Kabanata 1

14 0 0
                                    

Tahimik ang buong paligid at tanging maririnig mo lang ay bigat ng paghinga ng mga kasama ko. Nagkalat sa lamesa ang iilang nilukot na mga papel.

Kasalukuyan akong nasa journalism.  Mahilig din talaga akong magsulat ng tula o kaya ay stories.

"Aish.."

Isang lukot na papel ulit ang dumagdag sa harapan ko. Ang nag-iisa at tanging dahilan non ay walang iba kundi itong si Kiell. Kanina pa siya naglulukot ng papel.

Pinulot ko ang papel na kakalapag palang niya. Kumunot ang noo ko habang binabasa ko iyon.

I tapped her shoulder.

"Hmm," aniya't seryosong nagsusulat.

"Maganda naman itong gawa mo ah."

"Psh," she rolled her eyes.
"Bakit pa kase sa dinami-dami ng topic, same-sex-marriage!"

Natawa ako sa naging sagot niya. Siguro ay brokenhearted to ngayon. Usually kase kapag usapang same-sex ay nakangiti pa siya sa ganung topic, pero ngayon ay iba ang mood niya.

"Bakit nag-away kayo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Shut up!"

Humalakhak ako at nagpatuloy sa pagsusulat. Wala akong experience sa mga ganitong topic pero kaya ko naman ang magsulat tungkol dito. Hindi rin kase ako bago sa ganito dahil marami akong kilala na involved sa ganitong usapan. Kabilang na nga ang katabi kong kanina pa kunot ang noo.

Ayon sa kaniya, lagi na lang daw siyang bigo pagdating sa lalaki kaya sinubukan niya sa babae.  Pero ang lagay ih pareho lang ang bagsak.

"Okay pass your work."

Inilahad ko ang kamay ko kay Kiell.
Nakasimangot niyang iniabot ang sinulat niya. Natatawa akong naglakad papunta sa harapan at ipinasa ang gawa namin.

Binasa ito saglit ng teacher bago ako nilingon.

"Maganda talaga pag ikaw ang gumawa," anang teacher.

"Thank you po," nakangiti kong sagot.

"So interested ka na ba sa position sa publication na ino-offer ko?"

"Po," nawalan ako ng salitang isasagot.

Matagal ng ino-offer sa akin ang Editor-in-Chief na position sa school publication. Hindi ko ito tinanggap dahil may interes ako sa SSLG. Pero kahit ngayon na natalo ako sa election ay alanganin parin ako.

"Naku girl tanggapin mo na!" ani Anna.

Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch dito sa bench. Mainit sa classroom kaya dito namin napiling tumambay.

"Nahh! Wag niyo pilitin kung ayaw," inikot ni Kiell ang mata niya at tila inis na inis.

Tinitigan siya ng masama ni Anna.

"Ano bang problema mo Mickiella!"

At nagsimula ulit silang magtalong dalawa. Napapailing lang si Cevi habang sumusubo ng pagkain. Wala rin kaseng mangyayari kapag sinaway namin ang dalawa. Parehas silang may pinaglalaban at walang gustong magpatalo.

"Tapos kana?" tanong ko kay Cevi.

Tumango ito at niligpit ang pinagkain. Si Anna kase ay hindi nagbabaon ganun din si Kiell.

Sumenyas ako kay Cevi at tumango ito at nakuha ang gusto kong iparating.
Tumayo ito at kinaladkad si Anna paalis. Wala na rin itong nagawa ng hilain siya ni Cevi dahil kahit payat ito ay mas malakas kesa sa kaniya.

Napabuntong hininga si Kiell at umupo ng maayos. Kung kanina ay sobrang ingay niya, ngayon ay tulala ito sa kawalan.

"Ayos ka lang?"

The SSLG President and The Publication QueenWhere stories live. Discover now