Chapter 5

1.6K 40 3
                                    

Aya's POV



Nung natapos na ang klase ay agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko na mauuna na 'ko sa kanila dahil may kailangan pa 'kong bilhin na inuutos ng halimaw kong amo. 


"Uy, una na 'ko ulit sa inyo ah?" saad ko sa kanila habang nag-aayos ng gamit namin.


"Oh, hindi ka ulit sasabay o sasama sa 'min? Nakakatampo na ha!" pagmamaktol na pabebe naman ni Shaina. Umiling na lang ako sabay kamot sa ulo na para bang dismayado.


"Hindi eh, may kailangan pa kasi akong bilhin sa National Bookstore. Inutusan kasi ako ng magaling na halimaw." pairita kong saad habang nagdadabog sa pagliligpit. Nagtawanan naman sila dahil agad nilang nakuha kung sino ang tinutukoy ko.


"Sige girl, basta mag-iingat ah? 'Wag masyadong painitin ang ulo HAHAHAHAHAHA." sambit naman ni Maeve. Binatukan ko na lang siya bilang tugon.


Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay sabay-sabay na kaming lumabas ng room at nagpaalam na sa isa't-isa. Habang palabas ako sa campus ay nakasalubong ko naman yung halimaw pero inirapan lang ako. Aba! Inunahan ako ah. Ako yung may balak mang-irap eh.


Hinayaan ko na lang siya at dire-diretso na 'kong lumabas sa gate. Alam ko naman na darating din ang araw at masasanay ako sa ugali nito. Kailangan ko lang talagang pagpasensyahan kahit maiksi rin ang pasensya ko. Oo nga pala, malapit lang naman yung National Bookstore sa campus namin kaya naglakad na lang ako papunta roon. Ang lapit-lapit tapos uutusan pa 'ko, eh siya 'tong may kotse. 


Sa pamimili ng materials na kailangan ni monster ay sinigurado ko talagang tama ang mga kinukuha ko at walang kulang sa mga ito. Mahirap na, baka pabalikin pa ako nung halimaw pag may mali sa mga nabili ko 'no. Nang akma namang magbabayad na ako ay napansin kong wala nga palang perang inabot sa 'kin yung halimaw na 'yon pero ang lakas mang-utos at magpabili. Pag-check ko naman sa wallet ko ay kulang din ang perang dala ko kaya nakiusap ako kay ate.


"Hala, ate. Sorry po, kulang pala yung dala kong pera. Pwede po bang pa-reserve na lang muna? Babalikan ko rin po agad mamaya." pagmamakaawang pabebe ko kay ate ngunit hindi ata naging effective at mas na-bwiset pa si ate. 


"Nako, miss. Hindi mo 'ko madadaan diyan. Bawal 'tong ipa-reserve ano ka. Bibili-bili tapos wala naman palang ipangbabayad." pagtataray naman nito sa 'kin. Luh? Sabi ko kinulang at babayaran ko naman mamaya pagbalik ko, hindi ko naman sinabing wala talaga akong pangbayad. Kulang lang eh. Aawayin ko na sana siya pero bigla namang may tumawag sa pangalan ko. 


"Aya!" bigla akong napatingin sa tumawag sa 'kin at nakita kong si Jade pala 'yon, ang kaklase namin na kaibigan din nung halimaw. 


"Here, ate. Isabay mo na po yung akin sa kaniya. Ako na rin po magbabayad niyang mga binili niya." nagulat naman ako sa sinabi nito dahil pabigla-bigla siya kaya akmang tatanggi na sana ako pero inabot na niya agad yung bayad kay ate kaya wala na 'kong nagawa. "Huy, ano ka ba Jade? Hindi naman kailangan eh. Pero salamat ha? Ibabalik ko na lang yung pera mo bukas." pagpapasalamat at alok ko sa kaniya. Nginitian naman niya ako. Infairness ha? Hindi siya kagaya nung isang halimaw kahit na magkaibigan sila. 


"Aya, no need to repay me. I mean sa money. Pero you can repay me sa ibang bagay." nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at bigla akong kinabahan. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. "What I mean is, you can repay me by helping me with something lang. Ayun kasi tinutukoy ko pero based on your reaction, mukhang iba naisip mo. Ikaw ha." pagpapaliwanag at panunukso pa nito sa 'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa mga narinig ko. Tinanguan ko naman siya bilang sagot sa sinabi niya sabay ngiti.


"Oh paano ba 'yan, sa susunod ko na lang sasabihin yung something na 'yon ha? I need to go na, Aya. It was nice seeing you here." pagpapaalam ni Jade ngunit pinigilan ko siya saglit. "Teka, Jade..." nahihiya kong sambit dito. Tinignan naman niya ako at tila ba nag-aantay sa sasabihin ko. 


"Hehe, pwede bang makihiram pang-taxi? Ang dami kasi nito tapos mukhang kulang din yung ipambabayad ko hehehe." nahihiya kong sabi rito na may pakamot effect pa sa ulo. Baka isipin pa nito may kuto ako. 


Natawa naman agad siya sabay kuha ng pera sa wallet niya at inabot sa 'kin. "Here, 1k. Mag-iingat ka, okay?" nginitian ko naman siya sabay nagpasalamat at umalis na rin. Hays, life saver ka, Jade. Hindi tulad ng iba, puro malas lang yung dulot sa buhay. 


Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa potato corner dahil nagugutom na ako at sakto namang andoon na naman si Jade at bumibili rin. "Uy, Jade!" napalingon naman agad ito sa pagtawag ko sa kaniya. 


"Oh, Aya? Bibili ka rin ba?" tanong nito at agad akong tumango. "I'll treat you. 'Wag ka na rin tumanggi dahil wala kang extra money and pang-taxi yung binigay ko kanina sa 'yo. Besides, can we talk na kahit saglit about sa kung paano mo 'ko masusuklian sa ginawa ko kaninang pagligtas sa 'yo doon sa National Bookstore? Habang nag-iintay tayo ng order ngayon?" sunod-sunod na sabi naman nito kaya talagang hindi na ako nakatanggi at sumang-ayon naman sa pag-alok niyang makipag-usap. 


"Oo naman. So paano ba?" agad naman itong humarap sa 'kin at huminga ng malalim.


"Gusto ko kasi magpasama sa 'yo kapag free ka, just help me pick up some things na pwede kong ibigay sa balak kong ligawan sa room natin." nagulat ako sa mga sinabi nito lalo na at nasa room pala namin ang balak niyang ligawan. Sino kaya? Pwede naman sigurong sumagap ng chismis 'no?


"Huy, oo naman. Ayieeee, ikaw ha? Nasa room pala natin ah. Sino sa mga kaklase natin? Pa-chismis naman ako, nakaka-intriga eh." pabulong kong sabi sa kaniya dahil baka may iba rin na maki-chismis sa amin HAHAHAHA.


"Aya, yung kaibigan mo. Si Sophie." mas nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong napatingin sa kaniya at napatakip sa bibig para hindi tumili.


Pero... Ang gusto ni Sophie ay si Miles, Jade. Bulong ko sa isip ko. Syempre alangan sabihin ko, edi nasaktan ko yung tao?


--------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER:


- expect for grammatical & typographical errors

- separate story from reality

- feel free to give feedback

- the author is not a professional writer so don't expect too much






Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)Where stories live. Discover now