Kabanata 4

10 0 0
                                    

Sports fest day!!

Halos takbuhin ko na ang daanan papunta ng school publication room. May announcements si Ma'am Alejar bago kami lumabas para simulan ang trabaho namin.

"Sorry, I'm late!" Iyon agad ang sinabi ko. Laglag panga ako dahil naabutan kong walang tao dito.

"Hala! Asaan sila," bulong ko.

"Kanina pa sila tapos."

"Ay! Pusang kinalbo!" sigaw ko.

Isang malakas na halakhak ang nadinig ko mula sa likod.

"Sinasabi ko na nga ba!" singhal ko. Tinuro ko pa siya ng pagalit.

Tumigil siya kakatawa at sumeryoso ang mukha. Inalis niya ang kamay ko.

"Tss.. tinulungan na nga," aniya.

"Hindi kita kailangan." sagot ko.

Nag-martsa ako palayo sa kaniya. Sinuyod ko ang buong campus para hanapin ang mga kaibigan ko.

"Ay hala!"

"Pogi talaga!"

"Crush ko talaga yan!"

Nakuha ng mga babae sa gilid ang atensyon ko. Ang isa sa kanila ay member ng school publication. Nilapitan ko ito at kinalabit.

"Nakapagsimula kana?" ani ko.

"Uh huh," wala sa sariling sagot niya habang ang atensyon ay nasa likuran ko.

Nilingon ko naman iyon.
Nalaglag ang panga ko.

Prenteng nakapamulsa siyang nakatayo sa likuran ko. Deretso ang tingin sa akin at hindi pinapansin ang mga tao sa paligid. Kahit kanina panay kuha nila ng pictures sa kaniya.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Wag kang assumera. Inutos ni Ma'am Alejar na samahan kita." Sagot niya.

"At bakit?" Nakapamewang kong tanong.

"Uh... Dylinne," tinapik ako ng isang member. "Kanina kase sa meeting ang sabi ni Ma'am ay kailangan daw magkasama kayo. Kase pareho kayong president at kayo ang naatasan na mag-organized at magbantay buong school fest."

SALUBONG ang kilay ko habang naglalakad sa campus.
Yakap ko ang isang notepad.

*click*

Nilingon ko kung saan nanggaling iyon.

Mula sa malayo ay tanaw ko si Cevi habang nakangisi hawak ang camera. Si Ann at nasa tabi niya pero busy kakacheer sa basketball. Siniko niya pa ito at tinuro ako.

"Ayiiieee!" they teased me.

Tiningnan ko si Zion kung ano ang reaksyon niya pero parang hindi niya ito  napansin dahil nakatingin sa players.

Lumapit sa kaniya ang secretary niyang si Alison. Nawala ang atensyon ni Zion sa akin kaya lumapit ako kay Cevi at Ann.

"Ay gurl, bakit mo naman siya iniwan don sa babaeng yun?" Tila asar na tanong ni Ann.

"Duhh... moment nila yun. Ano ako don? Third wheel! Tss.."

Nagkatinginan ang dalawa.

"Nagseselos ka ano," Ann.

"Hindi ah," sagot ko.

Hindi naman talaga ako nagseselos. Paki ko ba kung mag-usap sila. SSLG officers sila kaya normal lang yan. Wala naman kong paki kung nagtatawanan sila ngayon. Duhh.. ako lang ang nakatiis sa ugaling aso ni Zion noon. Buti nga at may katulad ni Alison na dumating.  Tapos ang problema ko sa lalaking iyon.

The SSLG President and The Publication QueenWhere stories live. Discover now