Chapter 50

738 21 2
                                    

Third person's pov

Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin sila Sean ng mga taong gusto silang patayin. Napapamura na ng malala si Sean dahil sa pag aalala sa kanyang asawa na ngayon ay mababakas ang takot sa muhka nya.

"Nasaan na ba sila!!! T*ng*na naman!!!" Galit na sabi nito.

Palitan ng putukan ng baril ang nagaganap sa kanila dhil walang habas na pinapaputukan sila ng baril na'ng mga taong humahabol sa kanila..

"D*mn you bastards!!!! Nasaan na kayo?!!! Kapag may nangyari sa asawa ko mapapatay ko kayo!!!" Galit na galit na sagot nito sa tawag ni Warren.

"Malapit na kayo sa kinaroroonan namin, ang ibang mga kasama namin ay naka bantay na kaya bilisan mo nalang. Pag nakarating na kayo dito, kami na ang bahala" sagot ni Warren. Napairap sa inis si Sean sa sinabi ng kaibigan.

Mas tinulinan na nitong patakbuhin ang kotse hanggang sa kumaliwa na ito. At habang papalapit sila ay nakikita na nito ang mga kasama nya na kumakaway at nag na handang sumalubong sa kanila.

Pagkarating nya ay huminto na agad sila. Bumaba si Sean at nilingon ang likod nya at nakitang huminto sa di kalayuan ang mga taong gusto silang patayin.

"Pumunta na kayo sa van, nandoon si Neilson at dadalhin nya kayo sa private resort mo para doon muna namalagi" lapit agad ni Ace sa kanya. Tumingin naman sya kila Mark at Felix na ngayon ay tumango rin sa kanila.

"Don't worry maayos ang kambal, sa ngayon na kay Dennise ito at doon muna sila sa bahay nila Margarette" dagdag nito. Nakahinga naman sya ng maluwag.

Lumapit ito sa kinaroroonan ni Kira at agad nitong nilabas ang dalaga na ngayon ay nanginginig na sa takot.

"Maraming bantay sa resort mo, kaya kahit papano ligtas kayo. Sinabihan na rin namin si Devion na sya na ang bahala sa kompanya mo. Tutulungan namin sya" salubong ni Neilson sa kanila.

Pumasok na agad si Devion sa van habang ang mga kaibigan nya ay nag handa na rin.

Pagkaalis na pagkaalis nito ay agad na rin lumabas ang nga tauhan nya at pinaputukan ang mga taong humabol sa kanila.

Nag aalala sya sa mga kaibigan nya dahil baka napano ito pero naalala nya rin pala na masamang damo rin ang mga ito.

Habang nasa biyahe ay tinawagan nya agad si Devion na kaagad naman sinagot ni Devion.

"Kamalas talaga!!! Kung kailan malapit na naman ang transaction ay nangyari pa ito!!! Nga pala kuya si Kito hinahanap ka, muntik pa ako mabugbog dahil sa galit nya" mahinang natawa si Sean sa sinabi ng kakambal nya. "Sorry Devion ikaw pa tuloy nakasalo sa problema ko" nag humurintado naman ang kapatid nya.

"Aba hwag ka na bumalik dito baka tuluyan mawala sayo asawa mo" pananakot nito. Tinignan nya si Kira na tulog na dahil sa pagod at takot nito.

"Di ko na hahayaan mawala pa si Kira, alam mo naman na mahal ko ang kapatid nya. Mababaliw ako kapag nawala sya sa akin" narinig nya ang bulong na parang inaasar pa ito.

"Hoy tigilan mo yan ah. Di muna kami makakauwi, ikaw muna ang bahala sa kompanya. Nakaalalay naman sila Ace sayo kaya kahit paano di ka mahihirapan" bilin nito sa kapatid na sinang ayunan naman nito.

Mga ilang minuto rin ang pag uusap nila bago binaba ang tawag.

Habang sa kabilang banda naman ay wala na rin natira sa mga taong gustong pumatay sa kanila.

"Iiwanan nalang ba natin sila dito?" Tanong ni Mark sa kanila. "Baka may buhay pa, hwag nyong hahayaan na may mabuhay pa" walang ganang sagot ni Wade.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon