CHAPTER SIX

2 0 0
                                    

ARCHELLA'S POV

"And, submitted!" I happily said. Kaka-submit ko lang ng huling essay na binigay samin ng professor namin at nakakaproud lang kasi buong gabi ko ginawa yun.

Me and Aeros were taken for interview dahil nadulas si Officer Reyes at nasabing kami ang dahilan kaya nahuli si Mr. Fernand kaya naipit kami sa interview na dapat ay silang dalawa lang ni Atty. Kelle ang aatend.

Grabe, ramdam ko pa din yung pagod nung araw na yun. Alala ko, sa sobrang low ng social battery ko, wala akong kinausap kahit sa sumunod na araw.

Mamayang 12 AM ay deadline na ng mga essay na pinapagawa, kasama na din yung sandamakmak na paragraph na pinagawa samin. Hindi sana mahirap yung paragraph kung english or tagalog lang yung gagawin mo pero iba't iba kasi.

Napatingin ako sa orasan at nakitang 7 AM na. Panigurado ay nagbebreakfast na sila Lilia sa cafeteria.

Naligo at nag ayos nalang ako bago lumabas para kumain na din ng breakfast sa cafeteria. Sana eggs or waffles yung sineserve nila today.

As expected, onti palang ang estudyante doon at nakaupo si Mira sa usual na table namin. They waved at me when they saw me so I waved back while still making my way to them.

"Goodmorning Archella!" Mira greeted me while Lilia was no where to be found. "Good morning too. Asan si Lilia?"

"I don't know. When I woke up, wala na siya sa higaan niya pero ang mas pinagtaka ko is bakit magulo yung higaan niya?"

Napatingin ako sakanya ng may pagtataka din. "Out of the three of us, si Lilia ang pinaka malinis pagdating sa higaan niya. How come magulo yun?"

She took a bite of her food before speaking. "Kung aalis siya, malamang aayusin niya yung higaan niya kahit malate pa siya."

"I'll ask the dormlady if umalis siya kanina."Sabi ko nalang bago tiningnan yung pagkain na nakahain sa harap ko. Hotdog? Okay pa sana kung itlog pero shuta hotdog pa talaga.

"Gusto mo? Sayo nalang, hindi ako gutom." Saad ko habang nakangiti. Agad niya namang tinanggihan iyon at nilunok ang nasa bunganga. "Kahit ako, ayoko din nito kaso nakatingin kanina sakin yung tindera kaya hindi ko matapon."

Napansin kong pabalik na yung tindera mula sa kusina kaya agad akong nagpaalam kay Mira para naman di ako mapilitang kainin yun. Hindi naman sa ayaw ko yung pagkain pero yung hotdog kasi... sunog.

"Alis na ako, tatanungin ko yung dormlady. Bye, see you later sa lunch!"

Tumakbo ako palabas ng cafeteria at tumuloy sa building ng mga dorm. Nakita ko yung dormlady na nagbabasa ng libro sa may receptionist kaya agad ko siyang pinuntahan. "Excuse me?" Tumingin siya sakin kaya nahalata ko naman agad na ilang araw na siyang walang tulog kasi sobrang lalim ng eyebags niya.

The school really needs a replacement for the dormlady. Nakakaawa na kasi siya.

Binaba niya ang librong kanyang binabasa at seryosong tumingin sakin. "Yes?" tanong niya sakin bago humikab. "Do you know Lilia Minerva Cathi?" Tumango lamang siya sakin kaya tinuloy ko ang pagsasalita. "Have you seen her go out of the building? Sabi kasi ng dormmate niya nagising daw na wala sa dorm nila."

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon