Bronwyn patiently waits for Elowynn sa labas ng canteen. Maagang natapos ang last class niya sa umaga kaya naman ay nauna na siya dito.
Hindi nagtagal ay nakita niya na ang kakambal kasama sina Harper, Cindy at Lorelei.
Nang makalapit na si Elowynn kay Bronwyn ay agad niya itong niyakap na nakasanayan na nilang gawin tuwing nagkikita.
“Okay ka lang?” Concerned na tanong ni Elowynn kay Bronwyn matapos humiwalay dito. Napansin niya na wala sa mood si Bronwyn.
Tumango si Bronwyn bago sumagot, “Okay lang. Gigutom ra ko.”
Trans: Gutom lang ako.
Bagamat hindi naniniwala si Elowynn sa sagot ni Bronwyn, hindi na lang siya nag-usisa pa. Maghihintay na lang siya na si Bronwyn mismo ang magsabi sa kanya.
“Aww, ang sweet naman! I-hug mo nga rin ako Harper.”
Mabilis na umiwas si Harper kay Cindy nang tangkang yayakapin sana siya nito kaya naman ang kalabasan si Lorelei tuloy ang nayakap ni Cindy na nasa tabi ni Harper.
“Damot! Hug ra gani!” Nakasimangot na saad ni Cindy.
Trans: Damot! Hug lang e!
“Pagpuyo! Ako na pod imong tripingan nga naa man si Lorelei.” Pagsusungit ni Harper.
Trans: Manahimik ka! Ako na naman ang pinagti-trip-an mo, nandiyan naman si Lorelei.
“Oh, apilon man gyud ko nga naghilom raman gani ko diri.” Pag-alma ni Lorelei.
Trans: Oh, isasali pa talaga ako kahit nanahimik lang naman ako dito.
“Oh, shush na! Mas maayong mosulod na lang ta, basin mahutdan na sad ta'g bakanteng lamesa ron.” Pagsaway ni Harper na agad namang sinang-ayunan ni Bronwyn.
Trans: Oh, shush na! Mas maigi pang pumasok na tayo, baka maubusan na naman tayo ng bakanteng mesa.
Ayaw na ulit ni Bronwyn na maranasan pang maghintay ng ilang minuto bago makakuha ng vacant table. She was shocked kung gaano karami ang kumakain sa canteen. May mga karinderya naman sa tapat ng school pero mas pinipili ng karamihan ng mga estudyante na dito na sa school canteen kumain dahil na rin sa sobrang init ng panahon, at yung iba tinatamad na lumabas pa. Wala pang pedestrian lane kaya napipilitang dumaan sa overpass ang mga estudyante kahit na nakakapagod.
Tatlo ang canteen ng school. Isa malapit sa Grade 7 building, isa malapit sa Grade 8 at 9 building, at ang panghuli ay ang canteen na malapit sa Grade 10 building kung nasaan sila ngayon. Dinudumog ang canteen na ito tuwing lunch time at snack time dahil dito kumakain at nag-i-snack ang mga players ng school.
“Ayan na naman sila. Yung iba nagkukunwari lang na kakain, bibili lang ng konti tapos magtatagal sa table.” Nakasimangot na turan ni Elowynn.
Inilibot ni Bronwyn ang tingin sa buong canteen at napansin ang sinabi ng kakambal. She couldn't agree more. Marami na namang naghihintay ng vacant table ngayon sa canteen.
Nakapila ngayon sina Harper, Elowynn, Bronwyn, at Cindy para mag-order ng lunch nila. Si Lorelei lang ang tanging naiwan sa bakanteng mesa na kanilang nakita nang sa ganun ay walang ibang maupo sa table.
“Korek! Naa ra man gud sila diha para magpapansin.” Pagsang-ayon naman ni Cindy.
Trans: Korek! Nandiyan lang naman sila para magpapansin.
“Oh, mga puso niyo. Sagdii nalang. Hantod naay players diria sa school di gyud na sila mangawala.” Natatawang sabi Harper.
Trans: Oh, mga puso ninyo. Hayaan na lang. Hangga't may mga players dito sa school, hindi yan sila mawawala.
YOU ARE READING
A Stroke Of Fate [ON HOLD]
Teen FictionAfter many years away, Bronwyn finally returns to her hometown, a place she has dearly missed. The familiar sights and sounds stir deep emotions within her, especially the ocean, so the very next day, she heads to the shore, armed with her painting...