" When I'm With You " ( CHAPTER FIVE ) Dormitory Series #3

2 1 0
                                    

DORMITORY SERIES: When I'm With You
CHAPTER FIVE [ I SAW YOU RIGHT AWAY ]

" babalik kana sa shop bukas‚ right? " tanong niya sa 'kin habang naka-hawak parin sa mga braso ko. " ah... opo‚ sir." sagot ko sa kaniya. " i want to see you tomorrow, go to where we first met last time. " sabi niya sa malamig na boses habang hawak hawak paring ang braso ko. " o-opo‚ sir. " tanging nasagot ko pagkatapos ay binitawan na niya ako at umalis na ako.

wow ah‚ kinabahan ako dun. akala ko kung ano nang mangyayari sa buhay ko‚ buti nalang talaga naka-alis na agad ako... pero teka? nasaan na yung lipstick ko? baging bili ko lang yon eh! tanga mo talaga fia 'no!? " oh‚ anyare sa 'yo‚ halika na nga laro tayo‚ mag-enjoy ka nalang. " sabi ni kelly sabay at alis at pinagpatuloy ang pagpaparty at paglalaro nila.

...

" teka... baka nahulog ko yun kanina? ay oo‚ nahulog nga 'yon! halaaa! sira ka talagang babae ka ang tanga mo! sana hindi pa yun nawala don. " sumbat ko sa isipan ko pagkatapos ay binalikan ang lugar kanina kung saan ko nahulog yung lipstick. " hala... nawala na talaga siyaaa! nakakainis naman oh‚ bago yon eh! tanga tanga ko talaga! " usal ko sa isipan ko.

matapos nang badtrip na gabi na 'tovay umuwi na kami sa dormitory. " mga may saltik din 'tong mga babaeng 'to eh! nag-lasing pa‚ hindi naman pala kaya! " pagmamaktol ko pagkatapos ay pinapasok na ang mga nag-gagandahan kong nilalang na kaibigan. " wala hiya ka gwen! sinukahan ko pa talaga ako!? " sigaw ko at inis na inis na. " sorry fiaa... " pinipilit pa talaga oh kahit lasing na lasing na.
____________

nicholie's pov.

" sa kaniya ba 'tong lipstick na 'to? " tanong ko sa isipan ko habang tinitingnan ang lipstick. mukhang bago 'to ah... pero sana dumating siya bukas...
____________

ilang oras na akong naghihintay dito sa likod ng shop at wala parin akong nakitang fianna. hindi ko namalayan na sa tagal ng paghihintay ko ay nakatulog na ako.

" sir nico? "
" sir? "

labis ang pagka-tuwa ko sa pagdilat ng mga mata ko ay si fianna agad ang una kong nakita kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong mayakap siya at baka siguro'y labis ko lang siyang namiss.

" fianna... " tanging nasabi ko habang nakayakap parin sa kaniya. " akala ko hindi kana dadating... " sabi ko sa kaniya sabay tingin sa kaniya. " sorry po sir kung natagalan ako... " sabi niya sa 'kin sabay tingin sa gilid. " teka? lipstick ko 'to ah? " sabi niya sabay kuha ng lipstick niya na inilagay ko lang sa tabi ko. " sabi na nga ba eh... nakita ko 'yan kagabi sa party ni kevin‚ nahulog mo. " ani ko. " salamat po sir! " pagpapasalamat niya sa 'kin.
____________

fianna's pov.

" okay lang... " sabi ni sir nico sa mahinahong boses. ito ang unang beses na narinig ko siyang naging ganito kung mag-salita. " syaka‚ hindi mo naman dapat talaga akong tawaging "sir" eh " sabi niya sa 'kin. " pwede mo naman ako tawagin sa sarili kong pangalan‚ masyadong kang pormal. " sabi naman niya. " kasi po... boss kita‚ kaya dapat po kitang tawaging "sir" sir. " pagpapaintindi ko sa kaniya. " well... hindi mo dapat gawin yon. " usal niya.

" ano po bang gusto niyong itawag ko sa inyo? " tanong ko sa kaniya. " nico. tawagin mo 'kong nico. " sagot niya sabay tingin sa 'kin. " hindi ko po kaya yun‚ sir... " sabi ko sabay lipat ng tingin ko. " kapag tinawag mo pa ako nun‚ i-f-fired kita. " seryosong sabi niya. " ha!? sir naman... " nagulat nalang ako. " ano‚ sir o nico? " pangungulit niya. " sige na nga po‚ nico? " naiilang na ako dito help! " pakibawasan din sana ng 'po' at 'opo' please? " pangungulit ulit niya sa 'kin. " okay‚ nico... " sabi ko kaya naman napa-tingin nalang siya sa 'kin at ngumiti.

" ang gwapo mo pala kapag ngumingiti sir nico... bakit di mo gawin yan palagi? " tanong ko sa isip ko. " may tanong ako sa 'yo. " bigla niyang sabi. " ano 'yon? " tanong ko naman. " okay lang ba sa 'yo na ligawan kita? " deretsang tanong niya sa 'kin. " anong ibig mong sabihin? " hindi na ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil sa sinabi niya.

" tinatanong lang kita kung pwede ba kitang ligawan‚ just take your time... hindi kita minamadali. " hindi ko inaasahang sasabihin niya sa 'kin 'to‚ tinitigan niya lang ako sabay ngiti sa 'kin. " sige. " sagot ko sa kaniya. " talaga? " panigurado niya. " oo... " sagot ko sa kaniya at niyakap ako.
___________

(makalipas ang ilang buwan)

" so‚ kailan mo nga ako sasagutin? " tanong ni nico kay fianna. " ewan... " pagbibiro ni fianna. " bakit ba sa tuwing pinag-uusapan natin 'yan pinagtatawanan mo 'ko? mukha bang nakakatawa? " seryosong tanong niya " napaka seryoso naman ne'to‚ " pang-iinis ni fianna. " wala ka ngang chance sa 'kin. " pagbibiro ni fianna dahilan kaya mas lalong nainis si nico.

" ang dami mo kasing dada eh"
" daming keneme keneme "
" kailan mo ko sasagutin? "
" di mo 'ko gusto no? bla bla"

sa sobrang daldal ni fianna ay bigla nalang siyang hinalikan sa labi ni nico dahilan ng pagka-hinto niiya sa pag-sasalita.

fianna's pov.

" ba't mo ginawa 'yon? " pagtataka ko " daldal mo kasi eh... hindi ko kasalanan yun ah. " sabi niya sabay lipat ng tingin sa paligid. " kunware kapa‚ gusto mo lang akong i-kiss eh... " pangungulit ko sa kaniya. " bakit magpapakiss ka ba? " biglang tanong niya sa 'kin sabay ngiti.

" depende... " pagloloko ko‚ ulol talaga 'tong lalakeng 'to eh‚ may pinag-manahan. " so... kailan nga? " tanong niya ulit sa 'kin. " ngayon " deretsang sagot ko " seryoso ka? " panigurado niya ulit. " syempre‚ hindi " pagbibiro ko. " ano ba talagaaa? " inis na inis na si nico kaya naman hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti.

" joke lang... oo na‚ tayo na. " sabi ko sa kaniya sabay ngiti at nang-gigigil sa mga pisngi niya. "... " wala na siyang ibang nasabi at napa-yuko nalang habang naka-ngiti. " kinikilig siya.. " sabi ko sabay kiliti sa kaniya. " aba! inuunahan mo ah. " sabi pagkatapos ay kiniliti din ako kaya naman nagmukha na kaming batang grasa kakatakbo dito at pinapawisan na.
____________

To be continued...

Originally written by: thepenofljba

୨•୧-ljba's note:
grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.

d - i - s - c - l - a - i - m - e - r - s :

✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author's imagination‚ or use in fictitious manner. any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.

" When I'm With You " Dormitory Series #3Where stories live. Discover now