NASA huling istasyon na sila Bronwyn kung saan naghihintay sila sa kanilang turn na i-execute ang 50-minute sprint.
Biglang nakaramdam ng pagkauhaw si Bronwyn kaya lumingon-lingon siya sa paligid upang maghanap ng pwedeng bilhan ng tubig. Hindi naman siya nabigo dahil may nakita siyang water dispenser malapit sa kinaroroonan nila.
“Lulu, inom muna ako ng tubig,” paalam ni Bronwyn kay Elowynn.
“Samahan na kita,”
“No need. Unless nauuhaw ka rin?” tanong ni Bronwyn. Umiling si Elowynn bilang sagot kaya tinungo na ni Bronwyn ang water dispenser. Naisip ni Bronwyn na kumuha na rin ng tubig para sa kakambal dahil baka biglang mauhaw ito.
Habang naghihintay si Bronwyn sa tubig niya, napansin niyang may tatlong estudyante na papalapit sa kinaroroonan niya. Tinutulak ng dalawa sa kanila ang isa, na may kung anong sinasabi sa mga kaibigan na hindi naman pinapansin ng mga ito.
“Giahak man mo, uy.”
Trans: Muntanga naman itong mga to.
“Pakaron-ingnon pagyud ni siya nga napugos lang. Kabalo na ko ana, pre. Ito na, tabangan ka na namo.”
Trans: Kunwari pa talaga siyang napilitan lang. Alam ko na yan, pre. Ito na, tutulungan ka na namin.
“Excuse me, miss? Sorry sa pagsinamok. Naa unta'y gusto iingon ning among amigo nimo.”
Trans: Excuse me, miss? Sorry sa abala. May gusto sanang sabihin itong kaibigan namin sa iyo.
Saktong tapos na dumaloy ang tubig mula sa water dispenser kaya kinuha na ito ni Bronwyn bago lumingon sa tatlong lumapit sa kanya.
“Sure... Unsa man?” tanong ni Bronwyn.
Trans: Sure... Ano iyon?
Siniko ng may forehead headband ang kaibigan na nakatitig lang kay Bronwyn. Nang mapansin naman ito ng isang nakasuot ng hoodie, tinulak niya ang kaibigan papalapit kay Bronwyn kaya nakatanggap sila ng pagbabanta mula sa kaibigan nila. Napaatras naman nang kaunti si Bronwyn para panatilihin ang distansya niya sa kanila.
Hinarap ng lalaking tinulak si Bronwyn at napakamot sa likod ng ulo, tila nahihiya. “Uh... Sorry diay sa akong mga amigo,” anito na umani ng kantiyaw mula sa dalawang kaibigan.
Trans: Uh... Sorry sa mga kaibigan ko.
“Okay ra. Uhm... Unsa diay imong iingon?” tanong ni Bronwyn. Gusto na niyang malaman kung ano man ang gustong sabihin nito sa kanya para makaalis na agad siya.
Trans: Okay lang. Uhm... Ano nga pala ang gusto mong sabihin?
“Pwede mabal-an ang imong ngalan?” tanong nito.
Trans: Pwede bang malaman ang pangalan mo?
“Bronwyn.”
“Bronwyn? Nice to meet you. I'm Owen,” pakilala niya sa sarili at iniabot ang kamay kay Bronwyn.
Naramdaman ni Bronwyn na wala namang masamang intensyon si Owen kaya nakipagkamay siya dito. “Nice to meet you too, Owen. Ano... sige, alis na ako, basin ako na ang sunod didto,” sabi ni Bronwyn sabay turo sa station 7.
Trans: Nice to meet you too, Owen. Ano... sige, alis na ako, baka ako na ang susunod doon.
“Ay, sige sige. See you around then,” nahihiyang sabi ni Owen. Ngumiti lamang si Bronwyn sa kanya bilang tugon. Nginitian din niya ang dalawang kaibigan nito bago sila tinalikuran. Doon sana niya gustong uminom ng tubig pero naiilang siyang gawin iyon dahil nandoon sila.
YOU ARE READING
A Stroke Of Fate [ON HOLD]
Teen FictionAfter many years away, Bronwyn finally returns to her hometown, a place she has dearly missed. The familiar sights and sounds stir deep emotions within her, especially the ocean, so the very next day, she heads to the shore, armed with her painting...