Kabanata 3

9 0 0
                                    


Pagpatak ng alas-kwatro ay matik ang pagdilat ng mata ko. Kasabay noon ay ang paglapag ng kamay ko sa alarm clock.
Saglit akong umupo para magdasal.

"Good morning to me."

Inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Tumayo ako para mag-inat.
Nasa isang minuto akong nakatayo roon habang nag-iinat. Nang makuntento ay pinulot ko ang tuwalya at pumasok ng banyo.
Mabilis lang akong naligo dahil wala naman akong masyadong ritwal na ginagawa sa loob.
Konting sabon, shampoo at buhos ay okay na.

Nakatapis pa ako habang naglalakad palabas ng banyo.
Nakasabit na ang uniform ko sa harap ng salamin ko kaya sinuot ko nalang.

Pagharap ko sa salamin ay kaunting suklay at pulbo lang. Hindi naman kase ako marunong magmake-up. Kahit nga paglalagay ng lipstick hindi ako marunong.

Brown ang mga mata ko. Mahaba ang itim na itim kong buhok na may kaunting kulot sa dulo. Matapos magsuklay ay pinusod ko ito. Pagkatapos ay kinuha ko na ang eye glasses. Hindi malabo ang mga mata ko. Sadyang ayaw ko lang kaseng may nakakapansin lagi sa aking eye color. Anti-radiation naman ang glasses na suot ko kaya safe.

"Good morning," masayang bati ko. Kiniss ko sa pisngi si mama at pumulot ng isang pirasong sandwich. Saka dinampot ang bag na nakalapag sa upuan.

"Lai, kumain ka muna ng agahan." Mama.

"Hindi na po. Nagmamadali ako." Muli akong humalik sa pisngi ni mama at nagpaalam.

Pagdating ko sa labas ay may trycicle na nakaabang.

"GOOD MORNING MA PREND!"

Gaya ng inaasahan ay pagmumukha ni Kiell ang makikita ko.

"Wala bang bago? Laging ikaw ang bungad ng umaga ko." Ako.

Sumilay ang ngisi sa labi niya.

"Bago ba kamo?" aniya.

Sumulyap mula sa likuran niya si Cevi at Ann.

"Nandito ang maganda!" Ann.

Isa pa to. Kung mahangin si Kiell ay segunda ito. Si Cevi ay nanatiling tahimik sa gilid.

"Tara na nga! Baka malate tayo."

"Agree," pagsang-ayon ni Ann kay Kiell.  Nagkibit balikat ako at pumasok na rin sa loob.
As usual, nasa likod ng driver  Kiell. Ako ang nasa harapan at nasa likuran ang dalawa.

Mabuti at inayos ko ang buhok ko kanina. Kung hindi ay sabog ito dahil sa hangin. Mabilis din kaming nakarating sa school.
Fave moves ata ni kuya driver ang mag-overtake. Pigil hininga ako kapag nilalampasan niya ang iilang sasakyan. Busy at walang pakealam ang dalawa sa likuran ko. Meanwhile, Kiell na tuwang-tuwa.

"Girl una na kami ah. May importanteng negosyo muna kaming gagawin."

"Negosyo?" takang sambit ko.

Inikot niya ang mga mata na tila naiinis sa tinuran ko.

"Ano ba english ng importanteng negosyo?" Kiell.

"Uh.. important business." I answered in confusion.

"Naman pala ih." aniya.

Hindi napigilan ni Ann at Cevi ang tawa nilang dalawa.

"Hindi ko alam kung paano ka nanatili sa school rank. Nang ganyan ka hahahha!" Cevi.

"Shut up! Victoria!" Kiell.

"Oh walang banggitan ng real name." angal ni Cevi.

"Tss. Bahala kayo." Nagwalk out si Kiell.

The SSLG President and The Publication QueenWhere stories live. Discover now