Ikatlo: Sa Harap ng Lente

1.4K 49 16
                                    

Tatlong linggo na rin kaming nag-uusap ni Kyle, puro text at tawagan lang. Madalas ay siya yung tumatawag dahil wala naman akong load sa cellphone ko dahil hindi pasok sa budget ang pantawag. Puro unlitxt lang kaya pudpod na ang daliri ko, pero ayos lang dahil lagi kong nararamdaman ang tuwa at saya kapag kami magkausap.

Masasabi kong hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman ko para kay Kyle, pero may nararamdaman ako. May pinagsamahan na rin naman kami noon kaya hindi na naming kelangang kilalanin ang isa't-isa. Madali na siguro sa akin na mahulog ang loob ko sa kanya basta hindi ko lang pipigilan.

Hindi ko naman lubos maisip na ganito pala ang pakiramdam na may kausap akong kapwa ko lalaki sa ganitong usapin. Walang pinagkaiba sa mga babaeng nagustuhan ko o minahal ko dati. Sadyang totoo nga na ang pag-ibig ay walang pinipiling sekswalidad o kasarian. Kapag tumama ang pana ni kupido, mahirap na ito'y mapigilan.

Hindi na naulit yung pagtatalik namin dahil naging busy ako sa trabaho bilang salesclerk sa department store. Hindi ko na siya nabibisita pero ayos lang dahil magkausap naman kaming dalawa. May mga araw at gabi rin kasi na lumalakwatsa siya kasama ang mga kaibigan niya o di kaya ay nanay niya. Pero ayos lang. Paminsan-minsay ay video call pa kapag may sobra akong pera para magkaroon ng data. Buti na lang at maayos ang signal sa apartment kaya hindi problema ang koneksyon.

Tatlong linggo na rin akong namamasukan bilang salesclerk sa department store. Nagugustuhan ko rin ang ginagawa ko dahil customer service ang larangang ito. Mabilis lang ang naging orientation sa amin nung unang araw tapos mga tatlong araw din training na may kasamang ibang mga salesclerks. Mabilis ko lang natutunan ang lahat ng dapat dahil pursigido talaga akong pagbutihin ang trabaho ko.

Kapag opening ay hindi masyadong busy lalo na kapag Lunes hanggang Biyernes. Sa closing naman dumarami ang tao lalo na pagdating ng pagabi, sa oras ng pagtatapos ng opisina ng karamihan. Pinakabusy kapag Biyernes ng gabi at buong araw ng Sabado at Linggo, lalong higit kapag araw ng sweldo. Kahit pagod ang pakiramdam ay kaya pa naman dahil sanay ang katawan ko sa pagwoworkout ko.

Maayos din ang mga naging kakilala ko sa trabaho, mga kaedaran ko rin na kasabay kong nag-orientation, pero iilan lang sa amin yung baguhan talaga dahil ang karamihan sa kanila ay palipat-lipat lang ng mga department store.

May isa akong nagiging kaibigan, si Caloy. Mas matangkad lang ako nang kaunti at masasabi mong may ibubuga rin ang itsura. Kami ang halos laging magkasama sa trabaho, pero siya lang ang laging napapagalitan ng supervisor naming sobrang bagsik. Laging galit at parang siya yung may-ari ng department store sa kung paano niya kami tratuhin. Hindi makatao.

"Ano na naman, Marasigan?!" rinig kong sigaw ni Sir Martin, supervisor namin.

"Sir, pasensya na po talaga. Hindi ko naman po sadya," magaralgal na boses ni Caloy.

Kasalukuyang nasa locker room silang dalawa nung pumasok ako. May mga lumabas ding ibang katrabaho namin na mukhang natatakot at umeskapo na dahil baka sila rin ang mabuntunan ng galit ng supervisor namin.

"Anong pasensya?! Tatlong linggo ka nang nandito, Marasigan!! Ano pa ba ang hindi mo alam at paano mo ipapasok dyan sa maliit mong kokote yung training mo?!" muling bulyaw ni Sir Martin.

Dahan-dahan akong pumasok at maingat na naglakad papunta sa locker ko. Maging ako ay ayaw kong mapagalitan dahil ibang magsalita itong supervisor namin. Nakakaliit ng pagkatao.

Napansin kong nakayuko lang si Caloy at halatang nanginginig sa takot. Nakatayo siya sa isang sulok samantalang nakatalikod sa pwesto ko ang supervisor namin, nakapamewang. Parang mangiyak-ngiyak na siya sa takot at parang gusto na lang maglaho na parang bula.

"Ayan, ilang merchandise na naman yung nabasa dahil dyan sa kabobohan mo!! Sino ang magbabayad niyan, aber?!" muling sigaw ni Sir Martin sa kanya.

Hindi na siya nagsalita at nanatiling nakayuko. Tinuon ko ang pansin ko sa dahan-dahang pagbukas ng locker ko. Medyo lumangit-ngit yung bakal kaya parang natigilan si Sir Martin sa pagsasalita at tumingin sa pinanggalingan ng ingay.

Ang Istorya ni VladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon