Chapter 07: Thunder Kiss

189 66 76
                                    

ma'am Lexi point of view.

At faculty room.

ma'am Lexi: "Pretty me, akalain mo yayain niya pala ako magdinner ikaw talaga sir Dom." sambit ko sa salamin habang nagsusuot ng aking hikaw.

Buzz.. buzz.. buzz.. (phone message)

sir Dom: ma'am Lexi, meet us at Kuroma Japanese Restaurant sa central part. See you there ingats

ma'am Lexi: (See you there love..) sabay kiligmuch habang binubura yung nilagay kong message at pinalitan ng "Okay see you too ingats din :)" at nagpabango na ako bago pa man umalis ng faculty room.

Nakasalubong ko sa alley ang school janitor na nag-momop ng sahig.

Paul: "Ma'am magandang gabi po, woow ang ganda niyo naman ma'am saan po lakad niyo?" papuri nito sa pagbati niya sa akin.

ma'am Lexi: "Magandang gabi din wala may date lang." habang naglalakad ng dahan-dahan.

Si Paul Diaz a.k.a PAUL nga pala, ang school janitor namin dito sa campus. Napakabait na kuya nitong si Paul dahil kahit lagpas sa working hours 'e talagang napakasipag niya at hindi niya iniiwan magulo at makalat. Mas maasahan mo pa nga si Paul sa mga emergency bagay katulad ng may naiwan kang nakasaksak na charger ay aalisin niya ito at iiwan sa la mesa mo. Dati na siya naging mag-aaral dito hanggang third year college, at namasukan bilang janitor sa hirap ng buhay. Ilalapit ko nga kay miss Simbulan na sana mapromote na siya bilang gwardiya ng campus dahil deserve niya talaga ang promotion na yon. Since criminology din ang kanyang kursong naiwan, medyo related naman ito.

Paul: "Naku sana all na lang po ma'am." tila ba naiinggit din.

ma'am Lexi: "Paul ikaw na bahala dyan mauna na ako sayo, eto yung susi sa faculty." sabay bato ko at kanyang nasalo naman.

Paul: "Ma'am wala magpapaalam po ako na wala ako sa biyernes, birthday ko po kasi." pangiti-ngiti niyang pagpapaalam.

ma'am Lexi: "Ah ganoon ba? Edi happy birthday sige sabihin ko na lang kay principal bukas." sabay naglakad na ako patungo sa hagdan pababa.

Paul: "Salamat po ma'am ingat po kayo." masaya niyang pagpapasalamat habang sayaw sayaw pa sa pagmomop ng sahig.

ma'am Lexi: "Ikaw din dyan ha pakamop mo na lang dyan sa alley saka sa banyo mapanghi kasi." at hindi ko na siya narinig sumagot sa pagbaba ko ng hagdan.

Sumakay ako sa honda Civic kong sasakyan at pinainit na ang makina bago ako nagmaneho papuntang central.

Sa aking pagmamaneho ay napansin ko ang isang police operation malapit lang doon sa meet-up place pero hindi ko na pinansin yon dahil tumatawag na sa cellphone si sir Dom.

Sa pagmamadali ko ay hindi ko na nasagot ang tawag at pumasok na sa loob ng restaurant.

At Kuroma japanese restaurant.

Nakita ko si sir Dom na nakapwesto malapit sa isang bintana at kinawayan niya ako na doon siya.

ma'am Lexi: "Good evening sir Dom." bati ko sa'kanya.

sir Dom: "Good evening din ma'am ehem ang ganda mo naman nakadress ka pa." tila ba napalunok siya ng laway sa kanyang nasaksihan.

ma'am Lexi: "Syempre its a date right?" sabay akong naupo at nagcross legs.

sir Dom: "Uhm actually.." naputol niyang salita nang sumingit agad sa pagsasalita si miss.. si miss.. si miss Simbulan?

miss Simbulan: "Nandito kayo dahil pinatawag ko kayo for a something urgent." habang nakatitig sa mga mata kong nagmistulang nanlamig din ang aking katawan.

Crazy Love Thing I: a mystery unfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon