Kabanata 7

5 0 0
                                    

Nang tumunog ang bell ay walang pagpapaalam na umalis si Cevi sa upuan niya.

"Bye guys, una na kami," paalam ni Ann at tumakbo para sundan si Cevi.

"Haaysst kase naman ih," ani ko.

Dinapuan ko ng galit na tingin ni Kiell.

"What?"

"Magsorry ka kay Cevi, " utos ko.

"Why would I?"

Parang wala siyang narinig at isinukbit lang ang sling bag sa balikat niya.

"Tara na Mick. Dala ko ang motor ko kaya sumabay ka na sa akin." Sumulpot sa tabi namin si Brix.

"Ugh.. sige na nga at tinatamad akong makipag talo sayo," walang ganang sabi ni Kiell.

Napapansin ko na netong mga nakaraang araw na nagbabago na ang trato ng kaibigan ko kay Brix. Bihira na kung awayin o singhalan niya ito. Minsan nga ay nahuli ko pa na sabay silang naglunch.
Kapag umaga ay nakikisakay na siya sa motor ni Brix. Hindi na nga ako dinadaanan sa bahay.

"Una na kami, Dylinne." Bumeso pa si Kiell bago naglakad paalis.

Nang balingan ko ng tingin ni Brix ay tipid siyang ngumiti. Tinapik niya ang balikat ko at saka naglakad palabas.
Naroon na si Kiell sa labas at hinihintay siya.

Sinundan ko lamang sila ng tingin habang nawawala ang mga ito sa paningin ko.

Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong classroom. Ako nalang kase ang natitirang tao dito.
Nagpakawala ako ng buntong hininga at dinampot ang bag ko.

Tama nga ang sinasabi nila, kahit gaano pa kayo kalapit sa isa't isa ng mga kaibigan mo ay darating ang araw na kailangan ka nilang iwanan. Hindi naman sa ginagawa kong big deal ang iwanan nila akong mag-isa dito. Nakakatampo lang kase talaga. Kung si Ann at Cevi ay wala akong problema dahil sanay naman ako na nauuna silang umuwi. Pero kay Kiell.... kahit kailan hindi niya ako iniwanan. Lagi niya akong hinihintay pagdating ng uwian. Kahit may nga girlfriend o boyfriend siya noon ay mas inuuna niya akong samahan.

Noon ay hiling ko talaga na magkasundo sila ni Brix. Kahit hindi sila magkadugo ay gusto niyang ituring ito na kapatid. Magkasama sila sa iisang bahay kaya mas maigi kapag magkasundo sila.

Pero bakit masama ang loob ko ngayon. Malapit na nga sila pero nawawala na sa akin ang kaibigan ko.

MAG-ISA akong naglakad sa pasilyo ng school. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Bawat silid aralan ay wala ng tao. Alas-sais ng gabi natatapos ang klase ng senior high school kaya hindi na ako nagtaka kung bakit wala ng tao.

Ngunit naagaw ng atensyon ko isang pamilyar na boses.
Sumilip ako sa maliit na siwang ng principal's office.

Ang papa ni Kiell at si Zion ay nag-uusap sa loob. Lumapit pa ako ng kaunti para madinig ko sila ng maayos.

"Maraming salamat po sa tiwala, Mr. Gauran." He said.

"You know how much I trust you, Zion." Malalim ang boses ni tito.

"Salamat po,"ani Zion.

"Please take good care of her while I'm away for my seminar."

"Yes po," tumango siya.

Hindi ko napigilan ang mapatanong sa sarili.

Bakit kaya magbibilin ng ganun si tito?

Ganun ba talaga siya ka concern sa anak niya kaya pati sa SSLG President ay ibinilin pa?!

Umayos ako ng tayo at naglakad nang muli.

"Why are you still here?"

Pumitlag ako ng biglaang sumulpot sa tabi ko si Zion.

The SSLG President and The Publication QueenWhere stories live. Discover now