CHAPTER 8

61 36 35
                                    

ABALA si Bronwyn sa pagsusulat sa kanyang index card nang biglang lumapit si Marigold.

“Bronwyn, naa nakay partner?” tanong ni Marigold.

Trans: Bronwyn, may partner ka na?

Nag-angat ng tingin si Bronwyn kay Marigold at nginitian ito bago sumagot, “Nah, wala pa gani.”

Trans: Wala pa nga, eh.

“Yown! Pwede kita na lang mag partner?” agad na tanong ni Marigold.

Trans: Yown! Puwede ba tayong mag-partner?

Bronwyn laughed and nodded. “Sure, why not? Nagsulat na ka sa index card?” tanong ni Bronwyn.

Trans: Nakapagsulat ka na ba sa index card?

“Wala pa, hehe,” sagot ni Marigold habang napakamot sa ulo. Sinabihan naman siya ni Bronwyn na magsulat na dahil baka dumating na ang subject teacher nila sa P.E.

Ang huling subject nila sa hapon ay P.E., na siyang ipinagpapasalamat ni Bronwyn dahil pagkatapos ng klase ay makakauwi na siya agad at makakapahinga sa kama. May gagawin man o wala, napapagod at nanghihina talaga si Bronwyn tuwing P.E. class. Isa ito sa pinaka-ayaw niyang subject dahil tamad siya mag-exercise. Hindi rin siya kailanman naging interesado sa mga topics sa P.E.

“Are you ready class?” Tanong ng kakarating nilang subject teacher na si Mr. Romeo.

“Yes, sir!”

“Good. Let's go. Lalabas tayo dahil sa gym ang klase natin ngayon,” sabi ni Mr. Romeo at nauna nang lumabas ng room.

“Yes!”

Nagulat si Bronwyn nang biglang mag-ingay ang buong klase at sabik na lumabas ng classroom. Ang iba ay nagmamadali pa habang hinihila ang kanilang mga kaibigan.

“Ali na, Bronwyn.” Nagulat si Bronwyn nang bigla siyang hilahin ni Marigold kasama ang circle of friends nito.

Trans: Halika na, Bronwyn

“Unsa diay naa?” Hindi na napigilan ni Bronwyn ang sarili na magtanong. Sobra siyang nagtataka kung bakit maraming excited sa klase ngayon sa P.E., samantalang pag nasa classroom, may nakikita pa siyang mga palihim na natutulog at hindi nakikinig.

Trans: Anong meron?

“Ay! Oo diay, nakalimot ko nga transferee man diay ka diri,” ani Lovely nang mapagtanto.

Trans: Ay! Oo nga pala, nakalimutan ko na transferee ka pala dito.

“Ingon ani man gud, kada naa'y activity sa P.E., tanan atong ka grade level magtipok sa gym kay didto i-conduct ang activity,” sagot ni Cheska sa tanong niya.

Trans: Ganito kasi, tuwing may activity sa P.E., lahat ng ka grade level natin ay nagtitipon sa gym dahil doon ika-conduct ang activity.

“I bet curious ka nganong daghan excited noh? Uban sa ilaha naa man gud mga crush sa pikas section. Naa pay possibility nga ilang ma-partner! Gosh! Ka swerte nalang gyud. Ako ani, mag Senior High nalang wala pa gyud sukad nakapartner si Nikolai,” sabat ni Marigold at napasimangot sa huling sinabi.

Trans: I bet curious ka kung bakit maraming excited, noh? Iba sakanila may mga crush kasi sa kabilang section. May possibility pa na maging partner nila! Gosh! Ang swerte naman. Ako nito, mag-Senior High na lang, hindi pa rin nagiging partner si Nikolai.

“Ay, ka swerte nalang gyud kung naa kay maka-partner bisan isa lang sa mga athletes,” sabat ni Lovely, na agad namang sinang-ayunan nina Marigold at Cheska.

A Stroke Of Fate [ON HOLD]Where stories live. Discover now