Prologue

84 24 18
                                    

John point of view.

At John's House (living room)

John: "Look Anne, alam ko nasasaktan ka sa pinapakita ko sayo ngayon pero bigyan mo lang ako ng oras para makapag-isip pa." sagot ko sa'kanya na para bang wala pa ako sa aking sarili.

Anne: "Oras? Mag-iisang buwan na bukas, anong oras pa ang gusto mo? John, you need to move on step out of it. Hindi na tayo mga bata na mahirap makaintindi, tignan mo ang sarili mo. Sana maisip mo yung mga sinasabi ko at ganyan ba ang gusto mong ipakita kay tita?" naramdaman kong nagsisimula na siyang magalit kaya sinubukan kong pigilan at yakapin siya.

John: "Tama na Anne.." sambit ko at pumiglas siya sa pagkakayakap ko.

Anne: "Ako dapat ang magsabi niyan sayo!" sigaw ni Anne habang dinuduro niya ako ng kanyang daliri.

John: "Please! Tumigil ka na.." sagot ko at pilit kong binababa yung kanyang kamay at sabay kong hinawakan.

Anne: "Napaka-immature mo kasi! Can you just grow up John!" sigaw niya sa akin at binitawan yung pagkakahawak ko sa kamay niya.

John: "At ako pa ang immature?! Ha?! Woow naman grabe!!" at nag umpisa na magdilim aking paningin dahil alam kong hindi yon totoo.

Anne: "Totoo naman 'di ba? Kase halata naman na natatamaan ka and so what?!" sigaw ni Anne at lalo niya pa pinagdikdikan sa mukha ko.

John: "STOOP ITTTTTTT!!" at sinagawan ko siya bigla para matapos na.

Anne: "Sinisigawan mo na ako ngayon?! Ha?! Huhuhu.." nag-umpisa na siya lumuha at tinalikuran ako.

John: "No Anne please sorry nabigla lang naman.." i tried to pull her back pero sinabuyan niya ako ng tubig sa mukha.

Anne: "Who are you? Hindi na kita kilala John huhu.." nagwalk-out siya sa harapan ko palabas ng pintuan.

John: "Anne, please pag-usapan natin ito!" nakikiusap na sambit ko habang hinahawakan ang kanyang kamay at pigilan pag-alis niya.

Dumiretso siya sa labas ng pintuan, ni-hindi man lumingon pabalik. Ibinagsak niya ng malakas ang pinto upang iparamdam sa akin ang kanyang galit.

Napasandal na lang ako sa likuran ng pintuan at napapaluha habang dahan-dahan napapaupo sa pagkakasandal.

A/N: Hi readers! this is only a prologue bale next page will be the chapter one. Don't skip any parts of it ha? Please please please or else baka may ma miss kayo. Maraming salamat, btw comment din kayo para naman mamotivate akong mag update na. ☺️😁✌🏻

Crazy Love Thing I: a mystery unfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon