Chapter 03: Confession Letter

366 102 91
                                    

John point of view.

isang araw bago mag-exam.

At John's bedroom.

John: "Hays bakit ngayon lang kase nagbabasa ang tamad talaga" habang nakatitig sa mga librong nakabuklat sa aking lamesa.

At biglang tumunog ang cellphone ko, si Lucy pala natawag.

John: "Hello Lucy napatawag ka, kamusta?" pangangamusta ko sa'kanya.

Lucy: "Hi John, tulog na ba yung bestfriend ko? Heto kakatapos lang maligo galing sa rehearsal ng ballet dance, ikaw?" masaya niyang sambit sa akin.

John: "Hindi pa e, heto nga natataranta akong magreview dito." sambit ko sa'kanya na busy ako.

Lucy: "Ha?! Bakit ka nagrereview?" nagulat siya kung bakit may review.

John: "Anong ha? Hindi mo ba alam?" balik tanong ko sa'kanya.

Lucy: "Hindi eh ano ba yon?" habang nagpapatuyo ng kanyang buhok gamit ang tuwalya.

John: "Minove ni sir Dom yong examinations tomorrow kaya magreview ka na din." sagot ko.

Lucy: "Whaat?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" nanlaki ang kanyang mga mata.

John: "Yong pinaphotocopy kanina, iyon ang reviewer. Osha na sige bestfriend i'll call you back later bye." pinatayan ko na siya ng call.

Kasi i have to focus mag-aral or else hindi na naman kami matatapos magkwentuhan.

John: "Hays mali na naman yung methods" sabay crumple ko sa scratch at itinira sa basurahan pero sablay.

Kaya pinulot ko yon at nang akin na itatapon ay bigla ko nalang naisip yung moment namin ni Anne.

John: (Napakaweird ng mga nangyare) atsaka doon ko naisip buksan yong crumple paper na aking napulot.

Bumalik ako sa lamesa ko at inilapat yong crumple paper.

Sa nilalaman ng papel, isa pala itong confession letter na punit yung bahaging itaas.

Confession letter

"Aaminin ko.. crush kita simula pa first year college.. ikaw ang first and last crush ko pero naiinis ako sa dinami-rami ng lalaki sa mundo ikaw pa nagustuhan ng puso ko at araw-araw nasasaktan ako dahil sa hindi mo mapansin na gusto kita..."

John: "Grabe naman, kawawa si Anne kaya siguro siya palaging mag-isa at tahimik." ang naging reaksyon ko sa aking nabasa.

John: "Nireject siguro siya nung lalaki na yon? Pero hindi pa rin tama ang ginawa niya at nanakit siya ng feelings ng babae." nanggigigil kong salita at sa palagay ko ay kailangan ko siya makausap.

Makalipas ang gabi na yon, ang unang araw ng exam.

John point of view.

sir Dom: "Pambihira late ka na naman John?!Okay everyone you have thirty minutes left." dismayadong sagot niya sakin habang tinitignan ang kanyang relo.

Si sir Dominic Amante a.k.a sir DOM nga pala, ang math professor namin, naka-crew cut na gupit at medyo maputi na ang buhok, mayroon din siyang bigote na kahawig kay Tony Stark, kayumanggi ang kulay ng kanyang balat at mabalbon ang kanyang braso, 5'7 ang height niya at kahit may edad na ay matipuno pa din pangangatawan. Matagal na sa paaralan si sir Dom bilang mathematics professor at isa na din siya sa mga board directors ng paaralan. Ang kanyang katalinuhan ay nag-ambag ng malaki sa amin mga estudyante, at dahil sa'kanya ay higit na naiintindihan ng nakararami ang mga methods sa pagsosolve.

John: "Sir wait mag-uumpisa pa lang ako." sagot ko sa'kanya habang nagmamadaling isulat ang pangalan.

sir Dom: "Late papers will not be accepted!" bilin niya sa lahat ng hindi pa tapos mag-exam.

Habang binabasa ang bawat tanong sa exam, natuwa ako at napangiti.

John: (Swerte ko yong mga nkalagay sa exam e mga napag-aralan ko hahaha.) halakhak ko sa aking kaisipan.

Makalipas ang ilang minuto habang nagkakandarapa ang iba sa pagsagot sa exam, napatayo ako.

John: "Sir, i'm done!" pagmamalaking sagot na natapos ko ang exam at mabilis ko yon ipinasa kay sir Dom.

Bago pa man ako makalabas ng pintuan ay narinig ko ang boses ni Lucy. Hindi pa pala siya natatapos kaya naman mula sa bintana, nagsesenyasan kami ng mga tanong at sagot.

Kinindatan niya ako nang matapos na niya sagutan lahat e sabay na akong naglakad papunta boulevard.

Doon, nakita ko si Anne nakaupo lang sa tabi at aking kinausap.

Lucy point of view.

Lucy: (Hay nako maraming salamat talaga John nasagot ko ang lahat ng dahil sayo.) pabulong ko sa aking kaisipan habang naglalakad ako papunta sa desk ni sir Dom para ipasa ang exam paper.

sir Dom: "Ehem, Lucy go back here." at kinabahan ako bigla.

Lucy: "Uhm yes sir?" pagtatanong ko sa'kanya na halos mamawis ako ng malamig.

Lucy: (OMG! nahuli niya ata ako nagchecheat kami ni John..) dinig na dinig ko ang pagtibok ng aking puso sa sobrang kaba.

sir Dom: "Nakalimutan mong isulat ang pangalan mo dito, paano kita i-gagrado niyan pag perfect ka?" at nakuha niya pa magbiro.

Lucy: "Ah.. Ahahaha oo nga pala sorry sir, sorry po nakalimutan lang ilagay hehe." solid ka sir Dom akala ko talaga mamamatay na ako sa sobrang hiya.

Pagkatapos ng iyon ay mabilis akong nagtungo sa labas para habulin si John para magpasalamat at ibalik sa'kanya yung panyo pinahiram niya sa akin.

Lucy: "John! salamaaa.." at napatigil ako sa aking nasaksihan.

Buhat buhat na niya si Anne na patakbo papunta clinic habang ako naiwan nakatulala sa ere.

John point of view.

John: "Hi Anne, tapos ka na mag exam?" tanong ko sa'kanya.

Anne: "Oo! Ang dali lang kaya." pagmamalaki niyang sagot at pinaupo niya ako sa'kanyang tabi.

John: "Yon ooh! Sorry nga pala kahapon nadumihan ko ang kamay mo." matapat kong paghingi ng tawad sa'kanya.

Anne: "Ayos lang yon ano ka ba?" nakangiti niyang tugon.

John: "Ah oo nga pala may nahulog ka kahapon. Heto (crumple paper) uhm hindi ko binasa yan ha baka kase personal." pagsisinungaling ko sa'kanya at mabilis niyang hinablot yon sa akin.

Anne: "Sure ka hindi mo binasa?" nanlaki ang kanyang mga mata at ako ay umiling lang sa'kanya.

Tumayo siya at kanyang binulsa ang crumple paper.

Anne: "Wow buti na lang." para bang ang laking ginhawa sa pakiramdam niya yon.

John: "Wag kang mag-alala hindi ako ganon, uhm tara? Kain tayo? My treat." pag-aaya ko sa kanyang kumain at tumayo na din ako.

At nasabi ko sa aking isipan na (Gusto lang kitang icheer-up kasi feeling ko masakit talaga yung dinadamdam mo).

Anne: "No thank you John, ikaw na lang busog pa ako." hinawakan niya ang kanyang tiyan at bigla na lang siya nagcollapse sa aking harapan.

Buti na lang ay nagawa ko siyang masalo at hindi nabagok ang ulo sa semento. Binuhat ko siya at mabilis na dinala sa school clinic.

End of Chapter 03: Confession Letter
~ Ano kaya ang nangyari kay Anne? At sino kaya ang taong nasa likod ng kanyang confession letter? Maibalik pa kaya ni Lucy ang panyo kay John?
Abangan 🤭

Crazy Love Thing I: a mystery unfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon