CHAPTER 31:STAY

68 17 0
                                    

"Love, gumising ka na d'yan, hinihintay ka na naming ng mga anak natin," sabi ko habang hawak ang isa niyang kamay.

Faith was comatosed at hindi ko alam kung kailan ba siya magigising.

"Khyel," tawag sa akin ni Devion kaya agad ko siyang ilingonat pinunasan ang luhang nakakalat sa mukha ko.

"Ano 'to?" Tinignan ko ang envelope na hawak niya bago ito tuluyang kuhanin.

"Nakita ko 'yan sa bahay ni Detective Leander," sabi niya nang makuha ko ito.

Agad ko namang binuksan ang envelope na nakita niya. Naglalaman ito ng isang USB at pictures.

"Umuwi ka?" tanong ko dito habang pinagmamasdan ang mga larawan.

"Yeah, after kong ihatid ang mga bata sa Chicago, dumeretso na ako sa Pilipinas," sagot nito at naupo sa couch.

"My sister is indeed crazy." He chuckled and shake his head. "Sabi niya sa akin sa airport, pupunta lang siya sa CR, 'yon pala babalikan ka na niya sa bahay ninyo."

Nilingon ko si Faith na may luha sa mga mata.

"She loves putting herself in danger for the people she really love, I'm afraid na sa susunod niyang gawin ang ganitong bagay...hindi na siya makaligtas, we promise to protect her pero parang tayo pa ang prinoprotektahan niya." Pansin ko ang mga luhang unti-unting nagsisitakasan mula sa mga mata ni Devion.

Masakit para sa akin ang nangyayari but I know na mas masakit ito para sa kaniya dahil kapatid niya si Faith.

"Pangalawang beses na niyang ginagawang shield natin ang katawan," komento ko.

"Sana hindi na magdagdagan, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala pa ang kapatid ko, siya na lang ang meron ako ngayong pati si mommy wala na rin, hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataong makabawi," dama ko ang sakit sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang iyon.

Mahirap naman talagang mawalan ng mahal sa buhay. It feels like you are living in h*ll.

"She will survive again this time, I know it," bulong ko at muling nilingon ang asawa kong nakahiga at wala pa ring malay.

"Faith is a brave and strong woman, nagawa n'ya nang maovercome ang takot niya sa tunog ng baril, eh," I force a laugh to ar least reduce the pain and heaviness inside my chest.

"Yes, she is very brave, she never leave when she know you need her," sagot ni Devi at bahagyang tumawa.

"Kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi na ako sumama sa 'yo at hinayaan na lang na masama ako sa pagsabog pero wala, matigas ulo ng kapatid mo, hindi siya umalis sa tabi ko simula nang bumalik siya sa bahay." Nakayuko lamang ako.

"Faith is lucky to have you," sabi ni Devion kaya nilingon ko siya at nagpilit ng ngiti bago umiling.

"No, I am lucky to have her," kontra ko sa kaniya.

"Aalis muna ako, may kailangan lang akong asikasuhin, nasa labas lang sila Timothy kung may kailangan kayong bilhin, sa kanila mo na lang iutos," sabi nito at isinanarado na ang pintuan ng kwarto.

Muli akong bumaling kay Faith at pinagmasdan ang mukha niya.

"How can you still be able to look gorgeous despite your condition, love?" tanong ko sa kaniya. "I already miss you, please wake up na, I want to see you smiling again, I wanna here your voice and your laugh again."

Nakatitig lang ako sa mukha niya buong gabi dahil hindi ako makatulog. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako mapalagay. Natatakot ako nab aka bigla na namang may magtangkang maglayo sa aming dalawa. Isang bagay na ayaw ko na uling mangyari. Hindi ko na hahayaang magkalayo ulit kaming dalawa.

Maliwanag na nang maisipan kong lumabas muna para magpabili ng pagkain. Hindi pa man ako nakakalayo sa higaan ay biglang tumunog ang monitor kaya agad kong tinawag sila Timothy para tawaging ang doctor.

No, please, hindi ngayon. Lumaban ka, please.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga doctor at nurse at agad na inasikaso si Faith.

God, please, nagmamakaawa ako sa 'yo. Huwag si Faith. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ang asawa ko. God, please, iligtas mo siya. I still want to be with her. Gusto ko pa siyang makasama nang mas matagal pa. parang awa n'yo na mahal na mahal ko ang asawa ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng mga oras na iyon.

I can't. Ako dapat ang nasa posisyon niya. Ako ang dapat na naghihirap, hindi si Faith. Hindi ang babaeng mahal ko.

"Khyel, anong nangyari? Bakit nandito ka sa labas?" magkasunod at nag-aalalang tanong ni Arrone na may hawak na plastic.

"Nasa loob si Faith, the doctors are trying to revive her," sagot ko.

Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor at mga nurse kaya agad akong humarap sa kanila.

"Doc, how's my wife?" tanong ko dito.

"Well she is safe now, but please be alert according to her test results, this is the second time that your wife got shoot on the left side of her torso and that is not a good sign, if that part got affected again...I;m so sorry, mister, but your wife might die," paliwanag niya at umalis.

Nanlambot ang buong katawan ko ng sabihin niya iyon.

My wife...no! Hindi na ulit mangyayarin iyon. Hindi na ulit malalagay sa alanganin ang buhay niya. I will make sure that she will be safe on my arms. Gagawa ako ng paraan. Handa akong ubusin ang pera ko para lang maprotektahan siya. Hindi na niya ito mararanasan ulit.

Pumasok na ako sa kwarto at muling umupo sa tabi niya. Si Arrone naman ay nakaupo sa couch at nakatingin lang sa amin.

"Love, huwag mo nang gagawin ang bagay na iyon sa susunod, please, ayaw kong mawala ka, hindi ko kaya," sabi ko habang mahigpit na hawak ang isang niyang kamay. "Please, nagmamakaawa ako sa 'yo huwag na huwag mo na ulit gagawin pangharang ng bala ang katawan mo...I can't imagine living my life without you near me kaya please, love, let me be your human shield."

"Khyel, tumawag si Kuya Ion, may nakita daw siyang umaaligid sa bahay ninyo sa Pilipinas."

The Billionaire's Ex-Girlfriend (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon