Chapter 57

378 13 3
                                    

Damon's pov (Sean)

Bumaba muna ako para tignan ang kambal namin na nasa salas kasama sila Devion. Nakita ko silang nag lalaro at kinukulit ang mga tito nila.

Iniwan ko muna saglit si Akira sa may kwarto namin kung nasaan nasa cr sya para makaligo.

"Bakit basa ka?" Kunot noo na tanong ni Ace sa akin. Nag timpla muna ako ng kape ko bago sya binalingan.

"Hinanda ko lang ang bathtub ni Akira sa kwarto namin" sagot ko sa kanya bago humigop sa kape ko. "Nako Damon sobra na ata ang pagka sweet mo yan sa asawa mo, baka langgamin kami yan" ngising biro ni Neil.

"Alam nyong di ko nakitang lumaki ang tyan ni Akira habang pinag bubuntis ang kambal. Gusto kong bumawi, gusto kong gawin ang mga dapat ginawa ko noon palang" seryosong aniya ko sa kanya na ikinatahimik naman nila.

"Sabagay, pero...." Tinapik ni Ace sa balikat ko at ngumiti sa akin. "Hwag mo pa rin kalimutan ang responsibilidad mo ngayon, bilang mafia na boss namin" dagdag nito.

"Ayaw lang namin na maging kahinaan mo sila Akira, alam mo naman na yan ang target ng mga kalaban natin diba? Kaya sana ingatan mo ang disisyon mo sa buhay" sulpot ni Wade kasama sila Warren.

Nandito na pala silang lahat. At malamang mga babae ang naiwan sa salas kasama ang kambal.

"Sige na, pupunta na ako sa kwarto. Baka kasi tapos na si Akira maligo" tinanguan nalang ako ng mga kaibigan ko bago ko sila lagpasan, pero bago yon ay humarang sa dinaraanan ko si Sofia na ikinataka ko.

"Di po ba lalabas si mama, daddy?" Tanong nito sa akin. Umupo naman ako para magkapantay kami bago tinap ang ulo nya at nginitian.

"Mag papahinga na si mama, anak. Bawal sa buntis ang magpuyat kasi baka makasama sa baby yan. Gusto mo ba mabinat si mama?" Umiling ito sa akin kaya hinalikan ko ito sa may noo nya.

"Matulog na rin kayo, babantayan ko muna ang mama nyo. Pasensya na anak di ko muna kayo masasamahan ngayon" muli syang umiling bago sya umiling sa akin. "Okay lang po daddy, mas need ka po ni mama sa tabi nya" pag iintindi nyang sabi.

Maswerte ako sa mga anak ko kasi nakakaintindi na sila, lalo na si Drake parang isip matanda na sya.

Pero para sa akin mga bata pa rin sila, walang alam sa mga bagay-bagay na meron ako maliban sa tito nila.

"Sige na anak, puntahan ko na muna si mama" humalik ito sa pisngi ko kaya tumayo na ako bago umakyat pero bago yon ay napatingin muna ako kay Drake na malalim ang iniisip.

Bakit kaya?

Pag pasok ko ay nakita ko na'ng nakahiga si Akira. Napangiti ako habang pinag mamasdan ang himbing ng tulog nya.

Suot nya ang damit ko na pinagamit ko talaga sa kanya, lumalabas ang makinis nyang kutis sa katawan. Napakaputi nya at napakaganda, di lang yon dahil napaka bait nya pang tao.

Umupo ako sa kama nasa tabi nya at dahan-dahang binaba ang ulo ko para halikan ang noo nya.

"Sleep well my queen" bulong ko dito. Tumayo na ako para ako naman ang maligo pero bago yon ay inayos ko muna ang pinag liguan nya bago ako tuluyan maligo.

Lumabas ako ng banyo at nag taka ng makita si Drake sa tabi ng mama nya na pinag mamasdan ito.

"Drake, son. What are you doing here?" Takang tanong ko sa kanya. "Dad can I talk to you for a minute?" Kumunot lalo ang noo ko sa tanong nya.

Pumunta kami sa balcony ng kwarto namin ng mama nya.

"Ano ba ang gusto mong sanihin?" Takang tanong ko dito. May inilabas itong papel na kaagad ko naman kinuha.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon