Medyo nakapag-isip-isip ako nitong mga nakaraang araw tungkol sa sarili ko. Hindi ko naman kinukwestyon kung ano ang kasarian ko dahil alam ko sa sarili ko na isa akong tunay na lalaki. Lapitin lang talaga siguro ako ng mga bakla dahil sa angking tikas ng pangangatawan.
Ang iniisip ko kasi ay kung ano ako pagdating sa pakikipagtalik. Tulad ng pinaliwanag sa akin ni Sir Manuel ay isa akong Top, baka nga Pure Top pa dahil mas gusto kong ako ang papasok sa butas at kakantot. Hindi ko maimagine ang sarili ko na magpapatira ako sa ibang lalaki. Ang sumagi sa isip ko ay kung Submissive Top o Dominant Top ba ako.
Hindi ko rin kasi sigurado kung alin ba ang mas gusto ko, pero nagustuhan ko kung paano ako umarte nang alin man sa dalawa. Kay Sir Reggie at kay Sir Manuel ay naging submissive top ako. Kay Ron at Sir Martin naman ay naging dominant top ako. Pero kay Kyle ay magkahalo. Siguro nga ay depende sa kapareha kung ano ang gusto nila sa akin. Pero kung ako ang tatanungin, parang lagi kong ibibigay ang pagiging submissive top ko. Dahil nga siguro ay likas na people pleaser ako kaya ganun ang mindset ko.
Pinatotohanan naman ni Sir Martin ang sinabi niya sa amin ni Caloy. Hindi na naulit ang tagpo naming tatlo at hindi na rin niya binanggit ang nangyari. Parang wala ngang naganap dahil nagpatay malisya na lang kami. Maging ang pagkakautang ni Caloy ay mukhang bayad na bayad na. Wala na rin kaming narinig na naningil siya ulit patungkol doon.
Malapit na akong magtatlong buwan dito sa department store kung saan ay isa akong salesclerk. Tatlong buwan lang talaga ang kontratang binigay sa amin pero binibigyan naman kami ng pagkakataon na i-renew yung kontrata kada-tatlong buwan kung maganda at maayos ang trabaho namin.
Pero dahil masahol na boss si Sir Martin ay hindi ko piniling magrenew pa at mas gusto ko na lang na lumipat ng trabaho para malayo lang sa kanya. May dalawang linggo pa ako bilang salesclerk at yun na lang ang titiisin ko bago tuluyang makaalis.
Wala namang panggigipit na ginagawa ang bisor namin. Casual lang ito sa trabaho at nagagalit pa rin kay Caloy at maging sa akin. Pero para wala na lang gulo ay aalis na lang ako at baka madamay pa ako sa kung anong pwedeng mangyari kung piliin niyang gamitin ang naganap sa aming tatlo.
Hindi naman makapagdesisyon nang maayos itong si Caloy. Kelangang-kelangan pa naman talaga niya ng pera. Kapag nagrenew kasi kami ng kontrata ay walang tigil ang trabaho. Dire-diretso lang din ang pagpasok namin sa department store. Kumbaga, hindi kami mababakante. Naiisip kasi niya na kung maghahanap siya ng ibang trabaho ay baka matagalan pa ito.
Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian ni Caloy sa food court. Maraming tao pero buti na lang at nakabili kami agad ng pagkain para hindi sayang sa oras.
"Ano, Pre? Nakahanap ka na ng trabaho?" tanong niya.
"Hindi pa. Tumitingin-tingin ulit ako dun sa mga manning at recruitment agency, pero parang wala namang hiring ngayon," sabi ko.
"Dumito ka na lang muna. Tatlong buwan lang naman ulit," sabi niya.
"Ayoko na, Pre. Hindi naman mabigat ang trabaho. Kaya lang, parang hindi na ako naging kumportable pagkatapos nung nangyari," sabi ko.
"Kantot lang yun, Pre! Wag mo nang isipin yun!" mahina niyang sabi.
"Gago! Eh paano kung maisip na naman niya na gawin yun sa ating dalawa?" tanong ko. Tumahimik siya at hindi nagsalita. "Uy, nakokonsensya ka pa rin?"
"Oo, Pre! Parang hindi nga ako masyadong makatingin sa girlfriend ko. Kaya kapag nasa bahay ako ay ako na yung nag-aasikaso sa anak ko," sabi niya.
"Mahirap nga yan," tangi kong nasabi.
"Hindi ko matyempuhan na sabihin sa kanya. Aamin din naman ako pero parang natatameme ako kapag sasabihin na sa kanya," sabi niya.
"Pero, kelangan niyang malaman, di ba?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ni Vlad
General FictionHi, ako si Vlad Torres. Vlad lang talaga, hindi Vladimir. Ewan ko ba sa tatay ko kung bakit Vlad. Pero ayos na rin. Siguro dahil sa foreigner siya ay kaya ganyan ang ipinangalan sa akin. Sumakabilang bahay ang tatay ko noong bata pa lang ako. Sabi n...