Lahat kaming members ng publication ay tahimik habang naghihintay sa reaction ni Ma'am Alejar. Sa ngayon, hawak-hawak niya ang iilang papel ng mga in-approved ko para sa school newspaper.
"Shia! Katagal naman basahin," bulong ni Kiell.
"Wag ka magmura," saway ni Ann.
"Di naman ah."
Nagsimula ulit magtalo ang dalawa.
Hindi ko nalang sila pinansin at itinuon ang atensyon kay Ma'am Alejar.
Seryoso niyang binabasa ang mga gawa namin. Actually, hindi naman ako ang gumawa ng mga news at features na yun kundi ang mga members. Pero isa ako sa mapapagalitan dahil ina-approved ko yun."Okay, pwede na itong mapost sa page ng school."
Nakahinga ako ng maluwag.
"Uh.. Dylinne."
"Ma'am," lumapit ako sa kaniya.
"Mamaya," binitawan niya ang hawak niyang folder at bumaling sa akin. "Puntahan mo ang office ng SSLG, get the list of SSLG officers. We need to add them sa newspapers. "
Tumango ako.
"Yiee, makikita niya ulit si lover boy." Siniko ako ni Kiell.
"Wag mo na asarin," ani Ann. "Palibhasa kase yung sayo nakakasama mo lagi."
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Kiell.
Ang kaninang nakangiti ay napalitan ng simangot. Bigla siyang tumahimik sa tabi at tila nag-iba na ang mood.Bakit kaya biglang nag-iiba ang ekspresyon sa kaniyang mukha pag si Brix ang pinag-uusapan?
Hindi kaya totoo na ang mga biro ni Ann na meron talagang namamagitan sa magkapatid. Sana lang ay wala kase malaking kahihiyan sa pamilya nila yun.Naalala ko tuloy ang nangyari noong nakaraan.
*/FLASHBACK*/
Nakatingin lang ako sa tumatakbong si Brix. Naiwan akong nakatayo rito pagkatapos niya akong hawiin. Bigla kaseng tumakbo si Kiell na walang dahilan.
"You okay?" tanong ni Cevi at nilapitan ako. Ginantihan ko lang siya ng isang marahang tango.
"Ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa?" Bigla akong napatanong.
Cevi just shrugged her shoulders.
"We shouldn't interfere," sagot ni Cevi.
"Pero wala ka ba talagang alam Dylinne?" Ann. "I mean two of you are very closed."
I shake my head as response.
Hindi na pumasok si Kiell sa sumunod na subject. Hindi daw maganda ang pakiramdam niya kaya umuwi nalang siya.
"Bakit hindi mo sinamahan si Kiell, Brix?"
Nilapitan ko siya habang nagliligpit ito ng gamit."Malaki na yun at kaya na niya ang sarili niya." Malamig ang boses ni Brix sa kaniyang pagsagot sa akin.
"May nangyari ba?" Hindi ko maiwasan ang magtanong.
Padabog niyang isinilid ang note at marahas na isinara ang bag.
"Una na ako sayo. Ingat ka sa pag-uwi."
Isinukbit niya ang bag sa balikat at nilampasan ako. Laglag ang panga ko sa ginawa niya. Hindi ganun ang ugali ni Brix. Never siya naging masungit at cold. He's always smiling kaya labis ang pagtataka ko ng, isang nakasimangot na Brix ang nakita ko. Wala din siyang gana sa klase. Kahit nga ng nagbibiruan ang buong klase ay kahit isang ngisi ay wala.
*/END OF FLASHBACK */
"Labas na tayo?" aya ko sa tatlo. "Bili tayo ng snacks."
Nagsitanguan ang dalawa samantalang tahimik lang si Kiell.
YOU ARE READING
The SSLG President and The Publication Queen
Novela JuvenilThis story is all about two person who really hate each other. Tingin nila sa lahat ng bagay ay paligsahan. Katulad ng ibang kwento ng nagsimula sa away na nauwi sa pagmamahalan. Pero hindi lang ito basta 'enemies to lovers' love story. Kung nais m...