ko para di na humaba ang usapan. Napapansin ko na parang di sya kumbinsido kaya nginitian ko nalang ito.

Wala na itong nagawa pa kaya ngumiti na lang din sya, halatang pilit lang iyon. Ramdam ko ang higpit nya sa kamay ko na ikinataka ko.

"Halika na" tumango na ako sa kanya bago muli nya akong hinila.

Mga ilang minuto pa ang paglalakad namin ng may hinintuan kami. Tiningala ko ito at nabasa ko kung ano ang nasa taas.

Isa itong gotohan, tapos may barbecue pa sya, may lutong ulam pa silang binebenta at hisaw. Di rin mawawala ang ice cream nila dito. Tinignan ko si Sean pero ngayon ay nakangiti ito bago ako nilingon.

"Tara" hinila nya muli ako, lahat ng mga tao dito ay napapatingin sa amin kaya napapayuko ako dahil parang mahihiya ako.

"Jimbo" tawag nya sa isang binatilyo na nagpupunas ng lamesa. Lumingon naman ito at halata mong nagulat ito bago ngumiti.

"Kuya Sean namiss kita!!!" Napabitaw ito ng yumakap sa kanya ang bata. Kita mo ang saya sa mga mata nila, mukhang matagal na silang magkakilala.

"Kuya bakit ngayon ka lang ulit napadalaw dito? Ay teka po sino kasama nyo? Ang ganda naman ni ate" nahiya ako sa sinabi nya kaya nginitian ko naman ito.

"Sorry Jimbo, naging busy lang ako sa work ko. At nga pala ito si ate Kira mo ang asawa ko" pakilala nya sa akin. Parang kinilig ako sa sinabi nya.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon