Chapter 04: Watch Over Her

316 96 116
                                    

John point of view.

Binuhat ko siya at itinakbo sa school clinic.

John: (Grabe pala lakas ko at nagawa ko siyang mabuhat haha.) pabiro kong wika sa aking kaisipan.

Naabutan ko ang school clinic doctor sa loob at mabilis niya kami inasikaso. Hiniga ko si Anne sa clinic bed habang chinecheck siya ni dr. Alvarez.

Si dr. Ronald Alvarez a.k.a dr. ALVAREZ nga pala, ang school clinic doctor sa campus, kulot ang kanyang buhok at nakasuot ng may gradong salamin, mabalbon ang kanyang braso at binti, hindi rin masyado kaputian katulad ko, 5'4 ang height niya katulad kay Lucy, palagi din naka-chest in kaya medyo kuba ang posture niya. Bago lang siya na-assign dito at hindi pa nakaka-isang taon, kaya naman wala akong masyado alam tungkol sa'kanya. At mukha naman siya mabait at approachable.

John: "Doc how was it? Magigising na ba si Anne?" pag-aalala kong tanong.

dr. Alvarez: "Okay na siya, uhm ikaw ba ang kaklase niya?" sabay tingin sa akin ng kaduda duda.

John: "Yes, uhm John po pala thanks doc buti na lang ay okay na siya." nakahinga din akong maluwag.

dr. Alvarez: "Let her rest hanggang makarecover muna siya." mahigpit na bilin niya sa akin.

John: "Yes doc hindi ako mag-iingay para makapagpahinga siya." sagot ko sa'kanya.

dr. Alvarez: "At saka bigay mo na lang sa'kanya itong lugaw. I'm sure hindi p siya kumain." iniabot niya ang mainit na lugaw kasabay ng pagtunog ng kanyang cellphone.

John: "Opo doc dito lang ako hanggang sa magising na siya at pakakainin ko na lang din siya mamaya." sagot ko at siya ay lumabas para sagutin ang tawag.

Sa aking pagbabantay, nabaling ang atensyon ko sa nakakunot niyang noo kaya naman dahan dahan ko yon minasahe pababa para mawala.

At narealize ko na ang cute niya pala kapag natutulog na parang isang sanggol. Inayos ko din yung kumot para macover ang kanyang balikat.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, nanaginip pala siya at nagsasalita.

Anne: "Wag mo akong iwan.. Pakiusap.." sambit niya sa'kanyang pagtulog.

John: "Huy! tama na nanaginip ka." paggising ko sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.

Minulat niya ang kanyang mga mata, gumising sa pagkakatulog at napaupo.

Anne: "Aahh.. Ang tiyan ko aray.. nasaan ba ako?" tanong niya.

John: "Heaven.. Hindi joke lang nagcollapse ka kanina kaya kita dinala dito." pabiro ko pang sabi sa'kanya.

Anne: "Haa?! Naku sorry John araaayyy! Ang sakit ng tiyan ko." pabigla niyang tugon sabay hawak sa kanyang tiyan.

John: "Umupo ka, may gamot ako dyan heto (lugaw) sige na kain ka na." pinakita ko yung lugaw at yung kutsara.

Anne: "Ayoko niyan." pagtanggi niya.

John: "Sige na susubuan kita please kumain ka na para mawala na yong sakit ng tiyan mo." pagmamakaawang kahit ako na yong nagmamalasakit sa'kanya.

Pagkatapos ay pumayag siyang kumain habang sinusubuan ko.

Hindi nagtagal e, nagkwentuhan, nagtawanan at pinag-usapan namin yung mga paborito sa aming buhay.

Anne: "Tama na yan, ubusin mo na yang tira ko busog na din ako." tugon niya habang umiinom ng tubig.

John: "Sige, ok ka na ba talaga?" tanong ko.

Crazy Love Thing I: a mystery unfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon