Chapter 61

452 10 2
                                    

Neilson's pov

Eyy girls!!! Hahahaha btw I'm Neilson De Jose, gandang apilyedo diba? Hahahaha astig!!!!

Pero balik tayo sa reality.

Nandito kami sa may office ni Damon, lahat kami bagsak na akala mo nag karoon ng World War 3 sa mundong to.

"Damon nakakaya mo pa ba pag papahirap sayo ng asawa mo?" Nakangiwing tanong ni Warren. "May magagawa ba ako? Hintayin nalang natin na manganak si Akira, tapos na rin pag durusa natin" sagot ni Damon.

"G*go dapat ikaw lang eh!!!" Singhal ni Devion na ikinasama ng tingin ni Damon. "Ganyan ba yan noon, Kito?" Tanong ni Warren sa kapatid nya.

"Normal lang naman ang paglilihi nya noon sa kambal. Pero ngayon? Abnormal na ang pag lilihi nya" sagot nya na ikinatawa namin.

"7 months na ang tyan nya pero parang 9 month na ang nakakalipas sa sobrang laki ng tyan nya" napapailing na sabi ko.

"Isang sagad, dalawa agad. Paano pa kaya ngayon? Baka tatlo na" natatawang gatong ni Warren.

"Guys!!!" Napatingin kami kay Eron na kakapasok lang na hinihingal. "Oh bakit? Para kang hinabol ng kapwa mo bakla sa itsura mo" nakangising sambit ko na ikinatalim naman ng tingin nya.

"S-si Shaila kasi, n-nasa hospital ngayon dahil bigla nalang daw sila ni Abigail tinambangan papauwi ng tagaytay" nagulat kami sa sinabi nya. Napatayo ng wala sa oras si Kito at bakas na ang takot sa muhka nya.

"Nasaan sila!!" Galit na tanong nito. Kaagad naman sinabi ni Eron kaya agad na rin kaming nag madali.

Tinawagan na rin ni Damon ang ibang tauhan namin na sila rin ang mag babantay sa hospital na tinutuluyan nila Abigail ngayon.

Pag karating namin sa hospital ay nandoon na si Akira at umiiyak kaya kaagad na'ng nilapitan sya ni Damon para alalayan.

"Ang b-bestfriend ko kuya" hagulgol nito. Nilapitan naman sya ni Akito at niyakap ng mahigpit.

"Shh okay lang sya. Magiging okay din sya" pag papatahan ni Akito. Kita ko ang galit sa mga mata nito na animo'y gusto na'ng pumatay.

"Nasaan si Abigail?" Tanong ni Warren. Nakita namin ang isang babaeng papalapit sa amin na blangko ang tingin bago tinignan sa mata si Damon.

"Ang daddy mo, ang may gawa yan. Tinambangan kami ng mga kalaban ko at tauhan ng daddy mo kaya ngayon si Shaila ay nasa operating room" malamig na sabi nito.

Napatiim bagang ang kambal sa sinabi nito.

"Doc Abigail, a-ang pamangkin ko? B-buhay pa naman diba? P-please hwag ang p-pamangkin ko" iyak na iyak ni Akirang sabi.

Lumabas na rin ang doctor at mabuti babae ang nag asikaso kay Shaila.

"Nasaan po si Shaila?" Kaagad na lapit ni Akito sa doctor. "Asawa ka ba nya?" Napatigil ito sa tanong ng doctor.

"Boyfriend yan ni Shaila" biglang gatong ni Abigail. "Ganon ba? Ah, ang pasyente ay okay na. At ang baby..... Malakas ang kapit ng bata sa tyan ng nanay nya kaya ligtas ito. Pero kapag naulit ang nangyari ay baka tuluyang mamatay ang bata" nakahinga kami ng maluwag. Napaupo naman si Akito sa semento.

"S-salamat, salamat sa Diyos" mahinang sabi nito. "Pero ang kondisyon ngayon ng pasyente ay baka macoma sya ngayon" natigilan kami sa sinabi ni doc.

"Marami ang nawalang dugo sa kanya. Lalo na't malapit sa ulo nya ang naging impak ng aksidente. 2 or 1 days lang siguro magigising na sya. Pero palagi pa rin namin sya imomonitor para naman makita naming magiging maayos ang pag gising nya" mahabang paliwanag nito.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon