Lucy point of view.
At wendel's burger.
Sabay sabay kaming nagsipag-order ng aming mga kanya kanya pagkain. Ang order ko naman ay isang combo meal na ang laman ay isang cheese burger with double patty, medium cheese fries, apat na bite size chicken nuggets at isang medium coke float.
Lucy: (Grabe! ang sarap hmmm..) sambit ko sa aking isip habang kumakain ng payapa.
Lea: "Mukhang hindi ka nag almusal kanina ah? Eto mashed potato, sayo na lang busog na din kasi ako." iniabot niya yon sa akin ng bukang loob sa'kanya.
Lucy: "Maraming salamat Lea, oo hindi nga sa pagmamadali ko dahil late na ako." sagot ko habang nilalantakan ko yung ice cream sa float.
Ella: "Alam mo Lucy dapat kasi never skip breakfast kasi magcollapse ka katulad ni Anne kanina." pagsingit niya sa usapan.
Si Louella Pasamonte a.k.a ELLA nga pala, ang vice president namin sa klase, mahaba ang kanyang buhok at orange ang kulay, maputi at marami pekas sa mukha, palagi din siya naka eye contact lens, 5'3 ang height niya at medyo chubby. Kabaliktaran siya niya si Lea dahil sa sobrang kabaitan neto at mahaba ang pasensya. Kilala din siya bilang tita lola sa campus dahil sa pagkahilig din niya manamit ng makaluma at pag-usapan ang mga bagay na nostalgic sa past.
Lucy: "Ella.." sambit ko sa'kanya sa aking pag nguya.
Ella: "Ehem call me tita lola." pag-eellaborate niya.
Lucy: "Tita lola i think i have a heart problem." sambit ko.
Lea: "HA?! may sakit ka sa puso?!" nagulangtang si Lea sa kanyang narinig.
Hinampas ni Ella ng bahagya si Lea gamit ang pamaypay.
Ella: "Tukmol ka talaga Lea, i think pag-ibig ata ang yong problema, tama ba?" diretso niyang pagtingin sa akin.
Lucy: "Parang iniiwasan na niya kasi ako." malungkot kong tugon habang nakatitig sa coke float.
Ella: "Naku, sinasabi ko na nga ba. Si John ba yan tinutukoy mo?" pagdidirekta niya sa aking punto.
Lea: "Malilintikan talaga sa akin yang kumag na yan e." sabay tayo habang ngumunguya pa ng burger.
Ella: "Maupo ka dyan! Hayaan natin magkwento itong si Lucy kung ano ang nangyari?" at naupo muli si Lea habang tuloy sa pagkain.
Ella: "Sige ikwento mo na yan." para bang nakapokus na silang dalawa sa akin.
Lucy: "Paano kasi tita lola, hindi ko na alam papaano siya kakausapin kasi hindi naman talaga siya ganito simula nung dumating yung Anne na yan." giit ko sa kanila at hindi ko na napigilan ang sarili ko maging emosyonal.
Ella: "Naku hindi magandang pangitain ito." sabay nitong pinabuka ang pamaypay niyang bulaklakin.
Lea: "Hindi talaga dahil didibdiban ko na yan si John." gigil na gigil niyang reaksyon habang nanggagalaiti sa galit.
Ella: "Awat! Lucy huwag kang mabibigla sa sasabihin ko sayo." babala niya na para bang nabunutan ako ng tinik sa aking likuran.
Lucy: "Ano 'yun tita lola?" manginignginig kong pagsagot.
Ella: "Sa aking palagay e, nasa sitwasyon ka ng love triangle." pabagsak niya pinalo ang la mesa gamit ang pamaypay na para bang nag echo sa aking tenga.
Lea: "Timer talaga 'yan sinasabi ko na e, nung una pa lang duda na ako dyan sa John na 'yan." dagdag pa niya na halos umusok na ang kanyang ilong.
BINABASA MO ANG
Crazy Love Thing I: a mystery unfold
Mystery / ThrillerLahat tayo naranasan natin umibig sa isang taong naging pangarap naten balang araw. Sila John at Anne, bilang magkababata at magkasintahan pinagtagpo ng panahon. Makakayanan ba nilang ipaglaban ang nasimulang pag-ibig? Mula sa nakaraan, sabay nila...