CHAPTER 4:SLEEPLESS

266 41 10
                                    

It's already 12 in the midnight pero hindi pa rin ako tapos sa design ng project namin ni Khyel. Siya ang una kong kliyente kaya gusto ko itong maging perpekto. Gusto kong maging maganda ang serbisyo ko para mas marami pa akong maging kliyente. Maya-maya ay natapos ko na ang sketch kaya agad ko siyang tinawagan para sabihin ang tungkol dito.

"Hello, Khyel?" sabi ko agad pagkasagot niya ng tawag.

"Ano'ng kailangan mo?" malamig niyang tanong sa akin mula sa kabilang linya.

Agad naman akong nagtaka dahil sa kakibang presensya na pinaparamdam niya.

"Wala lang, I just want to inform you na natapos ko na ang sketch ng charity building na gusto mong itayo," masyang sagot ko sa kaniya.

"I don't need that anymore." Hindi ko alam ang reaksyon ko nung sinabi niya yun.

"H-ha? Pero p-p-paano yung drawing ko?" nauutal kong sabi sa kaniya habang unti-unting namumuo ang mga luha sa mata ko.

"Itapon mo na lang," utos niya sa akin na parang walang pakialam sa pinaghirapan ko.

What's wrong with this man?

"Pero..." halos pabulong kong sagot sa kaniya pero naririnig pa rin niya.

"No more buts!" saway niya sa akin.

"May problem ba, Khyel?" Humihikbing tanong ko sa kaniya.

"Wala." malamig na sagot niya sa akin.

"Then, why are you being like that?" tanong ko muli sa kaniya at sa pgkakataong ito ay medyo tumaas na ang boses ko.

Ano bang nangyayari sa 'yo, Khyel? Okay naman tayo kanina pero bakit bigla ka na lang naging ganyan?

"I already said that I don't need it anymore, iaatras ko na ang project and don't worry cause I'll pay your service kaya hindi masasayang lahat ng pinaghirapan mo," he said na parang wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko.

Pera na lang ba talaga sa kaniya 'yon lahat?

I can't stop myself crying without knowing why am I being like this.

"No need to pay it, hindi ko kailangan n'yan," sabi ko habang piniligilan ang aking emosyon.

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising kaya mas pinili ko na lang na hindi kumain at magbaon na lang. Wala na sila mommy nang makababa ako kaya ginamit ko na lang ang sarili kong sasakyan. Pinilit kong magdrive kahit na sobrang antok pa ako dahil sa puyat kagabi. I drove slowly until I arrived in the parking lot of our company. Agad akong nagmadali papunta sa third floor dahil naalala ko na may meeting nga pala kami with the investors. Nang makarating ako ay nag-uumpisa na sila kaya marahan akong umupo sa tabi ni mommy.

"But, Mister Evans, how can we assure na hindi masasayang lahat ng investments namin dito? We heard na kung hindi dahil sa mga Quematon matagal na kayong nalugi at nagsarado," tanong ni Mister Park kay dad.

Nagpalinga-linga ako sa pag-asang makikita ko si Khyel pero nabigo ako, all of the other investors are here except for Khyel.

Bakit wala siya?

Sinubukan ulit siyang hanapin ng mga mata ko pero hindi ko talaga siya makita.

"Mom, where is Mister Quematon?" painosenteng tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko rin alam, ang sabi ng secretary niya is may mahalaga raw siyang pinuntahan," sagot naman ni mommy.

Secretary? May secretary siya?

"May secretary si Khyel?" mahinang tanong ko pero narinig pa rin ako ni mommy.

"Hindi ka ba nagresearch about kay Khyel?" balik na tanong niya sa akin kaya dahan-dahan akong umiling nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

"Khyel is a multi-billionaire at meron siyang iba't ibang sariling properties sa London, Canada, France, South Korea, Thailand, China, at Japan." Bigla akong natigilan ng marinig iyon mula kay mommy pero imbis na mamangha ay mas lalo lang akong nasaktan.

Kaya pala ganoon lang kadali para sa kaniya na sabihing babayaran na lang niya sa akin 'yong pinaghirapan ko.

Nawala ako sa focus habang nagmemeeting dahil sa kaiisip ko sa bagay na iyon. Now I realized na wala lang talaga ako sa kaniya at pati ang nangyari sa amin ay wala lang din iyon sa kaniya.

"Anak, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni mommy.

Hindi ko na napansin na tapos na ang meeting dahil sa iniisip ko ang bagay na iyon. Agad ko namang pinunasan ang luha ko nang maramdaman ang likidong nilalandas ang aking pisngi.

"O-opo, ayos lang po ako, excuse lang po," sabi ko sa kaniya at nagmadaling pumunta sa parking lot.

I went inside my car and cry as loud as I can like I'm a cry baby. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Narealize ko na ang t*nga ko sa part na nagpakontrol ako sa mga gusto niya at naniwala ako sa lahat ng sinabi niya.

I start the engine and drive it at the speed of 180 kilometers per hour. I'm still crying when I arrived in the crossing. Dahil sa panlalabo ng mata ko gawa ng mga luha ay hindi ko agad napansin na may truck pa lang paparating. Sinubukan kong magpreno pero huli na ang lahat. It feels like everything slows down for a couple of second hanggang sa makarinig na lang ako ng malakas na tunog. Naramdaman ko pa ang malakas na pagtama ng ulo ko sa manibela at wind shield ng kotse ko bago unti-unting lumabo ang paningin ko at tuluyang maging kulay itim ang lahat.

The Billionaire's Ex-Girlfriend (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon