Way 6

17 4 37
                                    

Chapter six

"Kasi ikaw ang gusto ko, valid naman siguro 'yon, 'di ba?"

"Alam mo, ikaw? Kaya ka walang girlfriend, kasi ang sama ng ugali mo!"

Hindi ko alam, sa ilang araw ko rito, dahil sa napapadalas naming bangayan, nasasanay na ako. Tipong parang wala lang. Parang hindi ako naaapektuhan.

Ewan! Basta nakakairita talaga ang lalaking 'to!

"Eh, ikaw? Bakit wala kang boyfriend?" Tumatawang tanong nito, tumigil ito at saba'y sabing, "ayy, oo, wala nga palang papatol sa 'yo."

"Ikaw! Pasalamat ka, boss kita."

Tumalikod na ako. Kapag nanatili pa ako rito, lalong mauubos ang pasensya ko.

May sinabi pa siya ngunit hindi ko na pinagtuunan ng pansin at lumabas na lang ng office.

Pagkababa ng hagdan ay sinalubong ako ni Nova na katatapos lang maghatid ng order sa bawat table.

"Oh? Bakit magkasalubong na naman 'yang kilay mo? Nagbangayan na naman kayo, 'no?" Natatawang tanong nito.

"Wala! Alam mo? Kapag 'yang lalaking 'yan talaga ang kaharap ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, para akong nagagalit na ewan!"

"At kapag siya ang kaharap mo, tumatapang ka..."

Nagsimula siyang maglakad patungo sa counter na agad ko namang sinundan.

"Baka naman hindi na galit, pagkamuhi o inis 'yang nararamdaman mo?" Tukso niya. "Sinasabi ko sa 'yo, kahit si Pedro na lang ang makatuluyan mo, basta't huwag na ang lalaking 'yan."

Mahina lang ang pag-uusap namin para hindi makaistorbo sa mga costumer.

"Ano ka ba naman? Kahit tumandang dalaga na lang kamo ako."

Natawa ito sa sinabi ko. Sana naman kilabutan siya sa mga sinasabi niya.

"Ikaw pa lang ang naglakas-loob na sumagot-sagot sa taong 'yan, bilib ako sa 'yo," tinapik-tapik pa ni Nova ang balikat ko habang sinasabi iyon.

"Eh, ikaw? Boyfriend mo naman si Theo, magkamag-anak sila, 'di ba? Malamang na hindi ka niya papatulan dahil boyfriend mo ang pinsan niya," posible naman kasi.

Kamakailan ko lang nalama na magpinsan sila. Si Nova ang nagsabi sa akin, masasabi ko na may kaunti na akong nalalaman.

"Nako! Kung alam mo lang, kahit 'yang si Theo, hinding-hindi 'yan papalag sa pinsan niyang 'yan!" Inis na sabi niya. "Sa kanilang magpipinsan, 'yang lalaking 'yan ang iniiwasan nilang palagan. Kahit nga sa mga asaran nila, kapag nagsalita na si Sir Ichiro, automatic, tahimik ang lahat," napapailing na lang siya habang nagkekwento.

Bumalik ako ng counter. Sinimulan ko nang ihanda ang hinihingi sa akin ni Sir Ichiro, marunong naman na ako.

"Para kanino iyan?" Tanong sa akin ni Ate Eya.

Tinignan ko siya at tipid na ngumiti. "Kay Sir Ichiro po."

"Ha? Nagpakuha siya sa'yo ng kape?" Kunot noong tanong niya.

I nodded, "Ipinatawag pa nga po ako."

"Paano nangyari iyon?"

"Ewan, nantitrip na naman siya."

"Ngayon lang siya nag-utos," mahinang aniya ni Ate Eya. Ngumiti siya sa akin, "Hindi bali na, baka busy si Sir kaya nag-utos na lang."

Busy? Sus, trip niya lang talaga ako!

"Sige na, ihatid mo na 'yan sa kaniya."

Bumalik ako sa office, hindi na ako kumatok at binuksan na agad ang pinto. Nagulat ako sa bumungad sa akin...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Way back homeWhere stories live. Discover now