Ang kwento ay nagsimula sa panahon ng ika-dalawang taon sa kolehiyo, taong 2006.
John point of view.
Ako nga pala si John Alfredo Yañez a.k.a JOHN, isang simpleng estudyante na masipag mag-aral kahit pa minsan ay tinatamad. Naka-undercut hairstyle at black ang kulay ng buhok ko, hindi gaanong kaputian ang kulay ng aking balat at may balahibo sa braso, 5'9 ang height ko at matipuno ang aking katawan, introvert din ako kaya mapag-isa. Sanay naman akong palagi na iniiwan, biro lang hehe. Mahilig pala akong magluto ng iba't ibang pagkain dahil siguro sa kapampangan namin dugo.
Pero sa isang pagkakataon, nagkaroon ako ng katabi sa klase at ang pangalan niya ay Luana Anne Lunette a.k.a ANNE, kaklase ko siya sa apat na subject na Math, Law, Arts, at Thesis. Siya ay isang nbsb (no boyfriend since birth), maikli ang kanyang buhok na parang bobcat hair style at black brown ang kulay, maputi at makinis lalo na ang kanyang legs na parang flight attendant walang peklat, singkit at kulay brown ang kanyang mga mata, 5'0 ang height niya at balingkinitan ang katawan. Sumasali siya sa mga singing contest, student council, debates at maraming pang iba. Sobrang talino niya na kahit saan mo itapat na paaralan e tiyak na mananalo siya.
Hindi ko alam bakit palagi ko siya nakakatabi sa klase at nakakagrupo ko tuwing may mga projects. Ang masasabi ko lang ay nagiging comportable ako kapag nakakasama ko siya at nakakausap.
Tahimik siya at madalas nagbabasa lang ng wattpad. Ako naman nakikinig lang ng mga kanta sa mp3 ko at nakasandal sa desk, palaging ganun ang aming ginagawa kapag vacant namin hanggang sa bago magprelim exam nagbigay ng reviewer mga professor namin at naningil ng barya para sa pagpapaphotocopy nito.
John: "Anne, hati tayo sa pambayad tig-otso tayo gusto mo?" pakalabit kong tanong sa'kanya habang nagpapawis ang mga kamay ko.
Anne: "Sige kunin mo na lang
sa bulsa ko." diretso niyang sagot sa tanong ko na para bang absent-minded at busy pa rin sa pagbabasa ng wattpad.Nagulat ako sa mga sinabi niya at kunwaring patay malisya akong nagtanong.
John: "Oo sige saan ba?" sagot ko sa'kanya.
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya sa pagitan ng kanyang hita at sinabing. "Dito kapain mo lang."
John: "Ah wala naman barya dito eh?"
nakatingin ako sa kisame habang kinakapa ito.Anne: "Ay sorry dito pala." nagulat siya at inilipat sa kabilang bulsa ang aking kamay kasabay ng pag-ngiti niya sa akin.
Nung kinukuha ko na, napapakshet ako kasi puro tig-pipiso ang nakakapa ko. Isa-isa kong kinukuha ang mga ito at kasabay nun ang pagtawa niyang hindi mapigilan. Iyon pala nakikiliti na siya.
Hindi ko sinasadya na mahulog yung isang piso sa sahig kaya dali-dali kong pinulot iyon. At sa pag-angat ng ulo ko ay nakatitig na siya sakin ng malalim na parang biglang tumahimik ang mundo ko. Kasabay nun ay ginulat kami ng kaklase namin nangongolekta at kinuha na yong barya na bayad namin.
Lea: "HOY! anong pinag-gagawa nyo dyan?" pagsindak samin ni Lea habang nangongolekta ng baryang pambayad sa photocopy.
Si Elianna Cabral a.k.a LEA nga pala, ang class president namin, maikli ang kanyang buhok kagaya ng kay Anne, hindi gaano kaputian at may kambing na tattoo sa kanyang kaliwang braso, bilugan ang mata, 5'4 ang height at palaging nakachest out. Dati, nagawa niya din hampasin ng baseball bat at bugbugin yung mga senior high school boys na naninilip sa shower room ng mga babae. Grabe, napaka-angas niya talaga at para siyang mafia kung makipag banatan sa paraan ng pagsuntok at pagsipa. Masasabi kong, siya ay kinakatakutan sa paaralan dahil walang makapigigil sa'kanya kahit ilang tao na ang umaawat.
Anne: "Ahh hehehe eto na pala yung bayad namin." pasimpleng pag-abot ni Anne sa'kanya.
John: "Oo.. ayan na yung baya..." biglang sumabat si Lea.
Lea: "Binabastos ka ba nito?! gusto mo dibdiban ko?" sabay turo sa akin.
Anne: "Huwag! hindi, pinakuha ko lang sa bulsa yung barya dahil may ginagawa ako saglit." pagdadahilan ni Anne na muntikan nako kay Lea madibdiban.
Lea: "Umayos ka.." nanlilisik na pagtingin niya sakin at napalunok ako ng aking laway.
Napangiti na lang ako habang papunta na siya sa iba namin kaklase para mangolekta ng mga barya.
John: "Ikaw kasi e." mahinang pagbulong ko kay Anne.
Anne: "Hahaha bahala ka dyan." pagtawa niyang pigil na pigil.
Sa madaling salita, hinayaan ko na siya dyan at hindi ko na rin siya kinausap pagkatapos nun.
End of Chapter 01: Touch Move !
~ Tama kaya ang ibinayad nilang barya para sa pagpapaphotocopy? Sayang muntikan na madibdiban si John 😂. Ano na kaya ang mga susunod pang-eksena? Abangan 🤭
BINABASA MO ANG
Crazy Love Thing I: a mystery unfold
Mystery / ThrillerLahat tayo naranasan natin umibig sa isang taong naging pangarap naten balang araw. Sila John at Anne, bilang magkababata at magkasintahan pinagtagpo ng panahon. Makakayanan ba nilang ipaglaban ang nasimulang pag-ibig? Mula sa nakaraan, sabay nila...