Chapter 10

276 6 3
                                    

MABIGAT pa rin ang pakiramdam ni Marjorie nang umagang iyon.

Hindi nakuha sa tulog ang sama ng loob niya nang nagdaang gabi. Ramdam niya'y totoong mauuwi na sa trangkaso.

Nagbilin si Don Rafael kaninang umaga sa asawa na huwag siyang papasukin sa opisina. Magpahinga na lang daw muna siya nang bumuti agad ang kanyang pakiramdam.

Nalungkot siya dahil hindi niya personal na maasikaso ang paghahanda para sa shipment nila bukas. Pero iyon ang bilin ng daddy niya, at hindi niya iyon makokontra.

Sa bahay, asikasung-­‐‑asikaso naman siya ng ina. Maya't maya kung akyatan siya nito ng mainit na gatas, prutas at kung anu-­‐‑anong kakanin na gustung-­‐‑gusto niya. Monitored din nito ang oras ng pag-­‐‑inom niya ng gamot.

"Masyado mo naman akong bine-­‐‑baby, Mom. Baka mamihasa ako?"

Tumabi sa kanya ang ina, hinagod-­‐‑hagod siya sa buhok. "Nakokonsiyensiya na nga kami ng daddy mo, eh. Dahil sa kagustuhan namin na matuto ka, nagkakasakit ka na tuloy."

Nasaling ang puso ni Marjorie sa sinabi ng ina. Sumandig siya sa dibdib nito, parang batang naglalambing. "Hindi naman dahil doon kaya ako nagkasakit, eh. Talaga lang na dinadaanan tayo ng pagkakasakit. Hindi kayo dapat mag-­‐‑worry. Saka, gusto ko naman ang lahat ng nangyayari."

Niyakap siya ng ina. "Mahal na mahal ka namin, iha."

"Yes, I know that."

May kumatok, pagkuwan ay pumasok sa kuwarto ang isang katulong. May bitbit itong isang bouquet ng mga sariwang rosas. "May nagpadala sa inyo nito, Ate Marjorie."

"Sino?" Magiliw niyang inabot ang bouquet ng bulaklak. Mabilis na binasa ang nakasulat sa maliit na card.

To a sweet lady,

Get well soon. .

Love and care,

Nonie

Hindi malaman ni Marjorie ang mararamdaman. Kung matutuwa ba siya o kung sasama lang ang loob. Love and care? Ano'ng ibig sabihin niyon? May pagtingin ba sa kanya si Nonie? Bilang kaibigan? O shock absorber?

NANG gabi ring iyon ay naging bisita ito ng kanilang tahanan. Hindi na bulaklak ang dala nito, kundi isang basket naman ng mga prutas.

"Kumusta ka na?" tanong agad nito nang makita siya.

"Mabuti naman ako," tugon niya. "Lahat na lang, akala, e, grabe na ang sakit ko. Eh, sinat lang naman 'to." Kulang na lang ay idagdag niya, dahil sa kagagawan mo.

"Mahal ka namin. . kaya nagwo-­‐‑worry kami nang husto."

Napatingin si Marjorie sa mukha nito matapos nitong sabihin iyon. Seryoso ang mukha nito. Hindi niya kayang basahin kung ano ang nais nitong ipakahulugan.

Pero kahit paano, tumagos sa kaibuturan ng kanyang puso ang sinabi nitong "Mahal ka namin." Salamat na lamang, pero hindi niya siguro matatanggap na maging kerida o pangalawa. O kahit maging kaibigan ang lalaking ito na lihim niyang minahal.

"Gusto mo ba ng maiinom? Ng merienda? Magpapakuha ako," aniya, nagbaba ng tingin.

"Huwag na. Busog pa ako."

Katahimikan.

"Kailan mo nga pala balak sumunod sa Germany?" Si Marjorie ang muling nagbukas ng usapan. At ang tanong na iyon ay upang malaman ang katotohanan. Kung may balak itong sundan si Carla.

Kahit pa ang posibleng kasagutan ay panibagong na namang sakit ng damdamin para sa kanya.

Certainly! Here's the text formatted in a more readable way:

Pwede Ka Bang Mahalin - Liberty CaneteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon