Chapter 08: Pizza Hugs

189 62 79
                                    

John point of view.

At Law class.

Ang sungit ni ma'am hays may dalaw ata, maingay kasi ang nasa harap namin.

ma'am Lexi: "Article 1206 section 3... Sige alam niyo na gagawin 'di ba?! Daldal kayo ng daldal! Sige bibigyan ko kayo ng homework write whole article 1207-1260, no more questions! Lea and Ella to my office! NOW!" sigaw na ma'am na halos labas na ang ugat sa'kanyang leeg at pulang pula ang mukha nito.

Anne: "Hala grabi si ma'am." bulong niya sakin.

John: "Oo nga papaano na 'to, hays ang bobo ko pa naman sa Law." sagot ko sa'kanya at medyo nagpapanic na ako.

Anne: "Wag ka mag-alala this time ako naman ang bahala, okay mag banyo lang ako John." pangiti niyang sagot sa akin na parang alam na niya kaagad yung solusyon.

John: "Sige pakajebs mo Anne!" sigaw ko.

Anne: "Che! Manahimik ka nga ingay mo!" sagot niya na parang nahiya nung sinabi kong natatae siya.

John: (Ah nagugutom na ako) sambit ko sa aking sarili dahil naririnig ko na ang pagkulo ng tiyan ko.

Bigla naman akong kinalabit ni Lucy sa aking balikat mula sa likuran.

Lucy: "Hi John." maligayang pagbati niya na para bang nasa good mood siya.

John: "Ikaw pala Lucy, kumusta? napaano sila Lea at Ella?" tanong ko sa'kanya dahil alam niyo naman hindi natin alam ang nangyari.

Lucy: "Ssshh.. Mayroon daw kasi nagsumbong kay ma'am Lexi na may leakage ng answer keys daw during exams." bulong niya at aking ikinagulat.

John: "Grabi, so sila Lea at Ella ang may gawa?" muli kong tanong.

Lucy: "Siguro? Ewan ko, narinig ko lang kasi sa kanila nung nagdadaldalan silang dalawa. Hindi kaya nahuli din tayo ni sir Dom nung binibigyan mo ako ng sag.. Hmm?!" suspetsa niya at mabilis ko naman tinakpan ang kanyang bibig.

John: "Ang ingay mo, wala hindi nila alam 'yon at saka senyasan lang naman ginawa natin at wala naman tayong answer key na hawak." pagbibigay linaw ko sa'kanya para hindi na siya kabahan.

Lucy: "Uhm John.." sabay titig niya sa aking mga mata.

At biglang kumulo tiyan ko, nagugutom na talaga ako.

Lucy: "Ito oh (lunchbox) ginawa ko 'to para sayo." pag-aalok niya habang kagat kagat niya ang kanyang labi.

John: "Ah.. sa.. salamat? Lucy?" wala akong nagawa kundi tanggapin 'yong alok niyang lunchbox dahil alam ko naman na pinaghirapan niya gawin 'yon para sa akin.

Lucy: "You're always welcome John pakabusog ka, see you." saktong pag-alis niya saka naman bumalik si Anne galing banyo.

Anne: "Ahh success! amoyin mo ang baho." sabay tapat niya ng palad niya sa ilong ko.

John: "Waaah! Ambaho, kadiri ka Anne dyan ka na nga." sabay alis na ako dahil nagring na ang bell para maglunch break.

Lea point of view.

At faculty room.

Bago pa man kami nakapasok sa faculty room, todo-todo na ang pagsosorry namin mangiyakngiyak pa dahil bakas na bakas sa pagmumukha nitong si ma'am ang galit na galit na parang sasabog na bulkan sa tindi ng pressure.

Lea & Ella: "Ma'am sorry po hindi na po mauulit." mangiyakngiyak namin pagsosorry kay ma'am hanggang makarating kami sa table niya.

ma'am Lexi: "Do you have any idea kung gaano kayo kabastos sa harapan ko while i'm discussing the lessons?!" galit niyang patanong sa amin na nanlilisik ang kanyang mga mata.

Crazy Love Thing I: a mystery unfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon