Natigilan si Sebastian sa entrada ng dining room nang makita ang kanyang ama na nakaupo sa dulo ng dining table, nagbabasa ng magazine. Kaagad nawala ang lahat ng antok ni Sebastian nang mag-sink in sa kanya ang nakita. Saka niya naalala na sinabi nga pala ni manang Mercy na ngayon uuwi ang kanyang ama mula sa isang business trip. His father's name is Grant, who owns one of the top shoe company in the market.
“Will you just stand there?” Biglang salita ni Grant na hindi man lang nag-angat ng tingin kay Sebastian.
Nakuha ang atensyon ni Sebastian nang pumasok sa dining room si Mercy mula sa kusina, kasunod ang iba pang kasambahay na may dalang iba't ibang klase ng putahe para sa almusal.
Sumenyas si Mercy kay Sebastian na maupo na, kaya kahit labag sa loob niya, napilitan siyang maupo sa kanang bahagi ng dining table.
Kasunod ng pag-upo ni Sebastian, isa-isang inilapag ang lahat ng pagkain sa lamesa, na hindi naman mauubos nilang dalawa ng kanyang ama. Hindi pa rin maintindihan ni Sebastian kung bakit nagpapahanda ng maraming putahe ang ama tuwing kumakain sila, gayong hindi naman sila malakas kumain. Kaya naman kapag umaalis ang ama, isang klase ng ulam lang ang pinapahanda ni Sebastian, maliban nalang tuwing almusal dahil sandwich lang ang kinakain niya.
Pagkatapos mailapag lahat ng pagkain ay umalis narin sina Mercy kasama ang mga kasambahay upang kumain narin. Malaki ang kitchen nila Sebastian kaya doon na sila kumakain.
“Let's pray,” Grant uttered. Sebastian then closed his eyes and said his prayers together with his father.
Pagkatapos magdasal, akma nang kukunin ni Sebastian ang kutsara nang marinig ang tanong ng kanyang ama.
“What happened to your face?” Seryosong tanong ni Grant habang naglalagay ng ulam sa sariling plato.
Gulat pero hindi ito pinahalata ni Sebastian. He is confused about how his father knew about his bruise eh mula kanina pagpasok niya ay hindi niya ito nakitang tumingin sa gawi niya.
‘Si manang Mercy ba ang nagsabi?’ Sebastian wondered.
Nang hindi makakuha ng sagot mula kay Sebastian ay nag-angat na ng tingin si Grant sa anak.
“Napaaway ka na naman?” Dismayadong napailing si Grant.
“When will you ever learn, Sebastian? Last week lang, nagmamadali akong bumalik dito because you were taken to the police station for fighting. For once, spare me from having more to think about. Sobrang dami na ng iniisip ko, tapos dadagdag pa ang pagbubulakbol mo.”
Napakuyom ang kamao ni Sebastian na nasa taas ng mesa dahil sa narinig. He already expected this to happen but it still hurt him after hearing his father's words.
“Then just stay out of my business nang sa ganun wala ka ng dagdag isipin.” Pabalang na sagot ni Sebastian.
“Sebastian!” Grant called Sebastian's name in a warning tone.
Sebastian laughed bitterly at tumayo na sa kinauupuan.
“I still have classes. Have a good day, dad.” Sebastian said sarcastically at tinulikuran na ang ama.
Tangkang tatawagin pa sana ni Grant si Sebastian, ngunit mas pinili nalang niyang pabayaan ito dahil alam niyang kahit anong sabihin niya, hindi ito papakinggan ni Sebastian. Grant knows his son well. If he insisted on confronting him, it would only lead to a fight.
-
SINALUBONG si Sebastian ni Mercy na may dalang paper bag nang makalabas siya ng dining area. Hindi na nagtaka si Sebastian dahil malamang narinig sa kusina ang pagtatalo nila ng kanyang ama.
YOU ARE READING
A Stroke Of Fate [ON HOLD]
Teen FictionAfter many years away, Bronwyn finally returns to her hometown, a place she has dearly missed. The familiar sights and sounds stir deep emotions within her, especially the ocean, so the very next day, she heads to the shore, armed with her painting...