Chapter 52

599 10 2
                                    

Damon's pov (Sean)

Kanina ko pa napapansin na tahimik itong si Akira. Iniisip nya ba kaibigan nya o kuya nya?

Kahapon kasi pag tapos na kausapin nito mga kaibigan nya ay bigla nalang natulala kaya ngayon di ko sya makausap ng maayos.

At dahil di ako sanay ay hinawakan ko ang kamay nito na ikinalingon naman nya.

"Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo, may nangyari ba? Tell me wife, hwag mong solohin ang problema mo Kira" tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga ito bago mag salita na ikinalaglag ng panga ko.

"Nakabuntis si kuya at ang mas malala ay kaibigan ko pa talaga nabuntis nya" hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Seryoso? Pero alam kong walang gusto si Kito kay Shaila dahil noon kapag hinahabol o hinihintay sya ni Shaila naiirita sya.

Bakit parang ngayon humihip na ata ang hangin sa lalaking yon?

"Kakausapin mo ba kuya mo?" Tanong ko sa kanya. "Oo kakausapin ko sya at para masapak na rin" napangiwi naman ako sa sinagot nya.

Kaya nya pala manapak? Di halata sa kanya.

Pag punta namin sa condominium ni Dennise ay agad na'ng binuksan ng kapatid ko ang pinto.

"Kuya nandito na pala kayo? Twins nandito na parent nyo!!" Tawag ni Dennise kila Drake at Sofia na kaagad naman tumakbo papalapit sa amin.

Kaagad kong hinagkan ang dalawang bulinggit kong anak at hinalikan sa noo. Si Kira naman ay hinalikan sa pisngi ang kambal bago binuhat si Sofia at ako naman ay kay Drake.

Pinapasok kami ni Dennise sa loob at ganon nalang ang panliliit ng mata ko ng makita ko ang kaaway ko.

Not totally enemy, mag kaaway at mag kakompetensya lang talaga kami noon. Pero wala naman nagaganap na sapakan.

"Hey, long time no see king. Ang hari ng campus natin noon ay nandito kasama ang ginawang alipin at laruan nya noon" pang aaral ni Jerick sa akin. Ngumisi naman ako sa kanya.

"Di ko na sya alipin ngayon, kasi asawa ko na sya. May anak na nga kaming dalawa e, at kambal pa" taas noo na sagot ko sa kanya na ikinairap nya. Mahina naman akong natawa sa inasal nya.

Pero agad din akong naputla ng nandito rin pala si Mercy. Ang babaeng dakilang basagulera sa school namin at ang kinakatakutan ko rin na kaaway.

May pagka boyish si Mercy pero babae pa rin naman ang kilos, masyado lang syang siga.

"Bakit ka namumutla? Natatakot ka sa akin? Nasaan na ang matapang na handang pumatay na tao ang aura mo?" Panunuya nito na ikina ningkit ng mata ko. Tumawa ito sa inasal ko bago tinapik ang balikat ko.

"I'm joking Damon. Chill lang, baka mamaya masapak mo ako" napailing nalang ako bago tinabig ang kamay nya. Si. Margarette naman ay nakasimangot at parang naiirita sa ate Mercy nya.

Ay teka, ate at kuya nya ito??? Bakit di nya sinabi sa akin???

"Sorry na bossing, di ko snabi sayo na kapatid ko sila. Actually kami rin ang tumulong noon kay Dennise, mabuti kamo may pulso pa sya ng makita namin sya na nag aagaw buhay" napabuntong hininga ako. Kapag naaalala ko yon para pa rin akong pinaparusahan.

"At dahil sa kabayaran at nais rin ni Dennise na tulungan ka. Sinunod ko nais nya, akalain mo yon? May kuya sya na napakayaman at may kakambal ka pa?" Mababakas ang tuwa sa muhka nya. Napangiti ako ng tipid sa kanya.

"Kanina pala, nandito si kuya Devion kasama sila kuya Ace at ate Daniella. Totoo bang nawawala si Shaila?" Tanong nito sa akin. Napatingin ako sa kambal na malungkot ngayon.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon