Chapter 14

1.5K 40 11
                                    

Author: For those who requested, ito yung picture ni Aya! <3

Author: For those who requested, ito yung picture ni Aya! <3

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Happy reading, everyone!!! :))



Aya's POV



Napansin naman nila Shaina na hindi ako mapakali kaya binatukan ako bigla.


"Huy, teh? Ayos ka pa ba? Kinikilig ka ata?" agad na tanong ni Shaina. Itinanggi ko naman bigla kaso may pahabol si Maeve.


"Mukhang dahil ata kay Miles kaya may nagiging kamatis ang mukha dito. Diba, Aya?" pang-aasar sa 'kin sabay tingin sa pwesto nila Miles. Nakita ata niya kung asan ako kanina huhu.


Inirapan ko na lang siya sabay umiling-iling. Hindi ko na siya sinagot dahil alam kong ipagpapatuloy niya pa ang pang-aasar kapag sumagot pa ako. 


Maya-maya ay bigla namang namatay ang ilaw at sakto namang nabitawan ko ang box na hawak ko. Shucks! Wala akong makita kung hindi kakaunting ilaw lang na nanggagaling sa buwan. Akma namang pupulutin ko sana ang box sa sahig nung makita ko na 'to, kaso lang ay nasipa pa ito ng ibang tao. Malas naman oh!


Nakita ako ni Sophie at napansin na para bang may hinahanap at hinahabol ako sa sahig kaya tinulungan na rin niya ako sa paghahanap dito. Ilang beses ko nang nakita ang box ng singsing na ipinagkatiwala sa 'kin ni Jade ngunit ilang beses din itong nasisipa kaya mas napapalayo sa 'kin. 


Hanggang sa napulot ko na ang box na kanina ko pa hinahanap at tinawag ko na rin si Sophie para sabihin na nakuha ko na ito. Dumiretso naman kami agad sa garden dahil naisip ko na kahit may nangyari sa singsing ay matutuloy pa rin ang plano lalo na't kasama ko na rin naman si Sophie kaso nagulat ako nung marinig kong nagsasalita si Jade ng kaniyang speech. Kanino niya ito sinasabi? Kasama ko si Sophie ngayon.


Sa pagbukas ng ilaw ay nakita na rin namin si Jade na nakaluhod habang hawak ang kamay ng taong kausap niya. Nagulat naman kaming dalawa ni Sophie sa mga nakita namin sa harapan namin. 


"Jade?" "Miles?" magkasabay na sabi namin ni Sophie at tawag sa dalawang tao na nasa harapan namin ngayon. Agad namang napatingin sa 'min si Jade at binalik niya ang tingin niya sa taong nasa harap niya. Bigla naman niyang binitawan ang kamay nito. 


Nakarinig kami bigla ng mga bulungan sa paligid namin at napansin namin na marami rin pala ang nakakita ng mga pangyayari. Bigla namang tumayo si Jade.

Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)Where stories live. Discover now