Una: Pagtanaw ng Pasasalamat

3.6K 99 24
                                    

Matangkad, matipuno, maputi, gwapo, magalang, mabait, hindi mayabang, medyo tahimik lang. Ako na yata yang dinedescribe niyo! Hahaha di ba, sabi ko ay hindi ako mayabang? Pero parang bakit pinagyayabang ko naman ang sarili ko? Hehehe pagbigyan niyo na kahit saglit. Ako ang bahala sa inyo.

"Vlad?! Vlad!!" dinig kong tawag ni Lola sa akin mula sa kusina. Nakatira kaming dalawa sa isang apartment na may dalawang kwarto. Katamtaman lang ang laki at sakto lang din ang bayad sa upa kada isang buwan. May mga katabi rin itong apartment kaya marami ang kapitbahay.

"La, ano po yun?" tanong ko habang nakahiga sa kama at nagcecellphone.

"Halika na muna at may iuutos ako sa'yo!" sabi niya.

Tumayo naman ako at nagsuot ng sando. Tiningnan ko ang sarili ko saglit sa salamin dahil paniguradong may ipapabili si Lola sa labas. Kahit payak ang buhay namin ay gusto ko paring maging presentable sa harap ng ibang tao. Maayos naman ang shorts ko kaya ayos na.

"Ano po yun, La?" tanong ko paglabas ko ng kwarto ko.

"Bilhan mo muna ako ng toyo at suka kay Chona dyan sa labas!!" sabi niya sabay abot ng 50 pesos. Kinuha ko yung pera at saka lumabas na.

Nilakad ko ang ilang hakbang papunta sa tindahan. Maliit na sari-sari store lang din naman ito pero kumpleto rin naman sa pangunahing ginagamit sa kusina kaya hindi na lalayo.

"Oh, Vlad, napadalaw ka. Wag mong sabihing uutang ka?" medyo mataray na sabi ni Ate Chona, isang transgender na babae.

"Hindi, Ate Chona!! May pera akong dala! Hehehe pabili raw si Lola ng toyo at suka!" sabi ko sabay abot ng 50 pesos.

"Sige, saglit. Mukhang magluluto ng adobo ang lola mo ah!" biro niya.

"Hehe pananghalian lang, Ate," sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Iniabot niya ang dalawang tetra-pack pati na rin ang sukli.

"Salamat, Te Chons!" sabi ko at bumalik na sa bahay.

Inabot ko kay Lola ang mga pinabili niya saka bumalik kwarto ko. Muli kong tinanggal ang sandong suot ko saka tumingin sa salamin. Sanay na akong nakahubad dahil maganda naman ang katawan ko. Syempre, pinaghirapan ko yan! Dapat lang ay ipagmalaki pero hindi pinagyayabang! Haha labo ko, ano?

Nagwowork out ako sa gym sa kanto, apat na beses sa isang linggo. Dalawang taon ko na ring ginagawa simula nung pagka-Grade 10 ko. Sa dalas kong maggym ay nakuha ko talaga ang gusto kong hulma at hubog ko. Para na rin healthy at hindi magkasakit. Sa panahon ngayon ay mas mabuti nang alagaan mo ang sarili mo para hindi ka magkasakit. Mas mahal pa rin ang gastos kapag nagkasakit kaysa sa pag-aalaga ng sarili.

Mga kabarkada ko rin ang nang-engganyo sa akin kaya ayan, naging grupo kami ng mga lalaking maskulado! Hahaha hubog na hubog ang mga katawan na talaga namang pinag-aagawan ng mga baklang garapal!! Pero wala naman akong pinatulan sa kanila kahit may mga nagyayaya. Mahirap na.

Nagflex ako nang kaunti sa salamin para makita kong pumuputok ang mga braso, dibdib, abs, hita at binti ko. Saktong-sakto na! Kelangan lang ay i-maintain.

Nakatatlong girlfriend na ako noong Junior High School. Ang lahat ay hindi tumagal ng isang taon dahil nakikipagbreak din sila sa akin. Ewan ko ba. Binigay ko naman ang lahat sa kanila pero naboboringan daw sa akin.

Kaya siguro ay napilitan akong maggym at pagandahin ang katawan ko para may mas maipagmalaki pa ako. Pero wala rin eh. Hindi ako nagkagirlfriend ngayong Senior High. Baka hindi ko pa panahon at magfocus na lang ako sa pag-aaral.

Humiga ako sa kama at tumingin-tingin sa Facebook. May mga notifications akong binuksan at puro yun reacts at comments sa pinakahuling pinost ko. Kaka-18 ko lang noong nakaraang linggo kaya nagkaroon ng kaunting celebration dito sa bahay. At yun yung laman ng post ko.

Ang Istorya ni VladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon