CHAPTER7:NEAR DEATH ANNIVERSARY

252 38 3
                                    

CHAPTER 7

NEAR DEATH ANNIVERSARY

TRIGGER WARNING!

R-18: Read at Your Own Risk!

This chapter of the story contains violent action to the characters.

FAITH EVANS

"Happy first anniversary, love!" masayang bati ko kay Khyel at inilabas ang isang kahon na regalo ko sa kaniya.

"Happy first anniversary too, my love!" malambing niyang tugon sa akin saka ako niyakap at hinalikan sa noo.

I never thought of this day, that's why I'm so happy that we reach this day, our fisrt year of being together despite the challenges that we face pero sa lahat ng challenges na 'yon palagi kaming magkasamang humarap. That's why mas lalo ko siyang minahal, although my family wants me to broke up with him dahil sa social status naming dalawa. Ilang sandali pa ay bumitaw siya mula sa pagkakayakap at may kinuha sa bag niya.

"What's that?" tanong ko habang nakatingin sa hawak niyang hindi kaliitang box.

Nanlaki ang mga mata ko nang buksan niya ito at ipakita sa akin ang laman.

"Love, ang mahal niyan!" gulat na sabi ko habang isinusuot niya sa akin ang suncatcher necklace na binili niya. "Didn't I told you not to spend money for me?"

"Hmm, pagbigyan mo na ako, ngayon lang naman kita ginastusan ng ganito kamahal e, saka you deserve that," depensa niya sa sarili niya.

Ngumiti na ang ako at muling yumakap sa kaniya dahil alam kong hindi naman siya magpapatalo. I'm so happy tonight, hindi dahil sa material na bagay na natanggap ko but I'm happy because God gave me this man na kahit ilang ulit nang ipinagtabuyan ng pamilya ko ay nandito pa rin sa tabi ko at kasama kong lumalaban.

"I love you so much, love," sabi niya at muli akong hinalikan sa noo.

"I love you more, love!" I response as I look at him and tried to reach his cheeks.

Dahan-dahan niyang kinalas ang pagkakayakap naming dalawa at pinatugtog ang paborito naming kanta.

"Shall we da---" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang may narinig kaming sigaw mula sa aking likuran.

"Faith Evans!" galit na sigaw ng isang boses na nakaagaw ng atensyon naming dalawa.

Dahan-dahan ko silang hinarap kahit na may takot at pangamba akong nararamdaman. Alam kong galit na galit na sila mommy dahil ilang beses na nila kaming nahuhuli. Nang makaharap ako ay mabilis akong hinila ni dad palayo kay Khyel, while mom is the one who stepped forward.

"Ikaw! Magkano ba ang kailangan mo para layuan ang anak ko?!" sigaw ni mommy sa kaniya kasabay ng pagtulak nito gamit ang hintuturo niya.

"Hindi ko po kailangan ng pera tita, mahal na mahal ko po ang anak ninyo," magalang na sagot nito kay mommy.

"Uhuh? Do you think mapapakain ng pagmamahal mo ang anak ko?" tanong ulit ni mommy bago buksan ang bag at manguha ng pera. "Here's your five...hundred...billion...pesos layuan mo ang anak ko!" sigaw ni mommy saka ibinato sa mukha ni Khyel ang mga perang hawak niya.

Kita ko ang pagkabigla niya dahil sa ginawa ni mommy but he didn't fight back, yumuko lamang ito bago magsalita.

"You're money means nothing to me tita, mahal na mahal ko po si Faith at kahit kailan o kahit magkano pa ang paulit-ulit n'yong ibato sa akin, hindi ko 'yan tatanggapin, I will love your daughter kahit po ipabugbog n'yo pa ako."

"Aba, sasagot ka pa!" Akmang sasampalin na siya ni mommy nang bigla akong sumigaw, pilit kong inalis ang hawak ni daddy sa akin at tumakbo palapit kay Khyel.

"Mom, tama na po please, saktan n'yo na po ako pero parang-awa n'yo na po, mommy, please, huwag n'yo pong saktan si Khyel," pagmamakaawa ko habang nakayakap sa lalaking mahal ko. "Mom, dad, please, nagmamakaawa po ako, h-huwag n'yo naman pong bastusin 'yong buong pagkatao niya, saktan n'yo po ako, transfer me to States kagaya ng ginawa n'yo kay kuya pero hayaan n'yo na po kaming dalawa ni Khyel, he never did anything bad to me, he protects me and he's there no'ng panahong kailangan ko ng karamay pero wala kayo ni dad dahil nasa trabaho kayo."

Inalis ko ang pagkakayakap ko kay Khyel at marahang lumuhod sa harap nina mom at dad. "Mom, dad, please, let me and Khyel continue our relationship, m-mahal na mahal ko po siya."

Sa pagkakataong iyon akala ko ay mapapapayag ko na sila subalit iba ang nangyari.

"Tumayo ka riyan." Pilit niya akong hinila patayo pero hindi ako nagpatinag. "Tumayo ka riyan, Faith Evans!"

"No, mom, please," pagmamakaawa ko pero hindi nila ako pinakikinggan.

Muli kong hinawi sa kamay nila at tumakbo pabalik kay Khyel. I hugged me as much as I can.

"Come with them for now, pangako babalik ako, ilalaban kita, Faith," he said while caressing my back.

"No, no, love, a-ayaw ko---" I didn't have a chance to finish my sentence when I suddenly here something beside us.

It was dad, nakatutok sa ulo ni Khyel 'yong baril n'ya, nakikita iyon kahit na punong-puno na ng luha ang mga mata ko.

Nanginginig akong bumitaw kay Khyel at hinarap si dad.

"No, dad, please, s-sasama na po ako sa inyo but don't hurt Khyel," sabi ko dito at nagsimulang lumakad papunta kay mommy.

Nang lingunin ko sila ay inakala kong ibababa na ni dad and baril niya but the moment his gun pointed at Khyel, dad hit the trigger causing the bullet to shoot my boyfriend's left leg. Muli akong tumakbo papalapit sa kaniya saka siya niyakap.

Galit kong nilingon si dad bago ko siya sigawan. "What the f*ck is wrong with you?!" galit kong tanong dito.

I look at Khyel who's being emotionless despite what happened to him, alam kong nagkokontrol lang siya.

"Love, d-dadalhin kita sa ospital," sabi ko dito at muling nilingon si dad.

"Sige, iputok mo! Make sure that after this night hindi na ako mabubuhay!" I yelled at him. "You're a f*cking assh*le!"

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigil na hindi mawalan ng galang sa kanila.

"Ano? Iputok mo--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makarinig ako ng putok ng baril.

Due to the shock, I aggressively closed my eyes. Ilang minuto ang lumipas bago ko dahan-dahang imulat ang mga mata ko.

I'm still alive.

Agad kong nilingon si Khyel para alamin kung may panibago na naman ba siyang tama but all I found is a bullet shot on the floor beside us. Muli kong tinignan ang mga magulang ko. Galit ako sa kanila.

"Umuwi ka na, huwag mo na akong intindihin," rinig kong sabi ni Khyel at saka hinimas ang pisngi ko gamit ang likod ng daliri niya.

"Pero..."

"Please, Faith, I don't want to see you being hurt because of me, kaya umuwi ka na" utos niya.

The Billionaire's Ex-Girlfriend (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon