Aya's POV
Naramadaman ko bigla yung pananakit ng ulo ko. Teka, bakit ba 'ko nakahiga sa sahig ngayon? Si Miles ba 'yon? Hala oo nga, tinakot ko nga pala kaya binangga naman ako nitong halimaw na 'to kaya kami parehong bumagsak at nawalan ng malay. Makabangon na nga lang.
Agad akong tumayo at bubuksan na sana ang pintuan kaso napansin ko na parang ang hirap kaya doon ko na-realize na nakasarado pala 'to. Wait, NASARADUHAN KAMI NI MILES?! NITONG HALIMAW NA 'TO?!?!
"Hoy! HOY GUMISING KA, MILES!" pasigaw kong tawag sa kaniya habang niyuyugyog ang balikat niya at nakita ko namang unti-unti siyang gumalaw. "Wha- WAAAHHH!!!" nagulat naman ako sa reaksyon niya na tila ba nagulat sa 'kin na parang may nakita siyang multo. Nakaka-offend ah.
"Nakakita ka ba ng multo ha?! Ay nga pala, nasaraduhan tayo ng pinto." agad ko namang sinabi sa kaniya at bigla naman siyang napatayo mula sa pagkakaupo. "WHAT?! CALL THE GUARDS!" pasigaw na utos naman niya sa 'kin. OA mag-react ah?
Napakamot agad ako ng ulo. "Ah, wala akong load eh hehe." tinignan naman niya ako ng masama. "Panget na nga, lampa pa, mahirap pa! You are so useless!!!" panglalait na naman niya na kaya agad ko siyang pinagsabihan. "Edi ikaw yung tumawag sa kanila."
Bigla naman siyang napaiwas ng tingin sa 'kin. "My phone's lowbatt." tinignan ko naman siya simula ulo hanggang paa sabay inirapan sa sinabi niya. "Kita mo. Ang yaman-yaman mo nga, wala ka namang charger." inirapan din naman niya 'ko sabay umupo sa sulok. "Then I guess we'll have to stay here for awhile." umupo na rin ako pagkatapos niyang sabihin 'yon.
"Magkwento ka nga, panget." saad niya at agad ko naman siyang tinignan.
"Marunong ka naman palang magtagalog eh, ang arte nga lang ng pananalita." saad ko rin sabay ngiti sa kaniya. Napansin ko namang napangiti rin siya.
Sinimulan ko naman ang pagkekwento sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya na wala na ang mga magulang ko dahil nasa piling na sila ni Lord sa itaas kaya ang mga pinsan at si tita na lang ang kasama ko sa buhay at nagtatrabaho rin ako noon sa karinderya ni tita bilang waitress. Pagkatapos ko ay nagkwento rin naman siya ng buhay niya at doon ay nalaman ko na rin na wala na pala ang kaniyang mama, kaya pala si Mr. Sandford na lang ang kasama niya sa bahay at ang iba pang mga katulong. Napansin ko rin na naluluha siya nung pinag-uusapan namin ang kaniyang mama. Halimaw pero may malambot na puso pa rin naman pala. Ngayon ko lang nakita yung ganitong soft side niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti at magbago nang konti ang tingin sa kaniya.
Maya-maya lang ay agad na rin kaming nakatulog na dalawa pagkatapos ng aming pagkekwentuhan.
Miles' POV
In the middle of sleeping, I suddenly heard as if the door was being opened. From there, the guard called me and polka-dot.
"Hoy! Kayong dalawa, anong oras na, gabi na at nandito pa kayo." the manong guard said to us, which made me and polka-dot wake up.
"Hey, panget. Let's go home." I told her when she stood up.
While driving back home, I suddenly remembered what we'd talk about earlier. It made me realize that she doesn't deserve the treatment that I was giving her. She experienced too much pain and trauma, I don't want to add more.
I posted a picture of me on twitter saying I just got home, a few minutes after polka-dot also posted the same but without her picture.
I heard my phone ringing and when I checked it, it was my friends who was calling me so I immediately answered it.
"Boss Miles! Magkasama ba kayo ni Aya kanina?" Gaia asked me. Great, no hi or hello first? "Huy ano 'yan?" Camryn added.
"Oh, yeah. We were locked sa student council room earlier. She was trying to scare me, but the door ended up locking by itself. Manong guard opened it then saw the both of us inside so he told us to leave immediately because it's already evening." I said. So again, Camryn asked. "Gusto mo na ba si Aya?" after she said those, our other friends were waiting for my response.
"Well, it's not impossible. I hear most of her stories in life and that's when I realized I should stop being mean to her. She doesn't deserve the treatment I was giving to her." I explained to them.
"Miles pare, ikaw ba 'yan?" Jade asked me out of confusion.
"Hala tinamaan ka na." Gaia said while smirking.
"Omg ka, IBA KA PARENG MILES!!!" Camryn cheered for me.
I'll admit, I hate this feeling but I also like the thought of it.
Aya's POV
Pag-uwi ko ay agad akong may natanggap na tawag mula sa mga kaibigan ko. Nakita siguro nila yung tweet ko at tweet ni Miles na parehong kakauwi lang. Agad ko namang sinagot ito.
"Aya Rodriguez? Anong kakauwi mo lang? Bakit pareho kayo ni Miles na kakauwi lang? Sabay ba kayo?" bungad naman ni Maeve sa 'kin. Wow ha. "Ang daming tanong agad ha? Hello muna sana." natatawang sabi ko rito.
"Girl, chika!" bigla namang dagdag ni Shaina. Kaya sinimulan ko na rin ang pagkwento sa kanila.
"Tinakot ko kasi siya kanina sa student council room, eh bigla kaming nasaraduhan ng pinto. Tapos nagkwentuhan lang kami ng mga buhay namin tapos inabot kami ng gabi. Nung binuksan lang ni kuya guard yung pinto at nakita niya kami, doon lang kami nakaalis na dalawa." pagpapaliwanag ko naman sa kanila at kitang-kita yung kilig kaso naka-seryoso lang na mukha si Sophie.
Maya-maya lang ay may kumatok sa kwarto ko. Pagbukas ko ay bumungad dito si Miles. "Hey, I just want to say thank you for sharing your story with me earlier. Good night." nagulat ako doon ah. Hindi ko inaasahan, pero syempre mabait na rin tayo. "Good night, Miles. Thank you rin."
--------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER:
- expect for grammatical & typographical errors- separate story from reality
- feel free to give feedback
- the author is not a professional writer so don't expect too much
YOU ARE READING
Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)
Teen FictionA poor young woman becomes a personal maid for a rich and beautiful-handsome young woman. The two do not get along at first, but as their lives become entangled, their relationship becomes more complicated.