" When I'm With You " ( CHAPTER SIX ) Dormitory Series #3

1 0 0
                                    

DORMITORY SERIES: When I'm With You
CHAPTER SIX [ TERRIFIED ]

klieo's pov.

" what do you mean‚ honey? " rinig kong tanong ni mommy kay dad sa telepono. " kinakailangan ni nico na pumunta dito sa africa‚ kailangan ko siya sa bagong products na-ipapalabas ng companya‚ honey. " rinig ko ding sabi ni papa. " sige honey‚ take care! " pagpapaalam ni mom kay dad, kaya naman agad ko nang pinuntahan si kuya sa kwarto niya.
___________

nicholie's pov.

(insta-chat)

nico: naka-uwi kana ba?
fia: hm... oo‚ kakarating ko lang.
nico: free ka bukas? magbabakasyon sina mama at klieo‚ labas tayo?
fia: depende‚ kung kaya pa sa schedule ko.
nico: wala ba ako sa schedule mo? :'(
fia: sira! trabaho ka ba?
nico: hindi‚ bakit?
fia: ha?
nico: akala ko babanatan mo 'ko eh.
fia: eh kung balatan ko yang pagmumukha mo!?
________

klieo's pov.

" knock! knock! "

" tuloy " pagpalatuloy ni kuya sa 'kin. " kuya‚ i have something to tell you. " sabi ko kay kuya. " ano 'yon? " tanong ni kuya. " kuya... kayo naba ni fianna? " tanong ko kay kuya. " oo‚ syaka anong klaseng tanong naman 'yan‚ klieo? " seryosong tanong ni kuya. " oo kuya‚ kung kayo na nga ni fianna‚ mas mabuti pang maghiwalay na muna kayo kuya para sa ikabubuti niya. " sabi ko kay kuya.

" klieo? anong bang klaseng kahibangan 'to? " tanong ni kuha na para bang naiinis na. " mali ang pagkaka-intindi mo kuya... i mean hindi na kayo magkikita pa. " sabi ko kay kuya " deretsohin mo nga ako‚ klieo " sabi ni kuya. " kanina lang tumawag si dad‚ ang sabi niya kailangan ka na daw ipadala sa africa para sa bagong produkto na ipapalabas nina dad‚ concern lang ako sa 'yo kuya at kay fia din. " pagpapaliwanag ko kay kuya.

" totoo ba yan‚ klieo? " tanong ni kuya. " oo kuya‚ rinig na rinig ko. ipapadala na daw yung ticket mo sa susunod na buwan‚ " sabi ko kay kuya. " h-hindi pwede... pano na si fia? pano na kami? " ramdam ko ang sakit nararamdaman ni kuya ngayon‚ alam kong masakit para sa kaniya ang mangyayari‚ pero wala siyang magagawa kundi sundin 'yon. naluluha na si kuya habang iniisip kung pano niya magagawan ng paraan ito.
___________

fianna's pov.

" sinong hinahanap mo‚ fia? " tanong sa 'kin ni gwen. " si nico‚ kanina ko pa kasi siya hindi nakikita eh. " sagot ko naman kay gwen. " wow ah‚ ang tagal naman niya‚ pinaghintay kaba? " usal naman ni jelisha. " ano ba kayo‚ hindi no! hinahanap ko lang siya kasi malapit na ang uwian hindi ko parin siya nakikita ngayon. " sabi ko sa kanila.

" oh sya‚ weekends bukas kaya babyahe ako ngayon‚ uuwi muna ako. " sabi ni kelly sabay alis. " ingat kayo ha‚ bye! " pahabol niya pagkatapos ay tuluyan nang umalis. " ako naman‚ may date kami ni winter! " sabi naman ng isang bruha na si gwen‚ jusko talaga nang mga 'to.

" oh alam mo na kung saan kami pupunta? mang-huhunting ng babyboisss. bahala kana dyan‚ ingat ka lagi bye! " pagpapaalam ng dalawang bruha‚ ayon nagsi-takbuhan na ang mga magagandang nilalang.

habang naglalakad ako papunta sa dorm ko ay nakita ko nalang si nico na nanggaling sa dorm ko at papa-alis kaya dali dali ko siyang hinabol. " nico!? " sigaw ko sa kaniya kaya naman huminto siya sa paglalakad.

" bakit ngayon ka lang nagpakita? kanina pa kita hinahanap... nag-aalala na ako sa 'yo‚ " saad ko sa malungkot na boses at napa-yuko nalang ako. "..." hindi man lang siya kumikibo. " hindi ka man lang ba magsasalita? o mag-eexplaine man lang? " naluluha na ako dahil hanggang ngayon ay hindi niya parin ako kinakausap.

" ano ba‚ nico!? " sigaw ko sa kaniya habang itinulak tulak ko siya. " bakit ba ayaw mong magsalita? maawa ka naman sa 'kin oh... bakit mo ba ako iniiwasan? akala mo ba hindi masakit para sa akin 'yon? nico‚ naman... " sumbat ko sa kaniya habang umiiyak.

" sige‚ ayaw mo 'kong kausapin? akala ko iba ka! akala ko I ang iba ka sa kanila pero sige‚ ' wag mo 'kong kakausapin dahil hindi na din kita kukulitin! " sigaw ko sa kaniya pagkatapos ay pumasok na sa gate at nilock ito.

wala na naman akong ibang magawa kundi ang umiyak... bakit ba walang nagtatagal sa 'kin? hindi ko ba deserve ang mahalin at pahalagahan? bakit ganon? pati ba naman si nico na akala ko hinding hindi ako iiwan‚ pero iniiwasan na niya ako.
____________

nicholie's pov.

nasa labas parin ako ng dormitory nila‚ bakit ba ang duwag duwag ko? minsan na nga lang akong mag-mahal‚ di ko pa kayang ipaglaban‚ pero kahit ganon‚ hinding hindi ko siya makakalimutan... gagawin ko ang lahat makasama ko lang si fianna‚ kung kailangan Iwan ko yung pamilya ko gagawin ko 'yon para sa kaniya. kunting tiis nalang fianna... makakasama din kita.
____________

fianna's pov.

" fiaaa! gumising kana nga! may thesis pa tayo! " pagmamadaling sabi ni kelly. " hala... tanga! nakalimutan ko na naman. " tanging nasabi ko. " ano ba kasing meron ka gabi‚ nakahilata ka lang dyan habang umiiyak‚ teka? naghiwalay na ba kayo ni nico? " tanong niya sa 'kin. " sira! hindi 'no... iniiwasan niya lang ako. " sagot ko kay kelly.

" ano? baliw ba siya? bakit naman? " sunod sunod na tanong ni kelly. " ano bang magagawa ko? wala naman diba? " usal ko. " hay... hayaan mo bess... baka may problema lang‚ ganiyan talaga 'yan pag nasa isang relasyon kana‚ kailangan mo maging understanding. " sabi ni kelly.

" thankyou kelly ah... " pagpapasalamat ko. " oh sya‚ mag madali kana dyan‚ may thesis pa nga tayo! " pag-iiba niya ng usapan kaya naman nagmadali nalang din ako at baka mamaya ay hindi ko pa maabutan ang thesis ko.
___________

fianna's pov.

habang naglalakad ako sa hallway ng building namin ay may napansin ako sa mga istudyante at parang may pinag-uusapan. may pinapanuod silang video‚ sa sobrang curious ko ay tiningnan ko ito.
______

" yes... i am alejandro scott‚ the CEO of SCOTTERS... today‚ i am here at africa‚ i'm waiting for my son nicholie scott‚ he will arrived here soon. and that's the update for today. "
__________

To be continued...

Originally written by: thepenofljba

୨•୧-ljba's note:
grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.

d - i - s - c - l - a - i - m - e - r - s :

✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author's imagination‚ or use in fictitious manner. any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.

" When I'm With You " Dormitory Series #3Where stories live. Discover now