Chapter 6

285 7 2
                                    

MATAPOS ang very memorable na panghalian na iyon, muling ipinagpatuloy ni Marjorie ang pagrerebisa sa mga papeles. Kanina, habang ginagawa niya iyon, nagkukukot ang kanyang kalooban. Pero ngayon, matapos niyang makasalo si Nonie, naiba ang ihip ng hangin. Naging ganado siya.

Hindi umabot ng alas-­‐‑dos at natapos niya iyon. Medyo inayos pa niya nang kaunti ang sarili bago ipasa iyon sa pogi niyang boss. Nangingiti siya sa mga pagbabagong nagaganap sa kanyang sarili. Ngayon lamang niya naintindihan nang husto na maraming nagagawa ang pag-­‐‑ibig. Siguro'y lalo na kung liligawan nga siya ni Nonie. Napapitlag si Marjorie sa isiping iyon. Ay naku, heto na naman siya sa kanyang ilusyon.

Lumulundag na kaagad siya sa konklusyon. The question was. . ligawan naman kaya siya? Maayos na maayos ang mga papeles nang iabot iyong ni Marjorie. Kasing-­‐‑ayos niya. Nakangiting inabot naman iyon ng binata.

"Pasensiya ka na nga pala sa nangyari kanina, ha?" sabi nito. "I've lost my temper. Nasigawan tuloy kita."

"Okay lang 'yon," nakangiti niyang tugon. "Puwede mo namang gawin ang kahit ano dahil boss ka namin."

"Ang gusto mo bang sabihin, kahit mali ang katuwiran ng isa, okay pa rin na manigaw siya dahil boss siya?"

"Hindi naman. Pero tama naman ang ginawa mo. Ikaw naman ang nasa katwiran."

"You think so?"

Hindi kaagad nakasagot si Marjorie. Paano ba siyang makakasagot ng lagay na 'yon, e, halos masilaw siya sa titig ni Nonie?

"Totoo ba 'yan?" tanong nito.

"Ang alin?"

"Nag-­‐‑iba na yata ang attitude mo. Ang akala ko'y sasagutin mo na naman ako nang pabalang."

Ngumiti si Marjorie. "Ganoon talaga ang ugali ko noon. Stubborn, swell-­‐‑headed. But I'm doing my best to change that. Hindi na ako bata."

Nangislap ang mga mata ni Nonie sa tinuran niya. "Good girl. Mukhang nag-­‐‑progress na ang ginawa kong pagte-­‐‑train sa 'yo. Dapat siguro'y humingi ako ng bonus sa daddy mo."

Seryoso siyang tumingin sa kaharap. "Can you tell me exactly kung ano'ng napag-­‐‑usapan n'yo ng daddy ko tungkol sa akin?"

"Sure," sagot nito. Sumandal ito sa swivel chair, ngumiti nang makahulugan. "In one condition."

Sure, here's the text formatted with spaces:

"What condition?"

"Kailangang sumama ka sa akin na kumain sa labas after office hours."

Nanlaki ang mga mata ni Marjorie. Kunwa'y nagulat. Pero deep inside, tumalon ang kanyang puso. "Ano 'yon, blackmail?"

"You want to take the option or not?"

"May iba pa bang choice?"

SA ISANG Chinese restaurant sa Cubao siya dinala ni Nonie. Bago pa man ay ni-­‐‑request na niya rito na kung puwede'y huwag na silang lumayo. Ayaw niyang gabihin pag-­‐‑uwi.

Si Nonie ang umorder ng pagkain. Hindi siya masyadong pamilyar sa Chinese dishes dahil hindi siya gaanong mahilig doon. Italian ang talagang favorite niya—pasta. Pero dahil si Nonie ang kasama niya, wala siyang reklamo kahit pa siguro sa lugawan lamang siya isama nito. Iyon ay kung kumakain ito ng lugaw.

Si Marjorie ang tipong sosyalera na bakya pagdating sa pagkain. Mahilig siya sa mga kakanin. At hindi niya iyon ikinahihiya. In fact, amused nga ang kanyang mga kaklase kapag kumakain siya niyon dahil nagmumukha raw class ang pagkain.

Nang maihain ang pagkain, na-­‐‑impress na rin si Marjorie dahil maganda ang presentation ng mga iyon. Mukhang nakakatakam. At okay na rin naman ang lasa nang tikman niya. Although, hindi talaga siya mahilig doon. Nagkunwa na lang siyang nag-­‐‑e-­‐‑enjoy dahil ayaw naman niyang mapahiya si Nonie. But in fairness, masarap naman talaga. "Siguro naman puwede na nating pag-­‐‑usapan ang tungkol sa kasunduan n'yo ng Daddy?" sabi niya.

"Hindi ka na talaga makapaghintay, ha?"

"Mamamatay ako sa curiosity kapag hindi ko nalaman."

Huminto saglit sa pagkain si Nonie, uminom ng tubig. Pagkuwa'y tumingin sa kanya. "Wala namang intensyong masama ang daddy mo. He just wanted you to learn to stand on your own feet."

"Yes, I know about that," sang-­‐‑ayon niya. "Siguro nga, hindi kaagad-­‐‑agad ako matututo kung ang ginawa kong training ground ay ang sarili naming kompanya. But then, nakakasama pa rin ng loob."

"No. Hindi dapat sumama ang loob mo. They were only thinking of what's best for you."

"Wala silang tiwala sa akin."

"That's not true. Masyado ka lang mahal ng parents mo. Ayaw nilang mangapa ka sa dilim in times na wala na sila sa tabi mo."

Tumingin lamang dito si Marjorie. Pagkatapos ay kumutsara ng dessert. Parang tinatamad na isinubo niya iyon.

"Pinalaki ka nila na lahat ng bagay na kailanganin mo'y nandiyan na sa harapan mo. At natakot silang maging dependent ka na lang sa mga bagay na iyon. Isa pa'y wala nang iba pang magtataguyod ng inyong negosyo. Si Albert, iba ang kanyang daigdig. Hindi natin iyon kayang baguhin."

Patlang.

"Kung hahayaan ka nila sa ganyang attitude, parang sila na rin ang naghagis sa 'yo sa kangkungan," matalinghaga nitong turan.

Sumulyap dito si Marjorie.

"Yes, totoo 'yon," patuloy ng binata. "Natatakot sila na kung hindi mo matutunan ang responsibilidad sa iyong sarili at ang pagpapahalaga sa inyong kabuhayan, hindi malayong pulutin ka na lang sa lansangan isang araw."

Bawat salitang bitawan ni Nonie ay maliwanag na nakarating hanggang sa kasuluk-­‐‑sulukan ng kanyang isip.

"Naiintindihan mo na siguro kung bakit ginusto nila na makaranas ka ng pagod? Ng hirap sa trabaho? Dahil gusto nila na maintindihan at matutunan mong pahalagahan ang bawat sentimo na iyong pinagpaguran. Tayo ang gumagawa ng ating kapalaran. Ang karangyaan na nasa 'yo ngayon ay saglit lang na mawawala kung hindi mo pahahalagahan. Naiintindihan mo ba, Marjorie?"

Tumango siya.

"Tandaan mo, Marj, walang taong mayaman o mahirap. Pantay-­‐‑pantay lamang ang lahat. Kung may nakaangat man, iyon ay yung marunong magsumikap at magpahalaga sa mga bagay na pinagsumikapan niyang abutin."

"Bakit mo naman tinanggap ang obligasyong turuan ako kahit alam mong mahihirapan ka?"

Ngumiti lang si Nonie. "Siyempre, hindi naman puwedeng puro sarili na lang ang iniisip natin."

Lalong umusbong ang paghanga sa puso niya. At least, mali ang iniisip niya noon—na puro pagpapayaman lang ang nasa isip nito? "Well, siguro nga'y dapat kang bigyan ng bonus ni Daddy," biro ni Marjorie. "Mahusay kang instructor."

"May naisip na nga akong price para doon," ganting-­‐‑biro ni Nonie.

"Ano?"

"Ang magpakasal ka sa akin," walang kagatol-­‐‑gatol nitong sabi. Na binuntutan ng halakhak. Muntik na siyang masamid sa tinurang iyon ng binata. Hindi niya inaasahan ang birong iyon.

"Ano 'kamo?"

"Never mind—I'm just asking." Lumagok ito ng champagne.

Si Marjorie naman ay wala nang nasabi pa. Tumanim sa utak niya ang pagbibiro ni Nonie. Pero kung saka-­‐‑sakaling seryoso ito, hindi naman niya iyon ikagagalit.

Matapos ang pag-­‐‑uusap na iyon, wala na silang naging usapan pa. Ang pangyayaring iyon ay tila naglagay ng pader sa pagitan nila. Hanggang sa magkayayaan na silang umuwi.

SI DON RAFAEL ang nagbukas ng pinto para sa kanila. Tila nagalak ang matandang lalaki nang makitang si Nonie ang kasama ng anak.

"Pasensya na po, Sir," dispensa ni Nonie sa don. "Medyo ginabi kami nitong dalaga s'yo."

"Walang anuman iyon, iho." Ngiting-­‐‑ngiti ang matanda sa binata. "Alam mo namang basta ikaw ay kampante ako." Pinatuloy muna ni Don Rafael si Nonie. Nagbigay naman ang huli. Nagkuwentuhan ang dalawa.

Si Marjorie ay pumasok na sa kanyang silid. Ninamnam ng isip niya ang mga sandaling kasama ang binata. Ang lahat ng mga sinabi nito. Lalung-­‐‑lalo na ang ginawang pagbibiro nito. Ang magpakasal ka sa akin. . Napangiti ang dalaga sa alalahaning iyon. Haay, sana'y totoo. . Sapagka't kung sakali ngang magluluhog ng kasal sa kanya si Nonie, sasamantalahin niya ang pagkakataong iyon. Sabihin mang iyon ay napakaaga pa.

Pwede Ka Bang Mahalin - Liberty CaneteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon