SA IKALAWANG pagkakataon, makikipag-‐‑usap si Marjorie sa kanyang ama nang masinsinan. At sa pagkakataong iyon, sinisiguro niya na ibang Marjorie na ang haharap sa ama. Hindi na ang Marjorie na spoiled, childish, stubborn. Kundi ang Marjorie na matured, strong-‐‑willed, at may sariling desisyon.
Magkaharap sila ng ama sa metal table na nakaluklok sa tabi ng swimming pool. Nagpahatid pa nga siya ng meryenda sa katulong. "Siguro naman, Daddy, ako naman ang pagbibigyan mo ngayon," panimula niya. "Nasunod ko na ang gusto mo noon. And yes, you're right. It helped me become a better person. So, I think I have the right to decide for myself."
"Meron ba kayong hindi napagkasunduan ni Nonie, iha?"
"No, Dad. Personal decision ko ito." Nagkibit siya ng balikat. "Maybe, ako naman ang gustong sumubok sa sarili kong kakayahan ngayon. If I can make it on my own, in my own."
Tumangu-‐‑tango si Don Rafael. Alam nito kung ano ang nais na iparating ng anak. Hindi man ito tuwirang sumasang-‐‑ayon sa desisyon niya, hindi rin nito nais na tutulan siya.
Hinawakan ni Marjorie ang mga palad ng ama. Tila nagsusumamo siya sa harap nito. "'Di ba, Daddy, ikaw ang may sabing as early as possible ay dapat na matutunan ko na ang mga bagay-‐‑bagay sa sarili ko at sa kabuhayang nakagisnan ko? Perhaps I'm not yet capable of handling our business, but I want to give it a try." Pinisil niya ang palad ng ama. "Daddy, puwede bang pagkatiwalaan mo ako this time?"
Ngumiti si Don Rafael sa anak. "If that is your decision, then the freedom will be all yours." Tuwang-‐‑tuwa siya. Mabilis siyang tumindig upang yakapin ito nang mahigpit. "Thank you, Daddy. Thank you very much."
"But before that, gusto kong magpaalam ka nang maayos kay Nonie. Iba na 'yong may graceful exit ka. Kahit paano, may utang-‐‑na-‐‑loob kang tatanawin sa kanya."
Alam niya iyon. At alam din niyang mahihirapan siyang magpaalam nang personal sa lalaki.
KINALUNESAN ay maaga pa ring pumasok si Marjorie sa kanyang trabaho. At iyon na ang magiging huling araw niya sa kompanya ni Onofre Carvajal. Kahit paano, nakaramdam din siya ng lungkot. Nakasanayan na rin niya ang ganitong routine sa araw-‐‑araw. Mami-‐‑miss niya ang mga kasamahan. Mami-‐‑miss niya. . si Nonie.
Pero palagay niya, iyon lang ang pinakamabuting mangyari. Kaysa tuluyang mahulog ang loob niya sa binata, wala naman siyang dapat na asahan.
Naratnan na niyang nakaupo sa harap ng mesa niya si Dennis. Sa tingin niya'y talagang hinihintay siya. May tangan itong rosas.
"Hi, good morning. Para sa iyo," bati agad nito, sabay abot sa kanya ng mga rosas.
Inabot naman niya iyon, ngumiti nang pilit. "Salamat. Hindi ka na sana nag-‐‑abala."
"Wala 'yan, basta ikaw."
"Pero huling pagtanggap ko na ito ng mga bulaklak."
Tila nagtampo ito sa narinig. "B-‐‑bakit naman?"
"Magre-‐‑resign na ako, Dennis."
Nagulat ang lalaki. "Ha? Pero bakit?"
"Wala. Basta." Kailangan pa ba niyang magpaliwanag dito?
"Aalis ka na, hindi pa nga kita naihahatid kahit minsan. Ni hindi mo pa ako napagbibigyang kumain tayo sa labas." Kahit paano, nakakaawang tingnan si Dennis. Mabait naman kasi ito, eh.
Nataon lang na talagang hindi niya ito gusto. "Marami ka namang puwedeng ihatid o kaya'y yayaing kumain sa labas. Marami tayong officemates na babae, at mga dalaga pa rin. Bakit hindi ka sa kanila tumingin?"
"Ikaw ang gusto ko."
Walang maisip isagot si Marjorie. Ang hirap talagang pumili ng salitang hindi makakasakit ng damdamin ng iba. Mabuti na nga lamang at biglang dumating si Nonie. Magandang timing iyon para umiskiyerda na si Dennis.
"Andiyan na'ng boss mo," sabi niya rito. "Lumakad ka na bago ka masabon."
"Ano pa nga ba?" Lulugu-‐‑lugong lumisan ito. At saka pa lamang nakahinga nang maluwag si Marjorie. Nakita niyang dumirekta ng pasok sa private office nito si Nonie. Inisip niyang sundan kaagad ito. Mientras maaga pa at wala pang gasinong tao, kakausapin na niya ang lalaki. May sinusulat ito nang mabungaran niya.
"Good morning," pagbibigay-‐‑galang niya, pilit pinatatag ang kompiyansa sa sarili.
"Yes?" tanong ni Nonie nang makita siya.
"Puwede ba kitang makausap?"
"Sure. Maupo ka."
Hustong kauupo pa lamang niya nang bigla namang mag-‐‑ring ang telepono. Dinampot iyon ng lalaki matapos mag-‐‑excuse sa kanya. "Yes? Oh, Carla. ." Muli itong nag-‐‑excuse at biglang pumihit patalikod sa kanya.
Feeling niya'y na-‐‑out of place siyang bigla. Tumindig siya't tahimik na lumabas ng silid na iyon. Masamang-‐‑masama ang loob niya. Hanggang sa kahuli-‐‑hulihan ba namang pagkakataon ay si Carla pa rin ang uunahin ni Nonie? Sobra-‐‑sobra nang pang-‐‑iinsulto ang ginagawang ito sa kanya. Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago muling nag-‐‑attempt na pasukin ang silid ni Nonie. Nasilip niyang patalikod pa rin itong nakaupo sa swivel chair, may kausap pa rin sa telepono. Pero alam niya na hindi na si Carla iyon. Iba na ang paraan ng pakikipag-‐‑usap ng lalaki.
Hindi niya sinadyang mag-‐‑eavesdrop. Nagkataon lang na naririnig niya ang pakikipag-‐‑usap ni Nonie.
"So, when will you visit us, Dad?" sabi ni Nonie sa kausap. "Yes, Dad. I really like her. Given the right chance. . pakakasalan ko siya agad."
Malinaw na malinaw sa kanyang pandinig ang mga katagang iyon. Pakiramdam niya ay kakapusin ang kanyang paghinga, namimigat ang talukap ng kanyang mga mata. Nagbabanta ang mga luha.
Tumakbo si Marjorie palayo sa lugar na iyon. Hindi na niya makakayanan. Sasabog ang kanyang dibdib sa labis na sama ng loob. Napansin siya ni Lynn. Humabol ito.
"Marj, bakit? Ano'ng nangyari. . Hoy, saan ka pupunta?!"
NAG-‐‑TAXI siya pauwi. Maghapon siyang nag-‐‑iiyak sa loob ng kanyang silid. Tinatanong niya ang sarili: May karapatan ba siyang masaktan? Niligawan ba siya ni Nonie? Pinaasa? Hindi, tugon rin ng kanyang isip. Wala silang kahit na anong relasyon. Pero bakit kay sakit ng katotohanang magpapakasal na ito sa ibang babae? Doon kay Carla na dati nitong kasintahan? Sinungaling si Malou. Sabi nito'y may pagtingin daw sa kanya si Nonie. Madalas daw magnakaw ng sulyap. Gaga! tugon naman ng kabilang bahagi ng dibdib niya. Babae ka, maganda, sexy. Kahit naman siguro sinong lalaki ay mapapatingin sa kanya nang may kahalong paghanga o pagnanasa. Pero hindi iyon nangangahulugan ng pag-‐‑ibig!
Umiyak siya nang umiyak, inubos ang luha ng kabiguan. Kabiguan sa pag-‐‑ibig na siya lang naman ang nakakabatid. Pagkaraan ng unos, kinalma niya ang sarili. Disappointment lamang itong kanyang nadarama. Hindi tunay na pagkabigo. Hindi siya dapat padaig sa emosyon. Siya si Marjorie Enriquez—matapang, matatag. At may sariling disposisyon. Lalaki lamang si Nonie. Marami pang katulad nito sa mundong ito. Bakit ba niya pahihirapan ang sarili? Makakatagpo pa rin siya ng tamang lalaki para sa kanya. Iyong tunay na nagmamahal sa kanya. At hindi iyong siya lamang ang nagmamahal. Kaya? E, paano ang damdamin na inilaan niya para kay Nonie? Mailalaan din ba niya iyon sa iba?
BINABASA MO ANG
Pwede Ka Bang Mahalin - Liberty Canete
Romance"Ipinangako ko sa sarili kong by hook or by crook, I'll make this girl mine. All mine." Sa pagnanais na turuan siyang maging independent, pinilit ng mga magulang ni Marjorie na magtrabaho siya sa kompanya ng kaibigan ng mga ito---sa opisina ni Onofr...