Chapter 1

4.7K 75 0
                                    

Aya's POV



"Aya! Ayaaaa!tila ba may sunog na sigaw nito sa 'kin habang ginigising ako. Pagbangon ko ay napansin kong si Auntie pala 'yon. 


"Auntie naman, maaga pa.papikit-pikit kong sagot dito.  


"Alam mo bang may pasok ka?tanong pa nito sa 'kin na para bang naiinis pa dahil ayoko pang bumangon.


"Alam ko naman po pero anong ora- AUNTIE NAMAN. ALAS TRES PA LANG NG UMAGA, ANG AGA-AGA PA.padabog kong sagot dito sabay talukbong ng kumot. Hinablot naman niya ito sa 'kin bigla.


"Hoy bruhilda, baka nakakalimutan mong kailangan mo rin muna akong tulungan bago magbukas ang karinderya natin mamaya? Bumangon ka na riyan para pagkatapos mo 'kong tulungan ay makakapag-ayos ka na rin sa unang araw ng pasukan niyo.pagbilin sa 'kin ni Auntie bago niya ako iwan sa kwarto ko. Nawala sa isip ko na kailangan ko pa rin palang tulungan si Auntie bago ako pumasok sa eskwelahan.


Agad na rin naman akong bumangon pagkalabas ni Auntie ng kwarto ko. Inayos ko muna ang higaan ko sabay dumiretso na agad sa banyo. Naghilamos muna ako at mamaya na lang ako maliligo pagkatapos sa mga gawain sa karinderya. 


Pagkatapos ay bumaba na ako at dumiretso sa karinderya upang tulungan si Auntie at nakita ko namang gising na rin pala ang mga pinsan ko at tinutulungan na rin siya. Bakit pa ako gumising? Joke lang!


"Mabuti naman at bumaba ka na rin. Halika na at tumulong na sa 'min para maaga ka rin makapag-ayos." pagtawag sa 'kin ni Auntie nung nakita na niya ako. 


Binati rin ako ng mga pinsan ko pagtapos akong tawagin ni Auntie. Tumulong na rin naman ako para mas mapabilis na ang mga gawain. 


Nung matapos na naming ayusin lahat at inaantay na lang ang pagbubukas ay agad na 'kong nagpaalam kay Auntie na maliligo na ako at mag-aayos para makapasok na rin ako at hindi ma-late sa unang araw ng klase. Nakakahiya naman kung ibubungad ko sa professor namin ang pagiging late ko.


Kahit nag-ayos ako ay hindi pa rin halatang nag-ayos ako dahil na rin sa itsura ko. Ayoko rin naman ng maraming kaartehan sa pagmumukha kaya wala talagang nagbago sa itsura ko. Hayaan na, pumapasok lang naman ako para mag-aral, hindi para magpaganda lalo na kung wala namang igaganda. 


Pagkatapos ko sa lahat ay nagpaalam na ako kela Auntie at sa mga pinsan ko dahil mauuna na 'ko. 6:30 ante meridiem ako nakaalis ng bahay at 7:00 ante meridiem naman ang pasok namin. Hindi naman gaanong kalayuan ang University na papasukan ko, bale isang sakay lang ng jeep ang kailangan, pwede rin namang mag-tricycle na lang. 


"Bayad po!" sabi ko agad pagka-upo ko sa jeep. Naka-ugalian ko na kasing magbayad agad kapag nakaupo na 'ko o nakasakay na 'ko. Ayokong patagalin pa ng ilang minuto ang pag-aabot ng bayad. Medyo matagal din akong nag-iintay na may mag-abot dahil malayo sa 'kin si kuya driver at hindi ko naman kayang i-extend ang kamay ko para ako mismo ang magbayad. Buti na lang din ay kahit ilang minuto ang nakalipas ay may naawa sa 'kin at siya na ang nag-abot kay kuya driver. Grabeng mga tinginan kasi 'yan, akala mo nakakita ng multo o kung ano man eh.


6:50 na nung makarating ako sa tapat ng University namin. Pagkababa ko sa jeep ay nagmamadali na akong pumasok sa loob. Halos tumakbo na nga rin ako paakyat sa hagdanan kaya hindi ko napansin na may isang hakbang pa pala. Edi ayun, nadapa tuloy ako sa hagdanan. Hindi ko naman agad napansin na may tao palang nakaupo sa may gilid ng hagdanan kaya nung paglingon ko ay nakita kong nakatingin pala siya sa 'kin. Ang poganda niya!!!


"A-ah.. H-hello!" nauutal kong sabi sa kaniya nung napansin kong ngumisi siya. 


"Pft, panget na nga, lampa pa." medyo may accent nitong sabi sa 'kin. Agad naman akong nahiya na medyo nainis sa sinabi niya.


"U-uhm ano, g-ganito talaga ako umakyat ng h-hagdan!" palusot kong sagot sa kaniya sabay pagapang na inakyat yung isa pang hakbang. Agad naman akong tumayo pagkatapos. Ngumiti ako na may pagka-plastic sabay alis sa harapan niya at takbo papunta sa room namin. 


Nung makita ko na ang mga kaibigan ko sa loob ng room ay padabog naman akong umupo sa tabi nila. 


"Oh, anong nangyari girl? Bakit parang binagsakan ng langit at lupa 'yang pagmumukha mo? HAHAHAHAHA!" tanong sa 'kin ni Maeve. Tumawa na rin naman ang iba pa naming kaibigan na si Sophie at Shaina.


"Paano ba naman? Muntik na nga akong ma-late, nadapa pa ako sa hagdanan, may nakita na nga akong poganda na babae kaso ang sama naman ng ugali! SABIHAN BA NAMAN AKONG PANGET NA NGA, LAMPA PA?!" padabog kong sagot sa kanila na medyo may pasigaw na rin kaya nagtinginan naman ang iba pa naming mga kaklase.


"Ayan kasi, mag-ingat kasi sa susunod ha? Baka mamaya sabihin mo kasalanan pa nung hagdanan o ni poganda 'yon? HAHAHAHAHAHA teka nga sino ba 'yon? Maka-judge na masama ugali dahil sa sinabi niya ha?" natawa pang tanong sa 'kin ni Shaina. Sakto namang pagtingin ko sa pinto ay may nakita akong isang taong papasok ng room namin.


"Speaking of the devil." saad ko habang nakatingin sa may pintuan at napansin kong napatingin na rin doon ang mga kaibigan ko. Bakit ba andito 'yan. Kaklase ba namin siya? Ugh! Kung minamalas nga naman.


"O... M... G!!! GIRL SI MILES YUNG TINUTUKOY MONG KUMAUSAP SA 'YO?" gulat na gulat na tinanong sa 'kin ni Maeve. OA nung reaction niya ah.


"Oh? Ano meron? Siya nga. Teka ano bang meron sa halimaw na 'yan?" may taray kong tanong sa kanila.


"Maka-halimaw ha? Pero si Miles, she's really famous here sa University natin. I mean, aside sa 'kin syempre, Miles and her friends are so famous." pag-describe naman sa kanila ni Sophie. Tumango-tango na lang ako na para bang hindi interesado sa mga nalaman ko. 


Sinamaan ko na lang ng tingin yung halimaw na tinutukoy nilang sikat DAW. Napansin ko naman na napatingin din siya sa 'kin at halata mo na naman ang ngisi sa labi niya. Aish! Kung kanina kinilig ako ng very slight nung nakita ko siya, ngayon naman inis na inis na 'ko sa kaniya. 


--------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER:


- expect for grammatical & typographical errors

- separate story from reality

- feel free to give feedback

- the author is not a professional writer so don't expect too much


Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)Where stories live. Discover now