"Kuya sa tabi lang po," sigaw ko.
Kaagad tumigil ang trycicle sa harap ng gate ng school ko. Mabilis akong tumayo at nag-abot ng 100 pesos.
"Naku hija wala ka bang bente lang kase wala akong panukli jan."
Napakamot ng ulo ang trycicle driver at ayaw tanggapin ang bayad ko.
"Pero kuya, yan lang kase ang dala kong pera!" angal ko.
Umiling si manong drayber at pilit akong pinapahanap ng barya. Nakakaasar naman oh, malalate na ako. Konti nalang at mahahambalos ko tong si kuya.
"Manong, here po."
May kamay na nag-abot ng bayad kay kuya. Mahaba at payat ang mga daliri. Malinis din ang kamay at maputi ang balat. Kahit ang kuko ay malinis tingnan, mas malinis pa ata sa kuko ng babaeng katulad ko. Sinundan ko ng tingin ang kamay at inilagay ito sa bulsa.
Pag-angat ko ng ulo ko ay umayos ako ng tayo. Inayos ko ang palda ko na medyo nagusot sa pag-upo ko kanina.
"Hi," ngumiti ako ng konti.
He rolled his eyes.
Aba! Bastos to ah!
"Next time pag sasakay ka ng trycicle siguraduhin mong may barya ka. Tingin mo sa ganito kaaga may panukli si Kuya sa isang daan mo."
Nakapamulsa siyang naglakad paalis sa harapan ko. Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya.
"HOY ZION!" sigaw ko.
Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon. Prente lang siyang nakatayo at tila naghihintay sa sasabihin ko.
"Akala mo naman kung sino ka! Don't worry babayaran ko yang bente mo!"
Nagsisigaw ako don sa gate habang nakapamewang. Habang siya ay nagpatuloy sa paglalakad na parang walang naririnig.
"Kahit kailan talaga napaka-ekandalosa mo Dylinne. "
Sumulpot sa tabi ko ang tatlong kaibigan ko. Yung isa ay umakbay pa sa akin at bumulong sa tenga ko.
"Oh kalma..baby kalma," humagikhik ito sa tabi ko.
"Haha! Paano kakalma yan ih umagang-umaga kaaway niya si Zion."
Sabay silang tumawa at hinila ako papasok. Nagpumiglas pa ako pero anong laban ko sa tatlo.
May tatlo akong kaibigan, una ay si Ann. Pareho kaming medyo kinulang sa height pero sumubra sa ganda. Ang dancer sa buong barkada. Mahaba ang buhok at mahilig mag-ayos. Maputi at makinis ang balat.
Ang umakbay sa akin ay si Kiell, siya ang oldest sa aming apat. Morena at medyo kulot ang buhok pero hindi mo gaanong mapapansin dahil lagi itong nakatali. Boyish and kinda flirty, lahat naman kami pero iba ang galawan niya sa amin. Pati kapwa babae ay pinapatulan. Mahilig siyang kumolekta ng books.
Ang panghuli ay si Cevi, ang nonchalant nh grupo. Kadalasan ay tahimik lang siya sa tabi. Kung si Kiell ay wattpader, itong isa naman ay adik sa anime. Maputi at makinis ang balat. Malapusa ang mga mata sa ganda. Matangos ang ilong at natural na mapula ang labi.
Habang ako ay maganda, wala maganda talaga ih.
Mahaba ang buhok ko hanggang bewang pero medyo kulot ang dulo. Maputi ang balat ko dahil hindi talaga ako mahilig lumabas ng bahay. Ang napapansin talaga ng lahat sa akin ay ang brown kong mata. Minsan ay tumutulala sila sa kagandahan ko.
Kahit magkakaiba ang ugali naming apat ay isa lang ang nagbubuklod sa amin.
Wattpad...
"Oh anyare sa mukha mo?" ani Cevi.
Kasalukuyan kaming nasa canteen at nakapila. Kaming dalawa ni Cevi ang magkasama dahil masyadong makupad ang dalawa. Iniwan namin sila sa labas dahil nagtatalo pa ang dalawa kong sino ang bibili ng recess nila. Kung hihintayin naming matapos ang dalawa ay matatapos na ang recess ay hindi parin sila tapos.
"Nakakaasar kase!'' sagot ko.
"Ano ba ang problema mo kay Zion? Tinulungan ka nga niya kanina pero galit ka pa!"
Pinandilatan ko ng mata si Cevi. Natatawa niya itinaas ang dalawang kamay niya.
"He's just.. annoying."
Umayos ako ng tayo ang nagsimulang pumili ng pagkain na gusto ko. Nakatayo sa gilid ko si Cevi at nauna ng bumili.
"Or maybe you still like him."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Simple itong ngumiti at naunang lumabas ng canteen.Nanatili akong nakatayo roon at pinagmasdan siyang lumabas sa pintuan.
A memory flash on my head...
Napakagat ako ng labi at hinintay ang resulta ng votings.
"Hawak ko na sa kamay ko ang resulta," anang teacher sa harap namin.
Tumakbo ako sa position na SSLG President, last year ay secretary ako ngayon Grade 12 ako ay naengganyo akong tumakbo sa pinkamataas ng posisyon dito sa school.
May umupo sa tabi ko.
Hindi ko lang ito pinansin dahil inaabangan ko ang resulta."Handa ka na bang matalo?" bulong neto.
"I hate you! Ang sabi mo hindi ka tatakbo this year," bulong ko pabalik
I heard him chuckle.
"I had no choice, marami opportunities na makukuha ko sa college kapag gumraduate ako as SSLG President."
Hindi ko siya pinansin. He tapped my shoulder. He even hold my hand but I ignore him.
"Please wag ka ng magalit," ramdam ko ang paawa sa boses niya.
Hinarap ko ito..
"Then back out!"
He shake his head.
"I can't, I'm so sorry."
Tumango ako at muling tumingin sa harapan. Mas Importante pala talaga sa kaniya ang position na ito.
"If you win, you'll lose me."
Natahimik ito sa tabi ko.
"Our SSLG President, Stell Zion Villanova."
I look away and try to hold my tears.
He's standing in front of me with a huge smile on his face. Ni hindi dumapo ang tingin niya sa akin. He doesn't even care about my feelings.
YOU ARE READING
The SSLG President and The Publication Queen
Teen FictionThis story is all about two person who really hate each other. Tingin nila sa lahat ng bagay ay paligsahan. Katulad ng ibang kwento ng nagsimula sa away na nauwi sa pagmamahalan. Pero hindi lang ito basta 'enemies to lovers' love story. Kung nais m...