Ikasiyam: May Aalis

1K 51 9
                                    

Marami ang nangyari sa loob ng tatlong buwan simula nung unang gabi na may kliyenteng nagtake home sa akin. Mas naaral ko kung ano at sino ba talaga ako bilang isang bikini boy. Mas nagamay ko ang buhay ko bilang isang bayarang lalaki na nagbibigay ng panandaliang aliw sa mga baklang gusto akong matikman.

Nababanggit ng ilan sa mga naging kliyente ko na malaki raw ang potensyal ko sa buhay base sa pagkakakilala nila sa akin. Sumasang-ayon ako dahil kilala ko rin ang sarili ko. Pinili ko mang maging ganito ang trabaho ko ay hindi naman ito panghabang buhay. Kelangan ko lang talagang ipunin ang dapat ipunin para makapagsimula akong mag-aral at makakuha ako ng scholarship. Pansamantala ay dito muna ako dahil gaya ng binibigay kong panandaliang aliw ay panandaliang trabaho lang ito.

Ano nga ba ang nangyari nitong mga nakalipas na mga buwan?

Lalo kong nagustuhan ang pagiging submissive top dahil likas naman talaga sa akin ang pagiging people pleaser. Mas tumataas ang libog ko kapag nakikita kong nagugustuhan, nasasarapan at nauulol sila nang dahil sa akin. Marami sa mga naging kliyente ko ang nagustuhan ang personalidad ko kaya umuulit silang i-take home ako. Hindi ko man sabihin sa kanila na submissive top ako ay nababakas naman yun sa mga kilos at galaw ko.

Ang nagustuhan ko rin sa pagiging bikini boy ay tumataas pa lalo ang kumpiyansa ko sa sarili ko kapag naibebenta ko ang sarili ko sa mga kliyente. Nahuhuli ko ang kiliti nila kapag nagpapakitang-gilas ako, kapag nagpapacute ako, o kaya kapag nagpapaka-inosente ako. At kapag ginagawa ko ang mga yun ay ibayong ngiti, kilig at libog ang nakikita at kinatutuwa ko sa kanila. Kaya para sa akin ay talagang masarap sa pakiramdam ang magserbisyo.

Tatlong beses akong i-table tuwing gabi kapag araw ng trabaho ko sa bar, maliban na lang kung nakatokang waiter ako dahil bawal i-table ang mga assigned waiter. Halos isang oras lang naman ang pagtable sa amin dahil may mga production number pa kami kada oras hanggang sa magsara ang bar. Ang naging patakaran lang ay kapag natapos na ang halos isang oras na pagtable sa amin ay kinakabukasan na ulit pwedeng umulit para naman magkaroon ng ibang pagkakataon ang ibang kliyente na ma-i-table kami.

Marami na akong nakasalamuha at nakausap na mga kliyente. Iba't-ibang klase ng personalidad, gustuhin at mithiin sa buhay, ugali, pag-iisip, at estado sa buhay. Lahat naman sila ay naging maayos ang pakikitungo sa akin lalo pa't naging magalang naman ang pakisama ko sa kanila.

Kahit na nasa ganitong larangan ako ng trabaho ay masasabi kong hindi ito naging hadlang upang matuto pa ako. Marami akong natutunan sa kanilang mga pananaw sa buhay at napulot na aral sa kanilang karanasan. Sadyang iba-iba nga talaga ang takbo at landas ng mga buhay-buhay natin at masaya ako dahil sa mga napupulot kong impormasyon na pwede kong baunin sa pagtanda ko.

Alas dos ng madaling araw ang oras kung kelan kami pwedeng i-take home ng mga kliyente. Hindi na rin bago yan sa akin dahil halos gabi-gabi ay may nagtetake home sa akin. Isa o dalawang kliyente ang kumukuha sa akin kaya hindi ako nagiging bakante sa apat na gabing trabaho ko sa bar.

Bago pa man kami magkasundo sa pagtake home sa akin ay sinasabi ko sa kanila na magsusuot ako ng condom. Hindi ako pumapayag na magbe-bare sex kami kahit na nag-aalok sila ng mas malaking bayad kapalit nito. Bukod pa riyan na umiinom ako ng protection pill araw-araw. Iba pa rin talaga kapag sigurado at nag-iingat. Wala naman silang magagawa kung hindi ako papayag dahil hindi nila ako matitikman.

Tig-isang oras lang ang limitasyon na sinasabi ko sa kanila bilang pagbibigay serbisyo ko. Kaya natatapos ako sa mga kliyente ko bago pa mag-alas syete ng umaga, kasama na run yung pagbyahe kung saan. Lahat naman ng gusto nila ay ginagawa ko maliban na lamang kung matatamaan nito ang mga limitasyon ko. Wala pa namang gumagawa nun kaya kampante pa rin ako.

Bukod sa pagtake home sa akin ay nakukuha rin ako paminsan-minsan sa mga massage cubicle sa itaas ng bar. Dito ko naman nagagamit ang mga natutunan ko sa massage class. Minamasahe ko muna ang mga kliyente ko saka mauuwi rin sa mabilis na mainit na bakbakan. Pagkatapos nun ay babalik na kami sa audience area na parang walang nangyari.

Ang Istorya ni VladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon